Teka, Wait…Di Ako Handa
Preview Chapters
By
J Corcinto
Copyright 2014 J Corcinto
Published By Arcenciel Publishing
About The Book
Phillip Valdez aims to acquire majority stocks of one of the Philippines’ leading television networks. He agrees to an interview from the country’s leading lifestyle and features magazine in the hopes of drumming up some good PR, but is shocked to be interviewed by the intimidating Grace Potenciano, who seems to stop at nothing in order to dig deep into the sordid details of his past.
The story takes its readers through the life of a young boy called Pip, whose life in the lower middle class suburbs of Third World Philippines is encumbered by the repressive treatment he endures in his own household. Burdened by his growing realization of his own sexuality, he escapes through school until his world is shaken senseless with the arrival of Lemuel Rodriguez.
Through Lemuel, Pip is taken down a path of self-discovery, heartbreak and drugs, until it seems nothing in his life is left worth redeeming. He begins to weave his way through an assorted group of characters, finding friendship and acceptance.
But will he find what he’s looking for?
Pasasalamat
Wow. I’m writing this. I kept myself from writing this part of the book because, frankly, I didn’t think it would ever come to this point. I should have slapped myself silly whenever I had those thoughts. I was told to stop worrying. That my work is done. That I already finished writing the book. I should have trusted the people who told me that. I worried too much.
Self-doubt does that, you know? It kind of pushes you back after you’ve already taken several steps forward. And that feeling gets magnified, believe me, when you’re gay. Every single step you take makes for all these questions you tend to ask yourself about how the world will react to everything you do. But all those questions stop, really, once you tell that nagging, pipsqueak Inner Self to shut the fuck up.
Sometimes, that happens when you find the right people. People who are willing to raise their middle fingers up against doubt. I found those people, thank the high heavens.
Judith Albano and Jasmine Ong. This is such an unholy trinity. All I is that you were both talking about writing and publishing, giggle-snorting about the energy-draining ordeal of proofreading and editing. I can’t exactly when I said it, but I told the two of you that I wanted to do write. And you believed me. You believed that I could. You believed in me. Thank you. For your unflappable calm. For your unwavering patience. For your guidance. For the bitch slaps whenever I needed it. (Take note of the spectrum of emotions we experienced there.) Judith, thanks for editing and formatting. Jasmine, salamat sa lay-out at pangangalampag ng partners!
Ram Ramos, thank you for the legal advice. While I wish that one day, I’d be wrapped in the firm protection of your powerful arms and your fresh, clean scent, I know it’s not meant to be. (Joke lang po! Respetuhin niyo si Atty. Ram.)
Skip Esguerra, thank you for the book’s cover design. Thank you, thank you, thank you at pumayag ka. Pasensya na rin sa pangungulit.
To the people who placed their bets on this book when we announced it: Ms. Tonichi Achurra, Faith Cruz, Mike Vergara, Sly and Ericka Cruz, Abi Manubay, Michelle Davadilla, Joel Cortez, Janley De Aquino, Ma’am Tess De Guzman, Ms. Daisy Callanta Licca Urrea and Melody Campos. Maraming salamat mula sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko kayo bibiguin!
To Alissa, Louise, Cyrus, Rikki, Eric, Erika, Abes, Jette, Jozy, Vince G. , Joshie, Ranch, Basti, Chie, Paolo A., Dan T, Jerrol , Perry at Khel. Mga taong nakasabay ko sa paglalakbay, mga taong minsang dumaan at ang mga taong kasama ko pa rin hanggang ngayon. My life would have been painted in the dullest shades of gray kung hindi ko kayo nakilala. There would be times in a person’s life when he would feel like he’s standing on the edge of a cliff. In so many ways, you all made me jump.
To my brothers: Jorge, Jeffrey and John Carlo. One would think that growing up in a brood of three straight brothers would be difficult. It never was, thanks to the three of you. I wouldn’t have survived my occasional moments of insanity without your .
At ikaw. Ikaw na nagbabasa nito ngayon. I wrote this book not just for the
people who ed me all throughout these years. I wrote this for YOU. Oo, ikaw nga! Sino pa ba? Hindi madaling mangarap, kapatid. Pero kapit lang sa pangarap na ‘yan. May mga taong darating na kasama mong maniniwala sa mga pangarap mo. If you’ve already found them, pasalamatan mo din sila. Shout it out from the rooftops! Their stories need to be told too.
