Singapore Bilang dating kolonya ng Britanya at parte ng ng Timog-Silangang Asya at, ang Singapore ay may kulturang pinagsamang pang-silangan at pang-kanluran. 1. Iba’t-ibang lahi Ang mga pangunahing grupong etniko sa Singapore ay ang mga Malay, Tsino, at Indiyano. Ang islang ito sa dulo ng Malaysia ay naging sentro ng kalakaran; dahil ginamit itong daungan ng mga barko ng Britanya na papunta sa India. Noon pa ma’y nakipagsapalaran na ang mga manggagawang Tsino at Indiyano upang magtrabaho sa Singapore. Sa kasalukuyan, laganap na ang industriyalisasyon sa bansa. Hanggang ngayon ay lumalawig ang populasyon ng mga dayuhang nagtratrabaho at namamalagi sa Singapore. Nagdudulot ito ng napakayaman at nagkahalo-halong kultura mula sa iba’t-ibang grupong etniko. 2. Sari-saring paniniwala Ang iba’t-ibang lahi ay may sari-sariling pinaniniwalaan relihiyon na itinuturo mula sa murang edad. Laganap ang Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at marami pang iba. Dahil dito ay napakaraming mga engrandeng gusali ang itinatag para sa ang iba-t ibang relihiyon. Ang mga bumibisita sa mga gusaling ito ay kailangang sumunod sa mga ipinaiiral na paniniwala ng relihiyon, tulad ng pagtakip sa buhok ng mga babae sa mga mosque. 3. Kakaibang batas May mga batas na sadyang pinapatupad at nangingibaw Singapore, at hindi matatagpuan sa ibang karatig-bansa. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may kaakibat na malaking multa o pagkakakulong: bubble gum, pagdura, pagkakalat, pagtawid sa hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, paglalasing sa publiko, pagmamaneho ng lasing, droga, at iba pa. Ang pagmamay-ari ng katiting na droga ay maaring maging basehan upang patawan ng parusang kamatayan. 4. Modernong pamumuhay Karamihan sa mga namamalagi sa Singapore ay mga dayuhan at negosyante. Mababa ang buwis dito kaya nakakaengganyong magpatayo ng negosyo. Maganda ang mga serbisyong publiko at maunlad ang imprastraktura, ngunit ‘di maikakailang malaki ang gastusin upang mamuhay sa bansang ito. Thailand Budismo sa Thailand ay matindi ang impluwensya ng tradisyonal na paniniwala tungkol sa ancestral at natural na espiritu, na kung saan ay inkorporada sa Buddhist kosmolohiya. Karamihan sa mga Thai ay nagi-install ng espirituwal na bahay, maliit na larawan gawa sa kahoy na mga bahay sa labas ng kanilang mga tahanan, kung saan naniniwala sila na ang espiritung sambahayan ang nakatira.
Tradisyon: Ang populasyon ng Thailand ay malapit sa 94%-95% na Theravada Buddhist, 1% na Kristiyano at iba pang mga relihiyon. Uri ng Edukasyon Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pampaaralan ng kindergarten, mababang paaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasang bokasyunal, at mga pamantasan.
Ang paraan ng pamumuhay Ang paraan ng pamumuhay sa thailand ay halos kapareho lamang ng sa Pilipinas. Ang kanilang bansa ay kilala dahil sa masaganang ani at katulad ng ating bansa sila ay nag-eexport din sa ibang bansa. Meron din silang likas at mayaman na anyong tubig na pinamumugaran ng maraming yamang dagat at nagdudulot ng magandang turismo sa bansa. Ang "thai" ay nangangahulugan ng kalayaan sa kanilang sariling wika kaya ang bawat thai ay malaya. Sila ay hindi nangingialam sa bawat isa. Kung makakapunta ka sa Thailand hindi mo malalaman kung sino ang tunay na babae sa hindi, dahil nirerespeto nila ang kagustuhan at kalayaan ng pagpili ng sariling kasarian "homosexuality" ng mga tao. Kaya malaya silang magpaopera kapag gusto nila. Ang mga thai ay sadyang mababait at palangiti. Panitikan Ang panitikan ng Thailand ay naimpluwensiyahan lamang ng India. Ang ilang halimbawa ng kanilang panitikan ay ang, Alamat ni Prinsesa Manorah at Ang Buwang hugis Suklay. Ang Ramakien din na bersyon ng Ramayana ng Thailand.
