Ang Buhay na Langis ay ang langis ng niyog na hindi dumaan sa apoy. (Virgin Coconut Oil) Ang paggawa nito ay napakadali. Magdala lamang ng pitsel sa palengke na may bilihan ng niyog at may pigaan. Ipalagay ang sabaw ng niyog sa pitsel. Kung mapapansin na ang kamay ng tindero ay hindi masyadong malinis, hayaan na lamang dahil may kakayahan ang langis na resolbahin ito. Ipakayod ang niyog at ipapiga ang mga kinayod. Ang gata ay ihalo sa sabaw na nasa pitsel at ang pinagkayuran naman ay pwede mo nang iwan. Pagdating sa bahay, ang pinaghalong sabaw ng niyog at gata ay salain gamit ang malinis na panyo ó tela. Ilagay ang panyo sa bibig ng lalagyan at dito na salain upang dumeretso na sa lalagyan. Takpan ang lalagyan ng isa pang malinis na panyo (ó tela) at gumamit ng goma upang ito ay hindi maalis. Iwan ang lalagyan sa pinakamainit na lugar ng bahay at balikan sa loob ng dalawang araw. Silipin ang lalagyan paminsan-minsan upang siguraduhing hindi ito umakit ng langgam. Sa ikalawang araw, ang buhay na langis, ang latik, at suka ay hiwalay na. Hanguin ang langis gamit ang malapad na kutsara (katulad ng ginagamit ng magtatahó), at ilagay sa isang malalim na lalagyan. Takpan ng tela ito, at iwan ng isang araw upang ang pino at malinaw na langis ay lumitaw na. Kinabukasan, ang langis ay malinaw na at mas mainam na ilipat sa malinis at madilim na garapon upang hindi ito madaling mapanis. Ang natirang latik naman na may langis pa ay pwedeng lutuin. Ang mantikang lilitaw ay malinamnam na pwedeng gamitin sa ibang pagluluto. Ang tubig na animo’y suka ay itapon na- hindi na magagamit ito. Ang Virgin Coconut Oil ay mainam na gamot sa lahat ng sakit sa balat at katawan. Ito ay gamot sa “Alzheimer’s disease” ng matatanda. Bigyan ng 3 kutsara araw-araw hangga’t mapanumbalik ang mga ala-ala nito. Ito ay gamot sa “sore eyes”. Patakan lamang ng malinaw na langis ang mata at matulog muli ng isang oras. Pagkagising, ang sore eyes ay wala na. Ito ay gamot sa balat, sa kagat ng insekto, sa lagnat, sa ubo, sa cancer at iba pa. Ito ay pampasigla rin sa pagtatalik ng mag-asawa. Ito ay gamot sa mga na-operahan. Ito ay mainam na inumin ng mga malapit nang manganak- upang natural na mabilis at madulas ang panganganak ng sanggol. Ito ay gamot pampalakas at pang-iwas sa sakit kaya’t mainam na ihalo ang isang kutsarita nito sa almusal. Ihalo na lamang sa pagkain upang hindi ka maumay kung hindi mo kayang inumin. Ang enerhiya ng langis ay mahiwaga dahil ito ay dumederetso sa mga atomo (atoms) ng inyong katawan. Kapag naman napanis na ang langis sa ikalawang buwan nito dahil marahil na hindi ito naubos, ay ilagay sa isa pang lalagyan at gamitin na lamang sa buhok, sa sakit sa balat, ó sa kinagatan ng
insekto. Ito ay mas mainam kaysa sa Off-Lotion na ginagamit pang-iwas sa kagat ng lamok. Kapalan ang paglalagay nito hangga’t mawala ang kati ng balat. Ang mga duktor ay mahigpit na pinagbabawalan ang paggamit nito dahil anya nila ay tataas ang kolesterol mo. Tandaan na walang masamang dami ng kolesterol. Ang ating bansa ay likas na pinagpala at nasa atin na ang lahat ng organikong gamot na kailangan natin upang tayo ay ligtas sa lahat ng uri ng sakit.