Pero kung hindi mo pa sila nakikita…trust me. Itaga mo sa bato. You will.
Dedication
I’m dedicating this book to my one and only Mama, Mayen Cortez Sawaya. Hindi mo na ako nakikitang nagro-rosary katulad nung nakasanayan nating gawin nung bata pa ako. Hindi na rin ako nagbabasa ng Bible. Hindi na rin ako nagsisimba. Alam ko, nagdududa ka na kung naniniwala pa ba akong may Diyos. But, I’m telling you this:
When I close my eyes in silence, nagpapasalamat ako sa Kanya dahil ikaw ang pinili Niyang maging Mama ko. Ikaw yung ilaw ng kandilang mahigpit kong kinakapitan kapag madilim, Ma. You will always be my candle. So, how can I not believe that there is a God?
I have all the evidence that I need to prove that somewhere out there, a God exists.
You.
Phillip: The Early Years
Nag-iisa akong anak ng Mama ko sa isang lalakeng kahit kailan man ay hindi ko nakilala, pero may dalawa akong kapatid sa isa pang lalaking kalaunan ay naging asawa niya. Lalake’t babae ang mga kapatid ko.
I suppose, I never really questioned what I was nung wala pa akong kapatid, pero nung mag-asawa ulit ang aking ina’y, parang dun na lang nagbago ang lahat. Mga limang taon ako nun when she married Conrad Felipe. Nung una ko pa lang na makita siyang kasintahan ni Mama ay iyon na agad ang naisip ko.
Lalaking -lalaki. Yung tipo ng lalaki na para bang mapupuno niya yung kwarto simply by the raw manliness he carried. Yung para bang kahit kailan ay hindi ko mararating. Parang batang Eddie Garcia. Epitome ng pagkalalaki.
Nakatira kami noon sa aking Lola bago magpakasal si Mama sa lalaking ito na kinilala kong amain. Bumukod kami noon dahil ‘yun ang kabilin-bilinan ng lola ko. Yun ang kanyang kundisyon para pakawalan niya kami ni Mama sa kanyang poder. Bahay at lupa, puwera pa sa isang legal na kasal na minsan nang nakawala sa nag-iisa niyang anak. Nagawa naman ito ni Conrad Felipe. Dalawang maiksing sakay lang at mapupuntahan na nga ni Lola ang bahay na ipinundar ni Conrad Felipe para sa aming mag-ina. Kaya naman natuloy ang kasal.
Siyempre, ako yung ring bearer. Naaalala ko pa yung suot ko nun sa simbahan. Pantalon na yari sa puting satin, polo na may kung ano’ng ruffles sa dibdib at isang asul na vest, kahit pa napakainit nung umaga na yun. Ginawa ko naman ng maayos sa gitna nung simbahan yung inensayo naming mabagal na paglalakad ni
Lola. Iningatan kong hindi malaglag yung unan kung saan nakapatong yung mga singsing.
Pagkagaling sa simbahan, deretso kami sa reception. Isang kilalang litsunan na malapit din sa amin sa loob ng Quezon City. Nakaupo ako noon sa tabi ng Lola, pinapanuod lang si Mama saka ang bago kong amain habang masaya nilang tinatanggap yung mga pagbati, regalo at mga ang pao galing sa mga bisita dun sa litsunan. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang bagong kasal kong ina. Ang ganda-ganda niya. Nagpakulot pa ng buhok at naka-kolorete sa mukha na lalong nagpaangat ng likas niya nang kagandahan.
“Ang saya ni Mama, Lola.” Naaalala kong sinabi ko noon.
Naluluha-luha pa ang Lola ko sa tabi ko. Paulit-ulit lang sinabing, “Oo, Pip, no?” Paulit-ulit niyang hinalikan ang aking pisngi kahit pa nanlalagkit na ako sa pawis at kanyang kahahalik. Pinalampas ko na lang, dahil nangingibabaw ang kasiyahan ng lahat nung mga panahon na yun.
