Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Macbeth ni William Shakespeare at 20 Questions ni Juan Ekis
Dula Ang dula ay isang uri ng panitikan.
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Uri ng Dula Ayon sa Anyo Komedya
•Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas. Trahedya • ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.
Uri ng Dula Ayon sa Anyo Melodrama o Soap Opera • ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas. Tragikomedya • magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
Parse – dulang puro tawanan at halos walang
saysay ang kuwento. Ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. Parodya – anyo ng dulang mapanudyo,
ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumunang katawatawa ngunit may tama sa damdamin.
Proberyo – kapag ang isang dula ay may
pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ang tao sa kanyang buhay.
Elemento ng Dula 1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. 2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. 3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan
20 Questions ni Juan Ekis (halimbawa ng isang dulang may isang yugto
Ilarawan si Yumi Itsura Pananaw
20 Questions ni Juan Ekis (halimbawa ng isang dulang may isang yugto
Ilarawan si Jigs Itsura Pananaw
20 Questions ni Juan Ekis (halimbawa ng isang dulang may isang yugto
Paghihinuha: Sila nga kaya ang maging unang failure ng tradisyon ng kanilang barkada?
Pokus ng Pandiwa POKUS SA BENEFAKTIB O TAGATANGGAP-
paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “para kanino”? Ang mga panlaping maaaring gamitin ay (ipinag-, i-, -ipag) Halimbawa: “Noon, ipinagsisibak pa ng kahoy ng mga lalaki ang mga babae.”
POKUS SA BENEFAKTIB O TAGATANGGAP “Ipaglalaban niya ang kanyang asawa nang patayan.” Tanong: Sino ang tagatanggap ng kilos?/Sino ang ipaglalaban ng persona sa pangungusap? “Kanyang asawa” Tanong: Ano ang kilos o pandiwa sa pangungusap?/Ano ang gagawin niya para sa asawa? Ipaglalaban Samakatuwid, ang pandiwa ay may pokus sa benefaktib o tagatanggap.
Pokus ng Pandiwa POKUS SA INSTRUMENTAL O GAMIT- ang
paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano”? Ang mga panlaping maaaring gamitin ay (ipang-, ipinang- maipang-.) HALIMBAWA: *Ipinamunas ni Marco ang basahan sa mesa. (ang basahan ang gamit o instrumento upang maisagawa ang kilos)
POKUS SA INSTRUMENTAL O GAMIT “Sa wakas, maipanghuhulog ko na ang suweldo ko sa paluwagan!” Tanong: Ano ang gagamitin niyang panghulog sa bangko? - Suweldo sa paluwagan (paksa) Tanong: Ano ang gagawin niya sa kanyang suweldo? - Ipanghuhulog/Maipanghuhulog (pandiwa) Samakatuwid, ang pandiwa ay may pokus sa instrumento o gamit.
Pagsasanay Tukuyin ang pokus ng pandiwa ng mga sumusunod na pangungusap. Batayang Pangungusap: Ang tubig sa banyo. Ipinagsalok niya ng tubig sa banyo ang
kanyang kuya. Ipinanlinis niya ang tubig sa banyo para sa
kanyang kuya.
Pagsasanay Batayang Pangungusap: Ang mga Lumads. Ipinagpoprotesta ng mga aktibista ang lahing
Lumads. Ang kalagayan ng mga Lumads ay
ipinangangampanya ng mga politikong gustong bumango ang pangalan.