Ang Kabihasnang Indus sa Asya Mga Layunin 1. Nasusuri ang pagsulong ng unang kabihasnang Indus sa Asya; 2. Nasusuri ang kapaligiran ng lugar kung saan umusbong ang kabihasnang Indus; 3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Indus River sa sinaunang kabihasnang umusbong sa India; 4. Naipaliliwanag ang sistemang caste sa India; at 5. Naipaliliwanag kung bakit itinuturing na mahusay na pinuno ng Imperyong Maurya sa Asoka. Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India. Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang · India · Pakistan · Bangladesh · Afghanistan · Bhutan · Sri Lanka · Nepal at · Maldives Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas. Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India. Heograpiya ng India Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan. Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa India. Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha. Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos. Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt. Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.