Sa pagkakatitig ko sa aking Mama at sa kanyang asawa’y natanong ko si Lola. “Mag-aasawa din ba ako paglaki ko, Lola?”
Natawa siya nung marinig niya ang tanong ko. “Ano ba’t ang bata-bata, tinatanong mo na agad ‘yan?” Tinapik niya nang magaan ang ulo ko na parang dapat ay hindi ko pa muna iniisip ang mga bagay na yun. Pero alam ni Lola na isa akong batang kailangang nasasagot ang mga tanong na sumasagi sa kuryusidad, kaya ilang sandali lamang ang nakalipas na siya’y nag-isip. “Siyempre naman. Pagtanda mo, makakakita ka ng babae na magpapasaya sa iyo, na masasabi mong gusto mo makasama habambuhay. Kaya, oo. Magaasawa ka rin.”
Napakunot-noo ako ng kaunti nung narinig ko ‘yun. Maghahanap? Kailangan pang maghanap? Ng babae? Eh, bakit naman si Mama, hindi naman naghanap pero nakita siya ni Conrad? Saka, sa tingin ko naman si Conrad yung mas nagpapasaya kay Mama. Ang dami niya kayang nai-regalo kay Mama bago sila ikasal. Lalo na yung chocolates na lagi namin pinaghahatian ni Mama noong nanliligaw pa lang si Conrad sa kanya. Parang ang saya ni Conrad na pinapasaya niya si Mama. Gusto ko yung ganun. Gusto ko yung may makakahanap din sa akin, tulad ng pagdating ni Conrad sa buhay ni Mama.
Ang higpit ng pagkakahawak ng Lola ko sa kamay ko. Kulang na lang iwasiwas niya’yunsa sobrang excitement. “Madadagdagan na ang apo ko!” sabi niya habang pinapanuod ang kasiyahan. Sandali na naman siyang nag-isip at yumuko sa aking tabi, humalik na naman sa aking pisngi at saka ako tinanong, “Gusto mo ba ng kapatid, Pip?”
“Opo, Lola.” Talaga namang gusto ko ng kapatid. Ang lungkot kaya ng nag-iisa. Laging sila Lola lang saka sila Mama yung kasama ko at kahit pa hindi naman nila ako madalas pagbawalan at hinahayaan lang akong maglaro kapag gusto kong maglaro, ay malungkot pa rin. Dahil sa sagot ko ay nakatanggap ako ulit ng halik sa pisngi. Sa lagkit na nga ng pakiramdam ko ay pinunasan ko ang pisngi ko ng vest na akin nang tinanggal kasi sinabi ni Lola na masyado na akong pinagpapawisan.
“Boy o girl?” pahabol na tanong ni Lola sa akin.
Sandali akong nag-isip, pero sa totoo lang ay alam ko na naman talaga ang gusto kong maging kapatid. “Girl.”
Napasimangot yata ang Lola nun. Hindi ko na masyado matandaan dahil ang atensyon ko noon ay nakatuon kina Mama nung mga sandaling ‘yun. Ang ganda talaga ni Mama. Pero narinig ko na naman si Lola na sumundot ng tanong. “Bakit girl? Ayaw mo bang may kalaro?” tanong ni Lola sa akin.
Nalabuan ako sa tanong ni Lola. Bawal ba? “Bakit, Lola? Hindi ba ‘ko puwedeng makipaglaro sa girl?” Dun ko naalalang napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatutok ng mga mata kina Mama. Nakakunot-noo na talaga ako. Napasimangot. Bakit nga ba yung mga napapanuod ko sa TV, laging ang mga magkakalaro lang sa kalsada, yung mga batang lalake? Tapos yung mga batang babae, nasa bahay, naglalaro ng mga manika?
Tumingin si Lola sa paligid na para bang sana’y walang nakakarinig ng aming usapan. Yumuko siya sa tabi ko at bumulong. “Puwede naman, hijo. Pero mas madami kang puwedeng laruin sa boy.”
(Pagtanda ko na, Grace, siyempre, matutuklasan kung ano nga ba ang mga puwede kong laruin sa kapwa ko lalake.)
