Iba’t ibang Uri Pananaliksik
1. Basic Research - ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Halimbawa ng Basic research: •Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid. •Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila •Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay
2. Action Research - ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng action research:
• Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain • Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstakurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance • Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabingisang baiting sa inyong paaralan.
3.
Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Halimbawa : - Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan - Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan. - Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
4. Historical Research - Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng dat os upang makabuo ng mgakongklusyon hinggil sa nakaraan. Halimbawa: • Pag-unlad ng General Education Curr iculum (GEC) sa Kolehiyo • Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
5. Case Study - unawain ang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Halimbawa: Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
6. Comparative Research - Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura at, bagay, pangyayari at iba pa. Halimbawa: Komparat ibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya
7. Etnograpikong Pag-aaral - Uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian,pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
6. Disenyong Eksploratori - Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Halimbawa: Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang Pangkapayapaan sa Mindanao
Metodolohiya ng Pananaliksik Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng dat os sa isang pananaliksik. Metodo - tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas Metodolohiya - kalipunan at pagaayos ng mga kaalaman
1. Sarbey - isang metodo na ginagamit sang metodo na ginagamit upang mangalap ng dat os sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik.
2. Pakikipanayam o Interbyu - Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
a. Structured Interview (nakabalangkas na pakikipanayam) halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey. Pasalita ang pamamaraan nito at binabasa ng mananaliksik ang mga tanong.
b. Semi-structured interview
(pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas) - mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagat anong sa magiging daloy ng panayam. Ginagamitan ng mga gabay na tanong upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng panayam, mahalaga ang pagbuo ng follow-up question.
c. Unstructured o walang estruktura - layunin na galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam impormal ang paraan ng pagtatanong, madalas na ginagamit sa kuwalit at ibong pananaliksik
3.Dokumentaryong Pagsusuri - Ginagamit upang kumalap ng impormasyon na sua at magpapat ibay sa mga dat os ng pananaliksik sa pamamagitan ng analit ikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokument o upang malut as ang mga suliranin Mga dokumentong maaaring pagmulan ng pagsusuri: •Pampublikong tala •Iba’t ibang uri ng media •Biyograpiya •Katitikan ng mga pulong o tala ng mga pangyayari sa isang kumperensya o kongreso
4.Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon a. Nakabalangkas na Obserbasyon Pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng paga-aral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos at interaksiyon. b. Pakikisalamuhang Obserbasyon - Pag-aaral sa kilos, paguugali at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran
Disenyo ng Pananaliksik Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ayon sa Business Dictionary (2011) - Ang disenyo ng pananaliksikang detalyadong balangka kung paano isasagawa ang imbest igasyon.
Kuwantitatibo - Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa. Gumagamit ng matematikal at estadistikal na pag-aaral. Kuwalitatibo - layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri sa nilalaman.
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Paksa Paksang marami kang nalalaman. 2. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman. 3. Paksang napapanahon4. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo5. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon. 6. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. 1.
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin. 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik. 3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya 4. Pagbuo ng tentatibong paksa
PERFORMANCE TASK # 1 TANONG NA PAKSA
PANANALIKSIK Bisa ng Social Media 1. Ano ang karaniwang edad ng mga taong pinakagumagamit ng social media? 2. Ano ang kanilang madalas na layunin sa paggamit ng social media?