Republic of the Philippines Department of Education Region II Schools Division of Isabela Cordon South District ANONANG ELEMENTARY SCHOOL
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5 Pangalan: ___________________________________________________Baitang/Seksyon______________________ I. Tukuyin ang tiyak na detalye. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bilang. -
International Date Line PolongTimog latitud
- oblate spheroid - Tropikong Kanser - tubig
- mundo (earth - 360° - grid
-
sa gitna mula sa Hilagang Polo hanggangTimog Polo
-
lokasyon, katangiang pisikal, at temperature
-
Teoryang Pandarayuhan - sanduguan
- Pacific Ring of Fire
-Teoryang Bulkanismo
_______________________1.Ang natatanging planetang tahanan ng sangkatauhan. _______________________2.Eksaktong hugis ng mundo. _______________________3.Bumubuo sa malaking bahagi ng mundo. _______________________4.Ito ay guhit na nagpapakita ng distansya sa pagitan ng dalawang parallel. _______________________5.Dito matatagpuan ang prime meridian. _______________________6.Mahalaga ang guhit na ito sa pag-alam ng oras sa mundo. _______________________7.Sukat ng ekwador o malaking guhit parallel. _______________________8.Pinagsamang guhit latitud at longhitud. _______________________9.Pinakatimog na bahagi ng mundo. _______________________10.Bahagi ng mundo na direktang nasisikatan ng araw. _______________________11.Ang mga hadlang na bundok at maging ang mga dumaraang bagyo sa bansa ay ilan lamang sa nakaaapekto sa dami ng ulan na isa rin sa mga salik sa pagkakaiba-ibang panahon sa ibat-ibang lugar. _______________________12.Ayon sa teoryang ito, nabuo ang bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa. _______________________13. Ito ang lugar sa Karagatang Pasipiko kung saan matatagpuan ang maraming bilang ng mga bulkan. _______________________14.Kilala ang teoryang ito sa taguring Wave Migration Theory ni Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo noong 1916. _______________________15.Isang ritwal na ginagawang dalawang pinuno sa isang lugar kasama ang kanilang mga nasasakupan bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan na kung saan hihiwain nila ang Kanilang mga bisig at ang dugong aagos at ihahalo sa alak saka iinumin. II.Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. ______16.Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas sa Kwebang tabon sa Palawan? a. Pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas b. Pinatutunayan na sila ay kabilang sa unang tao na nanirahan sa mundo c. Pinatutunayan na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino d. B at C ______17.Anong uri ng alipin ang nakatatamasa ng ilang karapatan tulad ng pagmamay-ari ng kanilang tirahan, at pumili ng kanilang mapapangasawa. Hindi sila maaaring ipagbili. a. Aliping maharlika c. aliping namamahay b. Aliping timawa d. aliping saguiguilid ______18. Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay noong unang panahon? a. Datu c. pari b. Ministro d. reyna
_______19.Kapag mayroong batas na napagtibay ay ipinaaalam niya ito sa mga tao. Tinitipon Ng tagapagbalita ang mga tao sa liwasan at ibinabalita ang bagong batas. Matapos ang pagbabalita, ipinaiiral na ito. Sino siya? a. Datu c. ministro b. Pari d. umalohokan _______20.Siya ang namumuno sa pamahalaang sultanato. a. Sultan c. datu b. Timawa d. alipin _______21.Ano ang pagkakaiba ng Negrito sa ibang unang taong nanirahan dito? a. Sila ay maliliit, kulot, at maitim ang buhok b. Sila ay matangkad at balingkinitan ang katawan c. Sila ay lahing kayumanggi, katamtaman ang taas at matipuno ang katawan d. May mataas na uri ng pamumuhay. ______22.Sa pangkat na ito nagmumula ang mga sultan, datu, raha, lakan