Wala pa akong kamuwang-muwang noon kaya napatanong na lang ako. “Tulad ng ano, Lola?” Napakibit-balikat si Lola na para bang hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ko pang itanong ang mga nilalaro ng mga batang lalake. “Eh, di tulad ng mga nilalaro mo,” kumpara niya. Mabilis ang pahabol na dagdag ni Lola. “Tulad ng baril-barilan. Habulan. Pulis-pulis. Yung mga ganun.”
Mas lalo lang akong nalito sa sinabi ni Lola. Para niya naman akong hindi kilala. “Di ko naman nilalaro yung mga ‘yun, Lola eh. Bad yung baril-barilan. Saka ayoko ng pulis-pulis. Sa TV napapanuod ko, lagi silang namamatay. O kaya, laging tapos na halos yung storya bago sila dumating. Ayoko ng pulis-pulis saka baril-barilan!”
“Hindi mo ba nilalaro yun?” tanong ni Lola tuloy nung sinabi ko yun. Para pa tuloy naging palaisipan kung ano nga ba yung mga hilig kong laruin. “Ah, basta! Mas masaya kapag boy. Kapag boy, yun yung puwedeng magdala ng bagong apelyido ng Mama mo. Saka, naku! Sakit lang ng ulo kapag babae naging kapatid mo.”
Hindi ko pa masyado naintindihan yung mga sinabi ni Lola tungkol dun. Babae naman si Mama. Anak siya ni Lola. Naging sakit lang ba ng ulo ang Mama ko para sa kanya? Pero mukha namang ang saya-saya nilang lahat noon. Siguro may mga sakit ng ulo na sadyang kailangan tiisin sapagkat yung mga tiniis mong ‘yun ang balang-araw magpapasaya din naman sa iyo.
Pero hindi pa’yunang tumatakbo sa isip ko noong mga panahon na yun. Ang nasa isip ko lang noon ay kung anong ganda ni Mama nung araw ng kanyang kasal kay Conrad Felipe.
Gusto ko din maging kasing-saya ni Mama. Ayokong maging sakit ng ulo para sa kahit sino, sa kanya man o kay Lola. Gusto ko na maraming tao rin na magiging masaya para sa aking kaligayahan pagdating ng araw. Kapareho nung kasal ni Mama nung araw na ‘yun.
Bata pa ako, eh. Hindi ko naman alam nung bata pa ako kung gaano kahirap maachieve yung ganun.
II.
Pop ang napagkasunduan naming lahat na itawag ko kay Conrad.
Hindi pa man natapos ang taon na yun nang magbuntis si Mama. Naalala ko yung ilang linggo na paggising ni Mama tuwing nagluluto siya ng almusal na naduduwal siya’t tila ang sama ng pakiramdam kapag nakikita ang pagkain na siya rin mismo ang nagluto’t naglapag sa mesa. Ako pa nga yung tumakbo noon kay Pop para sabihin sa kanya na may sakit si Mama. Nung bumangon si Pop mula sa kama sa kanilang kwarto’y pupungas-pungas pa siya, pero mukhang nabahala din nung pumasok na sa kanyang isipan yung sinabi kong may sakit si Mama. Nagmadali siya papunta sa kusina at nakita nga ang Mama ko doon na naduduwal. Narinig ko pa noon nung tinanong niya si Mama kung ano’ng nararamdaman niya at nakita ko rin ang malalim na pag-aalala sa mukha ng aking amain.
Yumakap si Mama noon kay Pop na para bang siya’y napagod. Tumingkayad siya papalapit sa tenga ni Pop at saka bumulong. Nakita kong unti-unting nanlaki ang mga mata ni Pop noon na kapareho nung mga napapanuod kong masasagasaan ng kotse sa TV, pero imbis na sumigaw sa takot ay bigla itong humalakhak at binuhat si Mama sa tuwa. Pagkatapos noon ay dun ko lang nalaman na buntis nga si Mama.
Nang malaman ito ni Lola’y halos bawat linggo siya bumibisita sa bahay para makita kung maayos ang lahat. Medyo may pagka-dominante talaga ang Lola pagdating sa kalagayan naming dalawa ni Mama. Iyon yung dahilan kaya paguwi ni Pop galing sa trabaho’y naglalaro kami ng basketball para makaiwas ng ilang oras sa maghapon at maggabi na kasama namin si Lola.
