PANALANGIN PARA SA PAMILYA Panginoong Diyos,Pinupuri at pinasasalamatan ka naming sa iyong walang hanggang pagmamahal na siyang nagbubuklod sa amin bilang mag-anak.Maghari Ka nawa sa aming puso at punuin mo ng pag-ibig at katapatan, kapayapaan at kasaganahan ang aming tahanan. Patuloy mo po sanang basbasan ang aming pamilya.Patatagin mo po kami sa pananalig sa Iyo,lalo na sa panahon ng kahinaan at pagsubok.Lingapin mo po sana ang mga pamilya na ngayon ay nagdaranas ng matinding kahirapan at pagdurusa,nawawalan ng pag-asa at nagkakahiwalaydahil sa hindi pagkakaunawaan. Turuan mo po kaming laging magpasalamat sa biyaya ng buhay, pananampalataya at kaligtasan.Akayin mo po kami sa kabanalang handog mo upang maging mabuting halimbawa kami sa isa’t-isa:mga pamilyang Pilipino na may takot sa Diyos,nagsisikap magmahalan ng wagas,naghahanap buhay ng marangalat nagmamalasakit sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,Sa patnubay ng Espiritu SantoMagpasawalang hanggan. Banal na Mag-anak, tulungan ninyo po kami. Amen.
PANALANGIN NG PAMILYA O Jesus, pinupuri ka nami’t ipinagdarangal dahil sa iyong walang hanggang pagmamahal sa sangkatauhan. Pinasasalamatan ka namin sa mga biyayang iyong bigay. Minsan pa, inihahandog namin sa iyo ang aming sarili, sampu ng aming kagalakan at pagsubok sa buhay. Loobin mo Panginoon na ang aming tahana’y pagharian ng pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa at kalinisan ng kalooban. Ingatan mo nawa at pagpalain kaming naririto, pati na ang mga wala rito, kaming mga nabubuhay at mga nasa kabilang buhay. Mahal na Birheng Maria, mapagmahal na ina ng aming Panginoong Jesus at ina naming lahat, ipanalangin mo ang aming pamilya, lalo na ang mga sanggol at mga kabataan. Mahal na pintakasing Jose, gabay ni Jesus at Maria, ipamanhik mo sa Panginoong Diyos na ingatan ang aming mag-anak at ilayo sa anumang kapahamakan, upang sa gayon, sa
piling mo at nina Jesus at Maria ay mapanatiling buo an gaming pamilya. AMEN