at kanilang mga pamilya. Sila ay itinuturing na mga pinuno ng pamayanan kaya may malaking pagpapahalaga kapag napabilang ka dito. a. Alipin b. maharlika c. timawa d. Indones ______23. Ito ang teorya kung saan pinaniniwalaang ang kontinente ng daigdig ay nabuo sanhi ng diyastropismo o ang paggalaw ng solidong bahagi ng mundo. a. Teoryang Continental Shelf c. Teoryang Pandarayuhan b. Teoryang Tulay na Lupa d. Teoryang Bulkanismo ______24.Bawat bansa sa mundo ay may kanya-kanyang uri ng panahon at klima. Ito ay nakasalalay sa lokasyon ng mga ito. Ito ang pansamantalang kalagayan ng atmospera ng isang lugar na maaring mabago anumang oras. a. Atmospera c. panahon b. Klima d. lokasyon _____25. Ito ang tawag sa maliit na modelo o replica ng mundo. a. Mapa c. globo b. Tubig d. lupa III. Isulat ang B sa linya kung ang pahayag ay tumutukoy sa pamahalaang barangay at S kung pamahalaang sultanato. ______26.Ang matatanda ay katu-katulong sa pagpapasya ng pinuno. ______27.Binubuo lamang ito ng 30 hanggang 100 pamilya. ______28.Binubuo itong 10 hanggang 12 nayon o higit pa. ______29.Hinango sa salitang Malayo ang pangalan ng sistemang ito. ______30.Isa sa mga tungkulin ng pinuno rito ang panalangin sa moske at pagbasa ng Koran. IV. Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon. ______31.Paninisid ng perlas at kabibe ______32.Panghuhuli ng mga isda ______33.Pagtatanim o pagsasaka ______34.Pagpapatayo ng malalaking imprastraktura ______35.Pagpapanday ______36.Pagmimina ng ginto, pilak, at iba pang mineral ______37.Pagkukumpuni ng sirang kable ng kuryente ______38.Paghahabi ng tela ______39.Paggawa ng kagamitang pinatatakbo ng elektrisidad ______40.Pagbebenta ng mga kalakal at produkto.
I.
Buuinanganalohiyasapamamagitanngpagpupunongtamangsalitasalinya. Pumilingsagotmulasakahonsaibaba. -
Sipol Sharif Makhdum Sharif Kabungsuwan Sambahan Pagbibigayng limos Pagano
- Islam - hajj - Dian Masalanta - bothoan - Ramadan - baybayin
41. Salat :Pananalanginnglimangulit – Zakat : _________________________ 42. Shahada : Si Allah lamangang nag-iisangDiyos - ______________________paglalakbaysa lungsodng Mecca. 43. ________________________: panulat noon – lapis :panulatngayon 44. Koran : banal naaklatngmga Muslim – Moske : ________________________ 45. Bathala : ___________________ - Allah : Islam 46. Abu Bakr : Sulu - ________________________: Maguindanao 47. a, b, c, d…: alpabetongmga Pilipino - ______________________: alpabetongmganinuno 48. _____________________: Monoteismo – Pagano :Polyteismo 49. _____________________: DiyosngPag-ibig – Sidapa :DiyosngKamatayan 50. _____________________: buwanngpag-aayunongmga Muslim – Saum: pag-aayunomulasa pagsikatngarawhanggangsapaglubogngbuwan.
Good Luck & God Bless
jgc2016
Republic of the Philippines Department of Education Region II Schools Division of Isabela Cordon South District ANONANG ELEMENTARY SCHOOL
Talaan ng Ispesipikasyon UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5 LAYUNIN
BILANG NG AYTEM
KINALALAGYAN NG AYTEM
1. Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo batay sa absolute location nito
10
1-10
2. Natutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura, dami ng ulan, at humidity.
1
11
3. Natatalakay ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas.
3
12-14
4. Nalalaman ang ibig sabihin ng sanduguan.
1
15
5. Naipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang Pilipino.
7
16-22
6. Nasasabi ang iba pang teorya ng pinagmulan ng sinaunang lipunan 7. Naihahambing ang pamahalaang barangay sa pamahalaang sultanato.
3
23-25
5
26-30
8. Nasusuri ang kabuhayan ng sinaunag panahon kaugnay sa kapaligiran, mga kagamitan, sa ibat-ibang kabuhayan at mga produktong pangkalakalan.
10
31-40
40
40
KABUUAN