Never ko nagustuhan ang basketball.
Nung unang hapon pa lang na tuturuan ako kung paano maglaro noon ay medyo kinutuban na ako na hindi ko makakahiligan yung laro. Naaalala kong nagpaalam si Pop kay Mama at Lola na tuturuan niya nga daw ako. Na-excite naman silang lahat sa ideya, kaya hindi na ako tumutol. Siyempre, kung saan masaya ang lahat, eh di dun ako sasang-ayon.
Pinanuod ko na lang si Pop nung ilagay niya ang tuwalya, tubig at bola sa isang bag na kanyang masayang binitbit bago kami lumabas papunta doon sa basketball court na malapit sa amin. Sa paglalakad namin, dun ko lang naisip na parang ang bilis ng mga pangyayari.
Parang bigla kong kinailangan himayin yung sequence of events.
Una:
Dumating si Lola.
Ikalawa:
Nagpaalam si Pop na tuturuan niya akong maglaro ng basketball (kasi nga dumating si Lola). Pumayag naman silang lahat.
Ikatlo:
Nag-empake si Pop. Ang mga inempake: Isang tumbler ng malamig na tubig. Tuwalya mula sa aparador. Saka yung bola.
Teka, teka, teka! Ang ibig sabihin, kung anuman ang gagawin namin sa bolang ‘yun, magiging dahilan’yunpara mauhaw ako saka pagpapawisan. Di ba, ‘yun yon? Kaya kakailanganin din yung tubig. Atsaka yung tuwalya. Yun ang ibig sabihin no’n, di ba? Kadiri kaya pagpawisan! Yuck!
Bakit naman kasi pumayag si Lola? Nakakaasar naman, o! Siya itong may kabilin-bilinan na maging maingat kapag pinagpapawisan, tapos hahayaan niya akong sumama kay Pop? Kaya nga ako laging nilalagyan ng panyong may Johnson’s Baby Powder sa bulsa ni Mama, kasi kabilin-bilinan ‘yun ni Lola na kapag pinawisan ako, dapat agad kong mapunasan ang sarili ko at mapulbusan. Wala akong dalang panyong may Johnson’s Baby Powder! Hindi ako prepared na maglaro! Sana, hindi na lang dumating si Lola. Hindi naman magyayaya ‘tong si Pop kung hindi dumating si Lola, eh!
Pero wala na akong magagawa, di ba? Maghihimutok pa ba ako, eh andun na kami sa basketball court?
At doon na nga nagsimulang magpakitang gilas ang aking amain. Nagpatakbotakbo siya ng pabalik-balik habang dinidribble ang bola. “Ganito, ha?” muwestra niya sa akin habang tumatakbong nagdidribble.
Ganun ang alin? Ganun ang gagawin ko? Eh, kung matalisod pa ako? Ang laki kaya nung bola! Walang sense! Bakit kailangan pang patalbug-talbugin yung bola? Eh, di hiningal pa ako? Eh, di pagugulungin ko na lang!
Nung malapit na si Conrad sa ring, tinawag niya ako ulit at sinabihang, “Tapos ganito!” Kumilos siya na parang may mga engkantong umaagaw sa kanya nung bola. Yung parang tanga lang na natataranta. Pinagpapawisan na si Pop sa lagay niyang yun. Naaalala kong tinatago ko noon yung pagkadiri ko sa pawis na nakikita kong nangingintab at tumutulo sa kanyang mukha, balikat, braso at mga binti. Sa isip ko nun, parang ang sarap siyang i-shoot sa isang drum ng Johnson’s Baby Powder.
“Tapos ganito!” Tumalon siya at binato ang bola. Shumoot’yun sa ring. Nang magawa niya’yun ay tila napaka-proud niya sa kanyang sarili. Sumisigaw-sigaw pa. Again, parang tanga lang. Wala namang kalaban, eh. Pero, siyempre, hindi ko naman sinabi yun.
Pagkatapos, ipinaliwanag ni Conrad kung paano mananalo dun sa laro. Nung medyo hindi ko naiintindihan, ipinakita niya ulit sa akin kung ano yung gagawin. Nang naintindihan ko na lahat, saka ko napagtanto na nakaka-stress pala talaga ang larong basketball. Maghahabulan kami habang dapat laging pinapatalbog yung bola. Ang dapat kong gawin, ma-shoot ko yung bola dun sa ring kahit na hinahabol niya ako at saka kahit inaagaw niya yung bola sa akin. Pero yung isang ring lang yung puwede ko pag-shootan ng bola. Hindi puwede yung sa kabila, kasi sa kanya ‘yun. Nakakalito!
Kung gusto niya akong maka-shoot nung bola, eh di dapat huwag niyang agawin sa akin! Ang complicated! Kung puwede lang akong maghimutok noon at sabihin sa kanyang “Pop, I’m only a child!” siguro, ginawa ko na. Feeling ko sobrang bata ko pa para i-process lahat nung mga bagay na ‘yun.
Sa pagkalito, at bilang delaying tactic na rin, minabuti kong i-validate muna kay Pop yung mga puwede at hindi puwedeng gawin. Sinadya kong sunud-sunod ang mga tanong ko:
“Eh, paano kung kakahabol mo sa akin, dun ako sa kabila napunta tapos andun na nga yung ring, hindi pa rin ako puwedeng mag-shoot? Kelangan ko pa rin pumunta sa kabila?” “Eh, andun na nga, hindi pa rin puwede?” “Dapat puwede! Eh, di mas maraming points saka mas hindi mahirap.” “Eh, di mas madali nga para hindi ako pagpawisan.” “Eh, baka kasi magalit si Lola!”
Sa pagkakasunud-sunod ko ng mga tanong na ‘yun at dahil sa winning na linya na baka magalit si Lola ay napapayag ko si Pop na laruin na lang namin yung basketball kung paano ko gustong laruin. “Pero sa totoo, hindi ganun laruin yun, ah!” Sinabi niya’yun bilang paalala’t paniguro na dapat ko pa ring matandaan kung paano yung tamang paglaro ng basketball. Pagkatapos ay bubulung-bulong siya na nagsimulang mag-dribble ng bola.
Iniisip ko ulit lahat nung mga detalyeng napagkasunduan namin tungkol dun sa laro. Nagkakamut-kamot pa nga ako ng ulo nung narinig ko na lang siya na sumigaw ng, “O, ‘eto! Bilis!”
Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari. Naaalala ko na lang na umalog yung ulo ko ng malakas at may tumama dito, dahilan para matumba ako patalikod at mauntog ulit sa semento ng basketball court.
III.
Ilang linggo rin ang dumaan pagkatapos ng malagim na araw ng una kong paglalaro ng basketball. Nang dumating ulit si Lola sa bahay, ay mas lalong mukhang ipinagbawal na banggitin ang salitang basketball at pati ang panunuod nito sa TV. Noong mga panahon na yun, umuuwi si Pop, magmamano’t hahalik sa amin, tapos lalabas ng bahay upang bumili ng hapunan. Ayun. Lagi tuloy kami late mag-dinner.
May isang gabi na naghihintay na ako sa labas at naiiyak na sa sobrang gutom. Nananadya kasi si Pop na gutumin si Lola para hindi mawili sa kakabisita sa amin, pero siyempre damay kami dun nila Mama. Nang namataan ko si Pop, hindi ko na napigilan na umiiyak. “Pop! Gutom na gutom na kami!”
Yumuko siya sa akin, pinasan ako’t sinabihan, “O sige. Bibilisan ko na lagi. Pero, sasabihan mo ang Lola mo’t Mama mo na gusto mong maglaro tayo ng basketball, ha?”
Medyo nanginig ako ng konti nung narinig ko yung salitang basketball. Parang na-trauma lang. Marunong na ako um-emote nung bata pa lang ako kakanuod ko ng TV. “Sige na!” pakiusap ni Pop. “Ikaw kasi, hindi mo sinalo yung bola nung tinuturuan kita. Pinakita ko naman sa iyo kung paano, eh. Saka kapag pinanganak na yung kapatid mo, dapat ikaw na yung magtuturo sa kanya kung paano maglaro. Ikaw ang Kuya, eh.”
