KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Karaniwang reaksyon ng mga kabataan sa makabagong henerasyon ay ginagawang katawa tawa ang mga lumang salita na minsay binibigkas ng mga matatanda, sa kadahilanan na iba ang pagkakasampit ng mga salitang ito o kakaiba sa pandinig ng mga kabataan sa ating panahon ngayon. Napakahalaga ng pananaliksik na ito sapagkat karamihan sa mga kabataan ay nakakalimutang pahalagahan ang mga salitang noon pa’y ginagamit ng ating mga ninuno. Ang katunayan na binibigkas ito ng mga matatanda, ay nagpapatunay na buhay ang wikang ito noong unang panahon, bagkus dapat natin itong pahalagahan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod: 1. Sa mga mag-aaral. Malaking porsyento ng mga mag-aaral ay ang kabataan, at kapag ang isang mag-aaral ay edukado, alam nito kung ano ang tama at mali. Kaya ang ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman kung bakit natin dapat pahalagahan ang wika at hindi lamang tawanan at bigyan ng kawalang-galang ang mga salitang ito. 2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga salitang ito at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 3. Sa mga susunod pang henerasyon. Hindi maiiwasan na ang mga salitang ating ginagamit sa modernong panahon ay mapapalitan at magbabago kaya ang pag-aaral na ito ay maari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa mga mga salitang ginagamit noong unang panahon at kung paano ito nag bago.
SAKLAW AT LIMITASYON Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalangalang, ang dahilan nito ay upang manatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Gagawin ang pananaliksik na ito upang bigyan ng kamalayan ang bawat mamamayan, lalong lalo na ang mga kabataan sa makabagong henerasyon; at bigyang pansin at buhayin muli ang mga salitang naibaon na sa limot ng mga taong nasa modernong panahon. Ang mga salitang makukuha ay galing lamang sa mga matatanda na may edad na 50 pataas. Nangangailangan lamang ito ng 15 na kalahok at 50 lamang ang mga salitang makukuha galing sakanila. Ang mga salitang bubuo sa pananaliksik na ito, ay galing lamang sa mga taong naninirahan sa loob ng Tomas Oppus, Southern Leyte. Ang paraan ng pagkuha ng mga salitang ito ay ang pakikipanayam ng mananaliksik sa bawat kalahok. Hindi ito gagamitan ng anumang instrumento, survey forms, o checklist.
BATAYANG KONSEPTWAL Interview
Limampung salita (50 words)
Pagkalap ng mga Datos Pag-aaral sa mga Nakalap na Datos
Maliit na Diksyunaryo
ukol sa mga nakalap na Mga lumang salita
BATAYANG TEORETIKAL