Indonesia Kultura: Ang kultura ng Indonesia ay nanggagaling at nag-uugat sa kanilang mga paniniwala, mga relihiyon, tradisyon, kultura, mga nakasanayan ng mga katutubo at sining. Ang mga tao sa Indonesia ay magagaling sa sining. Pati pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan ay kanilang pinagbibigyang pansin. Lahat ng bagay ay may kinalaman sa mga diyos at diyosa. Bukod sa turismo, pinagkukunan kabuhayan din nila ang pagsasaka dahil sa matabang lupa at mainam na klima dito. Kinuha mula sa iba’t ibang rehiyon ang kanilang kultura. Sa kabila ng impluwensya ng mga dayuhan na mananakop, may mga katutubo o tribo na pinagyayaman pa rin ang kanilang kinagisnan tulad ng mga ritwal, mga paniniwala at mga pangkakatutubong kasuotan.
Edukasyon Ang edukasyon ng bansang Indonesia ay nasa ilalim ng pamamahala ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura. Ang mamamyan ay sasailalim ng sapilitang edukasyon sa loob ng siyam na taon, anim na taon sa elementarya at tatlong taon naman sa sekondarya. Ang paaralang Islamic naman ay nasa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Religious Affairs. Pamumuhay Ang palay ay isa sa mga hilaw na sangkap ng pagkain ng Indonesia at nag-iiba sa pagitan ng mga rehiyon sa paghahanda nito. Ang mainit at maanghang na pagkain mula sa rehiyon ng Padang ay maaaring matagpuan sa mga dalubhasang Padang restaurant sa buong kapuluan ng Indonesia. Ang pagkaing Sundanese ay inihahain sa West Java, habang ang karamihan naman sa mga lugar ay may isang lokal na specialty, tulad ng inihaw na isda at pagkaing-dagat sa Makassar. Ang traditional na inumin ng Indonesian ay kinabibilangan ng isang alcoholic wine (tuak) na ginawa mula sa pulang asukal ng isang puno ng palma.Ang Islam ay nagbabawal sa paggamit ng alkohol, gayunpaman, kaya ang karamihan sa mga Indonesian ay uminom na lang ng mahinang black tea na may pagkain. Panitikan Ang Iba't-ibang panitikan ng Indonesian ay nahahati sa ilang mga panahon: 1. Pujangga Lama: ang "Literates ng Olden Times" (tradisyonal na panitikan)
2. Sastra Melayu Lama: "Older Malay Literature" 3. Angkatan Balai Pustaka: ang "Generation ng [Colonial] Office para Popular Literature" (mula 1908) 4. Angkatan Pujangga Bago: ang "Bagong literates" (mula 1933) 5. Angkatan 1945: ang "Generation ng 1945" 6. Angkatan 1950 - 1960-an: ang "Generation ng 1950s" 7. Angkatan 1966 - 1970-an: ang "Generation ng 1966 sa 1970" 8. Angkatan 1980-an: ang "dekada ng 1980" 9. Angkatan Reformasi: ang post-Suharto " Panahon ng Repormasyon" 10. Angkatan 2000-an: ang "Generation ng 2000s" Sa nakasulat na tula at prosa, isang tradisyonal na paraan lang mangibabaw, lalo na ang sumusunod : 1. syair (tradisyonal na salaysay tula) 2. pantun (quatrains na binubuo ng dalawang bahagi na pinutol na sukat ng linya ng tula) 3. gurindam (maikling aphorisms) 4. Hikayat (mga kuwento, mga engkanto-kwento, pabula ng hayop, alaala) 5. Babad (histories o alaala).
