Panalangin O aming Diyos, Amang kataas-taasan ang pagsasama-sama pong ito ay aming inihahandog sa iyo upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Labis ang aming pasasalamat Panginoon sa iyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ipinagkakaloob sa amin. Salamat po sa mga biyayang ipinagkakaloob ninyo sa amin sa araw-araw. Nagpapasalamat din po kami sa maaliwalas na panahon na iniadya mo upang kami ay magkatipontipon gayundin po ang paghahatid sa amin sa lugar na ito nang ligtas at matiwasay. Panginoon, patawarin niyo po kami sa aming mga pagkakasala at sa paglabag naming sa inyong kalooban. Turuan niyo po kaming maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon at maging responsible sa lahat ng aming gagawin at sasabihin. Panginoon, Ang napakahalagang gawaing ito Panginoon ay inilalapit namin sa iyo upang maging instrumento ng pagkakaisa at pagtutulungan. Hinihiling namin Panginoon, buksan mo ang aming isipan upang ang taglay naming kaalaman at karunungan ay maging gabay sa ikatatagumpay ng gawaing ito gayundin panginoon ay pagkalooban mo po kami ng lakas ng katawan upang magampanan namin ang gawaing ito nang buong husay at sigla. Naway patatagin mo pa panginoon, ang ugnayan ng paaralang ito at ng ibat ibang institusyong tumataguyod sa kapakanan ng mga mag-aaral. Gabayan niyo po kami sa lahat ng aming gagawin at ilayo niyo po kami sa kapahamakan. Ang lahat po ng ito ay samo at dalangin naming sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon, Amen.