Pagmamahal sa bayan ni Rey Bautista
Ang pagmamahal sa bayan, may kanya kanyang antas may kanya kanyang pamaraan kung paano maihahayag. wala itong sukatan ng katayuan sa buhay. maging siya’y mayaman o pulubi sa lansangan. ang pagmamahal sa bayan ay nadudungisan lamang nang labis na pag-iimbot sa salapi at kayamanan na siyang tuluyan sumisira sa damdamin nagmamahal sa bayan. Niyuyurakan ang karapatan at pagkakataon nang kapwa na makaangat sa kinatatayuan antas sa lipunan. ang mga magnanakaw ay nagmamahal din sa bayan, katulad nang mga sinungaling na pilit tinatakpan ang mga katotohanan huwag lamang mabunyag pagiging gahaman sa salapi at kayamanan, lalo na at ito ay galing sa kabanbayan. Lahat ng pilipino ay nagmamahal sa kangyang bayan pinagmulan. ito ay damdamin hindi dapat pasubalian, kahit na gaano kataas antas ng pinag-aralan.
Tapunan ng Lingap ni Andres Bonifacio Sumandaling dinggin itong karaingan
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.
Malaong panahon na nahahandusay
At huwag matakot sa pakikibaka
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Nangaririto na para mangga-gaga,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Ang ating sarili ibig pang makuha.
Sa isang matuwid na kilala natin
Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Ay huwag ang gawang pagtataksil.
Sa kaaway natin na may loob hayop,
At ating lisanin ang dating ugali
Walang ginagawa kundi ang manakot
Na ikinasira ng taas ng uri,
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ay! Ang lingap mo po, nanunungong
Ang puring nilupig ng bakang maputi.
langit,
Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Tanawin ng tao at wikang mainam
Sa mga anak mong napatatangkilik
King mananatili ina nating Bayan
Nang huwag lumbagos sa masamang
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?
hilig.
Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ng katahimikan at magandang palad;
Ang inang nabulid sa kapighatian
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Nang upang magkamit ng kaligayahan.
Kaluluwa naming nang di mapahamak.
Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
Sa pagkadalisay at pagkadakila
At siya ay dapat ipagtangkilik
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…
Walang mahalagang hindi inihandog
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Ng may pusong mahal sa Bayang
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
kumupkop;
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
At natitilihang ito’y mapanood?…
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot… Kayong mga dukhang walang tanging Sa kaniya’y utang ang unang
[palad]
pagtanggap
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap… Ipaghandog-handog ang buong pagAng nangakarang panahon ng aliw
ibig,
Ang inaasahang araw na darating
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Kung sa pagtatanggol buhay ay
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…
[mapatid] Ito’y kapalaran at tunay na langit .
Magaling ang Pinoy ni Rafael A. Pulmano
Sa galing at sipag, Pilipino'y kampeon Maabilidad na, nuno pa ng dunong Sa sariling bayan at ibayong nasyon Mataas ang tingin sa lahi ng Pinoy! Sa alin mang bansang merong Pilipino Pustahan - meron ding Pinoy na obrero Doktor, nars, ant, teacher, inhinyero Driver, baby sitter, cook, housemaid, G.R.O. At saka ang Pinoy, saan man mapunta, Hindi lang talino at sipag ang dala Kundi pati na rin sariling kultura At bisyong pangontra sa pangungulila. Anupa't maski na sa bansang Arabo Na maraming bawal, batas ay istrikto, Uso tong-its, madyong, jueteng, sabong, shabu, Ending at jai-a-lai...Pasimuno'y sino?
Efren Peñaflorida Ipinakita ang Pagmamahal sa Bayan
Author: The Philippine Star MANILA, Philippines - Bukod sa adhikain na itaguyod ang edukasyon ng mga batang kalye sa pamamagitan ng kanyang kariton, ginawa na ring panata ng CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida ang loyalty o katapatan sa bayang sinilangan. Makikita ang bagong panata (solemn vow or pledge) ng bayani sa TV commercial ng LBC na nagpapakita ng pagbigkas niya ng Panatang Makabayan (Philippine Oath of Allegiance). Layunin ng anunsiyo na ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pagbibigay ng tapat na serbisyo. Ayon kay Efren, ngayon niya lalong naramdaman na ang pagtulong sa nation-building ay ang pinakamportanteng challenge sa bawat Pinoy. Kaya ang personal niyang panata ay ang huwag sumuko para sa bayan at sa mga kababayan. "Una sa lahat, ang non-negotiable sa panata ko ay ang desisyong hindi ko iiwan ang bansa. I will never give up my country to live in another place. Walang iwanan, pagdating sa bansa natin," sabi ng high school teacher. "Ikalawa, parte ng panata ko na patuloy na tumulong sa paraang alam ko. Hindi ko mareresolba ang lahat ng problema pero dahil ako ay guro, I vow to be the best teacher that I can be. " Kaya hindi titigil ang awardee na street educator sa kaalaman niya. Plano niyang ipagpatuloy sa masteral hanggang doctoral degree ang edukasyon niya. "Whatever I learn, isi-share ko sa iba pang volunteers o kung sino pa man ang gustong matuto para mas marami pang matulungan," sabi ni Efren. Ang pagbibigay ng magandang ehemplo ang mithi ni Efren. Kung kaya niya, kaya rin ng kahit sino dahil, dagdag pa ng bayani, "kaya mo dahil Pilipino ka sa isip, sa salita, at sa gawa.”