BANSANG ISRAEL
Ang Israel ay bansang matatagpuan sa Timog- Kanlurang Asya. Ito ay nasa silangang baybayin ng Dagat Mediterranean. Sa Hilaga nito ay matatagpuan ang Lebanon, Syria sa Hilagang-Silangan, Jordan at ang West Bank sa Silangan, Ehipto at ang Gaza Strip sa Timog-Kanluran.
“Banal na Lupain” ng mga Kristiyano, Hudyo, at Muslim. Lupain: Area: 20,720 km² (8,000 mi²) Kabisera: Herusalem
Pamahalaan: Republika, Lehislatura: Knesset Political Subdivision: 6 na Distrito
Edukasyon at Kalusugan: Lifespan ng Babae- 79 anyos Lalaki - 76 anyos
Kasaysayan Ang modernong estado ng Israel ay itinatag dahil sa pagsasaalang- alang sa kautusan ng League of Nations sa Britanya pagkatapos ng World War I. Zionism- isang kilusan na umusbong noong labinsiyam (19) na siglo. Balfour Declaration ng 1917- Ito ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga Israelite na pagpursigihang maitatag ang bansang Israel.
Noong 1947 ang UN ay nagbotohan
upang hatiin ang Palestine sa dalawang bansa, Hudyo at Arabo. May 13, 1948- tinanggap ng mga British na sila ay nabigong ipagkasundo ang mithiin ng mga Arabo at Hudyo. May 14- idineklara ang kalayaan ng Israel. May 15- umatake ang mga Arabo dahil tumanggi sila sa partisyon ng Palestine at Israel.
Sa pagkatatag ng Israel ay patuloy ang mga Sigalot Pagdagsa ng mga Hudyo mula sa ibang lugar dahilan upang dumami ang populasyon mula 650,000 noong 1948 hanggang 1,300,000 noong 1952. Taong 1953-1956- konti nalang ang mga lumipat, humina ang ugnayang pangkalakalan mula sa ibang bansa at nagbigay ng bayadpinsala ang West para sa naganap na digmaang Nazi
Suez- Sinai War ng 1956 Naging masaya ang mga Israel sa panahon ng kanilang pananakop. Tumaas ang antas ng ekonomiya. Kahit na ang bansa ay nakaranas ng paulit- ulit na pag-atake ng mga terorista na ado ng grupo ng mga gerilyang Palestinian na itinatag sa ilalim ng Palestine Liberation Organization (PLO)
Anim na Araw ng Digmaan noong 1967, Okupado ng Israel ang Sinai ng Peninsula, Gaza Strip, at Golan Heights at West Bank ng Jordan. Nang ang kasunduang pangkapayapaan ay nalagdaan ay lumisan na sila sa mga teritoryong sinakop.
Oktubre 1973- naganap ang surpresang pag-atake ng Arabo sa Israel.(Yom Kippur War) Noong 1977- namuno si Menavhem Begin sa ilalim ng Rightwing Government.
Marso 26, 1979- nilagdaan ang kasunduang pangkapayapaan at kasunduang pagbabalik ng Sinai sa Ehipto. 1980- pormal na idineklara na ang Herusalem ang kabisera ng Israel.
1981- isinaad ang patuloy na paninirahan ng mga Israeli sa Golan Heights at West
Bank. 1982- sinalakay ng mga taga- Israel ang ilang bahagi ng Lebanon, ito ang kuta ng mga gerilyang kabilang sa PLO. 1984- taon ng pamamahala ng LaborLikud Coalition . 1985- umalis sa Lebanon ang mga sundalo ng Israel sa utos na nasabing partido.
Disyembre 1987- naganap ang
matagal na pag-usad ng usaping pangkapayapaan sa Gitnang Silangan ito ay nagbunga ng pagsiklab ng paghihimagsik (Intifada) ng mga Arabong Palestinian sa West Bank at Gaza Strip. 1991- ang Israel ay nagtimpi sa direktang pagkakasangkot sa Gulf war kahit na ang missile ng Iraqi Scud ay umatake at tumarget sa mga sibilyan ng Israel.
Yitzhak Rabin- naging prime minister noong 1992 na pumirma ng kasunduang pangkasaysayan ( sa mga Palestinian) sa pagitan ng PLO noong 1993 at 1994. Sina Rabin, Shimon Peres, at ang lider ng PLO na si Yasir Arafat ay nagkasundo, at dahil dito ay nabigyan sila ng Nobel Peace
Prize para sa kanilang mga pagsisikap na manatili ang kapayapaan sa lugar noong 1994.
Ang estado ng gitnang silangan ay humarap sa bagong anyo. Ang digmaang Israel at Jordan ay natapos hanggang Hulyo 25, 1994 . Pinirmahan ang pormal na kasunduan noong Oktubre 26, 1994.
Pamahalaan Sistemang Parlyamentaryo bilang
isang demokratikong republika Knesset- mga kasapi ng unicameral Parlyament. may kapangyarihang gumawa ng batas.
Sila ang maghahalal ng maging presidente na mamumuno sa bayan. Ang 120 miyembro ng Knesset ay manunungkulan ng 4 na taon.
Prime Minister - Ang pinuno ng pamahalaan na magseserbisyo sa loob ng 4 na taon. Ang Gabinete ang may kapangyarihang ehekutibo, ito ay pinili ng Prime Minister. Kadalasan may sampung (10) partido ang mananalo sa eleksiyon. Walang pormal na konstitusyon ang Israel. Labingwalong taong gulang pataas (18) ang maaring bumoto.
KLIMA Malamig sa Hilaga at tigang sa Timog Tuwing tag- init, ang buong lugar ay dominado ng subtropical
Tuwing taglamig naman ang kalahating bahagi ng bandang Hilaga ng bansa ay makakaranas ng di gaanong malakas na pag-ulan. (Oktubre-Marso). Sa disyerto ng Beersheba at Gaza naman ay mangingibabaw ang kondisyon doon. Ang Dead Sea na ang isa pinakamainit na rehiyon sa buong mundo.
Demograpiya Ang Israel ay isa rin sa pinaka highly urbanized na bansa. Herusalem Tel Aviv- Jaffa Haifa. Moshavim o Kibbutzim - tawag sa komunidad ng mga Hudyo na nakatira sa Rural na pook.
Edukasyon at Kalusugan Ang Israel ay isa sa mga maunlad na bansa sa buong mundo. Ang serbisyong pangkalusugan ay libre dahil sa mga Health Insurance Programs. Ang kanilang pag-aaral ay libre sa edad 515 taong gulang. Ang Higher Education ay nakalaan sa Technion- Israel Institute of Technology (1912) sa Haifa At sa Hebrew University of Jerusalem (1918)
Hebrew University of Jerusalem
Mga Tao Sabras- ang tawag sa mga Hudyo na ipinapanganak sa Israel Olim- tawag sa mga Hudyong lumipat
lamang sa bansa. Ang mga Di- Hudyo ay kinabibilangan ng mga Arabo at Druzes.
Wakas! GAYA NG PINATUNGUHAN NG RELASYONG MINSANG SINIMULAN NIYO. Char!!!