Laos Kultura: Ang mayamang kultura ng Laos ay may mga ugat sa napakalawak kabanalan, pati na ang nangingibabaw relihiyon ng Theravada Budismo ay may impluwensya mula sa pagpapalawak ng pamumuhay sa sining at arkitektura. Ito ay nakatagpo sa seremonya tulad ng baci o Sou Khoun (isang seremonya upang pagyamanin ang diwa) at ang karaniwang mga kaugalian ng pagbibigay limos tuwing umaga sa pagsikat ng araw. Edukasyon Ang sistema ng edukasyon ng Laos ay nahahati sa limang pangkat, una ay ang primary, middle, secondary, vocational at tertiary. Ang ganitong uri ng pagkakapangkat - pangkat ng sistema ng edukasyon ay sa kadahilanang para mabigyan ng sapat na kakayahan ang mga nagtapos ng pag-aaral na makipagkompetensiya sa labas ng paaralan. Pamumuhay Payak ang sistema ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Laos. Agrikultura at pakikipagkalakalan ang karaniwang ikinabubuhay nila na sadyang naiimpluwensiyahan ng mga karatig bansa nito. Makikita ang uri ng kanilang pamumuhay sa kanilang nakatalang kasaysayan mula pa sa kanilang mga ninuno. Panitikan Ang mga tao sa Laos ay may mayamang pampanitikan tradisyon sa libo-libong mga taon. Pinapahalagahan ang panitikan sa Lao society. Elemento ng Lao thematic ang kombinasyon ng relihiyon at alamat. Kinaugaliang gawa ang mga manuscript sa tuyong dahon ng palma na pinutol at binalot sa tinta at nilinis para makita ang mga nakasulat. May ibatibang uri ng panitikan ang Laos. Ito ay ang Classical na panitikan, Pangkasaysayang alamat at gawa, Panrelihiyong panitikan at mga makabagong panitikan. Pilipinas Kultura: Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Edukasyon Ang K-12 na sistema na kung saan ay naipataw na ngayong 2016 ay maaaring tumingin mabuti sa papel ngunit ito ay maaaring patunayan na maging mas mahirap isaalang-alang ang uri ng kulturang mayroon kami. Para sa akin, isa sa mga pinakamagandang naging kontribusyon ng gobyerno sa ngayon ay ang malaking badyet na inilalaan nito para sa Kagawaran ng Edukasyon. Lalong higit na kailangan pa natin bilang isang bansa ang lahat ng a upang maitaguyod ang mas magandang kalidad ng edukasyon. Sa panahon ngayon, lantad ang kakulangan ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa ganitong sistema ay hindi lingid sa ating lahat partikular na ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa ating bansa kung saan sila mismo ang nakararanas ng masamang sistema ng edukasyon sa bansa. Ilan sa mga kakulangan ay: Kakulangan ng sapat na bilang silid-aralan. Kawalan ng maayos na silid-aralan. Kakulangan ng bilang ng sapat na guro. Kakulangan ng mahuhusay na guro. Kakulangan ng bilang ng sapat na libro. Maling paggamit ng meduim of instruction. Sa aking pananaw, hindi angkop na ipagamit ang wikang banyaga sa mga Pilipinong mag-aaral sapagkat hindi ito ang kanilang kinagisnang wika. Kung ang ilang mga katutubo ay hirap na sa paggamit ng wikang Filipino mas mahihirapan sila sa paggamit ng isang wikang hindi naman nila gamay gaya ng Ingles. Kaya makabubuting gamitin ng mga guro sa pagtuturo ang wikang sinasalita sa lugar kung saan nakatayo ang kanilang paaralan Pamumuhay Ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng pilipino ay tumagal simula ng tayo ay sakupin ng mga taga ibang bansa at Kanluranin, KAtulad na lamang ng mga nakagawiang pamumuhay na Pangingisda, Pagsasaka, at Pangangalakal sa ibat ibang bansa. At may ibat ibang nakagawiang kainin ang mga pilipino dipende sa lugar na kanilang kinakalagyan halimbawa na lamang sa ILOCANO ay Pinkabet ang nakasanayan nilang kainin at iba pa. Panitikan Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3], sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, t anaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula