Catalig Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan
64
MSEUF QUartErly “Ang mabuting pananalita ayVolume nagsisilbing ng ating isipan 50 Nos. 3 palamuti & 4, September & December 2012 katulad ng damit na nagsisilbing pagganyak ng ating katauhan.”
L
ikas sa isang tao ang makipag-usap, makipagpalitan ng ideya, paniniwala, saloobin at mga kaisipan sa kanyang kapwa. Ito’y isang paraan ng pakikipagkomunikasyon na ginagawa ng tao. Subalit, may mga pagkakataong sa ating pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap ay nagkakaroon tayo ng ‘di pagkakaunawaan sa isa’t isa. Ayon kay Quito, sa aklat ni San Juan et al. (2007), “Maraming pilosopo sa wika ang nagsasabi na kadalasan, ang puno’t dulo ng kasalimuutan ay ang di wastong paggamit ng mga salita. Sa sandaling maituwid ang ating paggamit ng wika, lahat ng pilosopiya ay malulunasan na.” Upang higit na maging dalisay ang daloy ng komunikasyon ay kinakailangang ayusin ang anumang gusot na lumilikha ng ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng nagsasalita at sa tumatanggap ng mensahe. Madalas nagaganap ang ‘di pagkakaunawaan sa mga pagkakataong ‘di tayo sigurado kung ano ang tiyak na kahulugan ng bawat salitang ating nababasa at naririnig.
65
Catalig Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan
Kaya upang maibsan ang mga sagabal na ito sa ating pakikipagkomunikasyon. Ating tuklasin, ano nga ba ang semantika? Paano nito mabibigyan nang lubos na pagpapakahulugan ang isang salita o mga salita tungo sa mabisang pakikipag-unawaan? Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika. Ito rin ay pag-aaral, kung paano ang isang salita masusuri at mabibigyan ng pagpapakahulugan. Saklaw rin nito ang pag-aaral na may kaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga salita sa isang pangungusap.Ito rin ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag. Sa payak na kahulugan, ang semantiks, semantiko, o semantika ay ang pag-aaral ng kahulugan. Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng mga tagapagpabatid o tagapagkahulugan (mga signifier sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ang ganyang mga tagapagpabatid ay ang mga salita, pananda, at mga simbolo. Samakatuwid, ang semantika ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. Pokus din nito ang pag-aaral ng iba’t ibang proseso ng pagiisip o proseso ng pagkakamit at pagbubuo ng mga kaalaman. Ayon kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip, kognisyon at konseptwalisasyon. Sinasabing ang mga ito’y magkaugnay sa pag-uuri’t pagpapahayag ng karanasan ng tao sa daigdig sa pamamagitan ng wika. Idinagdag pa niya, ang semantika ay itinuturing na sentrong daluyan ng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral, tulad ng linggwistika, pilosopiya at sikolohiya. Ang linggwistika ay pag-unawa sa wika at mga wika. Sinasabing ito rin ay masiyensyang paraan ng pagaaral ng mga katangian at kalikasan ng wika. (Santiago, 1993). Ayon naman kay Lachica, ang linggwistika ay itinuturing na
66
MSEUF QUartErly
Volume 50 Nos. 3 & 4, September & December 2012 maagham na pag-aaral ng wika o lenggwahe. Ang pilosopiya naman ay nangangahulugan ng pag-unawa kung paano nalalaman ng isang tao ang kanyang nasasaisip, gayundin ang tuntunin ng tamang pag-iisip at ng ebalwasyon/pagtataya ng katotohanan o kabulaan; maaari rin itong pundamental na paniniwala, simulain at mga ideya ng isang nilalang. Samantalang ang sikolohiya ay nangangahulugan naman ng pag-unawa sa isipan. Ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa pagbibigay kahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap. Dapat nating tandaan na ang wikang katutubo, bernakular o unang wika ng isang bayan ay naiimpluwensiyahan ng mga dayuhang wika kaya naman lumalago ang bokabularyo nito. Ito’y nagpapatunay lamang na totoong dinamiko ang wika. Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. Ang mga katuturang ibinibigay ngayon sa isang salita ay maaaring lumago, lumawak, maiba sa isang henerasyon o partikular na panahon. Ating isinasaalang-alang ang pagiging nasyonal o pambansa, kadalisayan at pana-panahong gamit bilang “batis” ng kawastuan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita. May dalawang dimensyon ng pagbibigay kahulugan sa isang salita 1.
Konotasyon Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita
depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad. Sinasabing ang mga ito’y implayd (implied) o “suggested meaning “kasama ng lahat ng emosyonal, pabor o hindi na tono ng walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan. May mga pangyayari na sa pagpapakahulugang konotasyon, may ilang gulo o sigalot itong nililikha sapagkat maaaring iba ang gustong
67
Catalig Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan
“palitawing kahulugan” kaysa sa tunay na kahulugan ng salita. Minsan sa unawa natin, kapag sinabing baboy (pig), daga (rat), ahas(snake), pagong (turtle), tuta (puppy) ang tao ay may hindi paborableng bagay na ibig sabihin ito kaya hindi matatanggap ng pinatutungkulan. Ito ang tinatawag na “emotional” o “intellectual” na impact ng salita dahil sa ekstrang kahulugan na taglay nito.Madali itong umaapila sa ating pandama, kaasalan at panghuhusga. Ang tindi o lalim ng konotasyon ay maaaring nakaugat sa kultural o personal na oryentasyon ng tao. Makukuha rin ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o parirala at iba pa. Pahiwatig na kahulugan o kahulugang di-litaw ang isinasaad nito. Malalaman din ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Halimbawa: 1. Si Carla ay pinaliligiran ng mga paruparo mula sa iba’t ibang kanayunan. 2. Mahusay si Jonalyn sa Matematika, matinik talaga siya. 3. Tunay ngang si Joshua ay isa ng sikat na bituin.
2.
Denotasyon Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong
kahulugan ng mga termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita. Madalas din itong tawaging “dictionary meaning” na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan. Ibig sabihin ang kahulugan nito ay matatagpuan sa mga talatinigan o diksyunaryo. Tinatawag din itong “core meaning” ni G. Porter G. Perrin, isang dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang pasubali:kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao. Tumutukoy rin ito sa tiyak na
68
MSEUF QUartErly
Volume 50 Nos. 3 & 4, September & December 2012 kahulugan o katangian ng bagay na tinutukoy at konkretong nakikita. Halimbawa: 1. Ang paruparo ay dumapo sa rosas. 2. Ayaw ko ng isdang bangus kasi matinik ito. 3. Kumikislap ang bituin sa kalangitan.
Talasanggunian Gonzales, L. (1992). Makabagong Grammar sa Filipino. Rex Bookstore, Manila, Philippines Lachica, V. S. (2000). Komunikasyon at linggwistika. GMK Publishing House. Marquez, S. T. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (Filipino 1 pasa sa Antas Tersarya). Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp. San Juan, et. Al. (2007). Masining na Pagpapahayag Retorika. (Pangkolehiyo) Filipino 3. Makati City: Grandwater Publications and Research Corp. Santiago, A. (1993). Makabagong Balarilang Filipino. Rex Bookstore: Manila, Philippines.
**************************************
69