KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. Obhetibo -
Naglalahad ng mga
impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
2. Sistematiko -
Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggaptanggap na konklusyon.
3. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan - Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon) , nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
4. Empirikal - Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na nararanasan at/o naobserbahan ng mananaliksik.
5. Kritikal - Maaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
6. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
7. Dokumentado - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
Mga katangian na dapat taglayin ng isang mananaliksik ayon sa mga propesor na sina Constantino at Zafra (2010). 1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan. 2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat ; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, komento, at rekomendasyon. 4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito. 5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. 7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.
1.
pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid
2.
pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad
3. pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay
4.
pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance
5. pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila 6. pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
7 pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan
8.
pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan
9.pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain
Mga Uri ng Pananaliksik
Iba't ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. (1) basic, (2) action ,(3) applied na pananaliksik.
Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Mga halimbawa ng basic research > pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid > pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila > pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na
Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
Mga halimbawa ng Action research > pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain. > pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance > pananaliksik kung may epekto ba
Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
Halimbawa ng Applied research
>
pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan > pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan > pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad
MARAMING SALAMAT