WASTONG GAMIT NG “NG” AT “NANG”
ARAW-ARAW NA TANUNGAN 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Anong araw ngayon? Anong petsa ngayon? Anong oras na? Ilan kayo ngayon sa klase? Ano ang bilang mo sa klase? Pang-ilan ka sa hanay?
WASTONG GAMIT NG “NG”
Kung ang kasunod na salita ay PANGNGALAN o PANGHALIP
Hal. Kumain ng atis si Jose kanina. Pinabaon ito ng kanyang ina.
WASTONG GAMIT NG “NANG”
Kasingkahulugan ng “NOONG”
Hal. Umaga nang kainin ni Jose ang atis. Nang umagang iyon din sumakit ang kanyang tiyan.
Kasingkahulugan ng “UPANG” O “PARA”
Hal. Dinala si Jose sa ospital nang magamot. Binigyan siya ng gamot nang mawala ang sakit ng kanyang tiyan.
Bilang pinagsamang “NA” at “NG”
Hal. Sobra nang sakit ang naranasan ni Jose. Matindi nang pamimilipit ang naranasan niya.
Nagsasabi ng PARAAN o SUKAT
Hal. Humiga si Jose nang nakadapa. Pinagpawisan nang todo si Jose dahil sa kirot ng kanyang tiyan.
Bilang pang-angkop ng INUULIT na SALITA
Hal. Iyak nang iyak si Jose sa sakit. Pinaypayan nang pinaypayan si Jose ng kanyang ina.
GAWAING PANG-UPUAN 1.
2.
3.
4.
5.
Mahilig maglaro _____ tumbang preso si Mat. Bata pa lang siya _____ matuto siyang maglaro nito. Araw-araw, pagkatapos _____ tanghalian, lumalabas na siya ng bahay. Pumupunta na siya kina Boyet _____ makapaghanda para sa paglalaro. Makalipas ang tatlumpong minuto, handa _____maglaro ang magkakaibigan.
6. Magpopompyang na sila _____ malaman kung sino ang taya. 7. Tawa _____ tawa si Jose kasi si Boyet ang unang taya sa araw na ito. 8. Hinagis _____ malakas ni Jose ang kanyang tsinelas kaya tumalsik ang lata. 9. Tumalsik ito _____ malayo kaya hinabol ito ni Boyet. 10. Napagod _____ husto si Boyet sa kahahabol ng lata.
11. _____ madapa si Boyet sa pagod, agad siyang tinulungan ni Jose. 12. Tumigil silang maglaro _____ maiuwi na si Boyet. 13. Nagpasalamat _____ lubusan ang nanay ni Boyet kay Jose. 14. Pinakain pa si Jose _____ minindal bago siya umuwi. 15. Galak na galak siya dahil nakapagbigay siya _____ tulong sa kanyang kaibigan.
SUBUKAN NINYO!
_____tumawa ang mga duwende _____ walang-pangingimi, Binaha _____ aspili Ang balkonahe _____ pipi.
_____ makatulog _____ mahimbing Ang nanay ni Bing, Nagnakaw _____ puto Ang kilabot _____ Tondo.
GAWAING BAHAY 1. Basahin at suriin ang sanaysay Mag-NG at Hindi Mag-NANG. May pagsusulit sa susunod na pagkikita.