Nang sinabi ito ng aking amain, parang nawala ang kung anumang takot at pangamba sa aking dibdib. Oo nga naman. Naituro na sa akin ni Pop. Ako na ngayon ang may responsibilidad na ituro ito sa aking nakababatang kapatid
pagdating ng tamang panahon. Parang naramdaman ko noon na isa akong inatasang maging superhero, may mabigat na responsibilidad sa mga taong umaasa sa kanya. Parang lobo na unti-unting hinihipan ang dibdib ko’t untiunting naging matapang. Nagkaroon ako bigla ng napakalalim na sense of purpose.
Mahalaga na matutunan ko talaga yung basketball! Kailangan maging magaling ako dun! Kahit pa hindi ko gustong mapawisan o hingalin, o magpatakbo-takbo, aaralin ko yun. Gusto kong maging parang superhero na laging maaasahan ng kapatid ko sa oras ng pangangailangan.
Alang-alang sa aking kapatid! Alang-alang sa mga nangangailangan! Alangalang sa bayan!
(Medyo matanda na ako nung napagtanto ko na nauto lang pala ako ni Pop.)
Pagdating namin sa bahay ay buong tapang at saya kong tinanong ang aking Lola at Mama kung maaari kaming maglaro ng basketball ni Pop sa mga susunod na araw. Ang daming sinabi ng Lola ko. Sa dami ng sinabi, hindi ko na matandaan lahat. Basta naalala ko yung ibang nasabi niya:
Alam na ngang lalampa-lampa. Isa namang tanga’t kalahati na binato yung bola. Paano kapag nabalian? Paano kung nabagok? Hindi ko inalagaan ang apo ko para...
Basta. Ang dami.
Pero ako na mismo yung nangulit. Sinabi ko na kasalanan ko naman kasi hindi ko sinubukang saluhin yung bola. Tinuro naman talaga ng maayos sa akin ni Pop. Tinignan ko si Pop kung tama nga ba ang pagkakasabi ko nun kay Lola. Kumindat lang siya.
Siguro mahirap talaga ako hindian. Kadalasan kasi, tahimik lang akong bata. Minsan lang ako humingi. Pero kapag may kailangan ako, talagang mangungulit ako. Alam ni Lola ‘yun. Kaya kahit hindi pa rin naman naubos ang panenermon niya, unti-unti rin naman siyang pumayag. What can I say? Cute ako, eh.
Dahil sa lingguhan ngang paglalaro namin ni Pop ng basketball, natutunan ko na rin. Patuloy ko’yun na nilaro kasama siya at paminsan-minsan ay sinasama namin ang kapitbahay naming bata na si Jon-jon. Lahat’yun ay nagtuluy-tuloy hanggang sa kabuwanan ni Mama. But let me emphasize, and I cannot emphasize it enough.
Never. Ko. Nagustuhan. Ang. Basketball.
Sinikap ko lang talaga matutunan dahil responsibilidad ko na maituro iyon sa magiging kapatid ko.
WATCH OUT FOR “TEKA, WAIT…DI AKO PREPARED!” AVAILABLE AT THE KINDLE STORE AND THE ITUNES BOOKSTORE DECEMBER 2, 2014
About The Author
J. Corcinto is the second in a brood of four boys.
He has a doppelganger named Julian. He also loves to cook and tend to his garden. He enjoys being a bimbo ninety percent of the time.
As a kid, he enjoyed winning prizes for writing and communicating with people, but never really thought of doing anything about it. He meandered through life for more than a decade after school, working as a domestic flight steward and eventually handling Learning & Development for BPOs in the Philippines.
Somewhere along the way, J. Corcinto started dreaming again.
About Arcenciel Publishing
The rainbow is not just a symbol of diversity, it is also a sign that after the rain, things get better. More beautful. Hopeful. This is what Arcenciel Publishing hopes to accomplish. For the confused child who thinks he is alone. For the adolescent who wonder why no one understands. The disenfranchised and the deprived. For those whose dreams are often limited because of a society that dictates the distance we can reach.
As the world around us changes, there are still places where progress moves at a glacial pace, some even taking us ten steps back from where we’re supposed to go.
We write and publish about people like us.
For people like us.
Because we’re here. We just need to find everyone else.