MODYUL 4 LIPUNANG SIBIL, MEDIA, AT SIMBAHAN
LIPUNANG SIBIL ■ Kung alam mo kung ano-ano ang kaya mong gawin, alam mo rin kung ano-ano ang hindi (Hal., maaaring marunong ka magsaing, pero marunong ka bang magsama o mag ani ng isasaing mo? Gusto mong patuloy na magsaing ang mga magsasaka para may maisaing ka at masasabi mo sakanila “Paki Lang”). ■ Gayundin sa pamahalaan, gumagawa at at nagpapatupad ito ng mga batas, pinaparusahan ang lalabag at nakahahadlang sa pagtatamasa natin ng ating mga pangangailangan. ■ May mga nag-oorganisa ng kani-kanilang sarili upang ipahayag ang pagsusuklam sa ganitong sistema. Isang musikerong nagngangalang ‘Ito Rapadas’, ang nagpasimuna sa facebook ng ideyang maramihang pagpapahayag ng pagkadismaya.
LIPUNANG SIBIL ■ Ang ganitong kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't-isa ang tinatawag na "Lipunang Sibil". Ang Lipunang Sibil at nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod. Kung kaya't nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamatalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. ■ Noong 1994 nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ). Layuning ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim at ng iba pang katutubo. ■ Noong 1984 isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na bumuo ng isang pampolitikang partido na tinawaf na Gabriela. Sa kanilang pagsulong maraming mga naisabatas. ■ Tulad ng Anti-sexual Harassment, Anti-rape law, Rape victims assistance and protection, anti-trafficking of persons at anti-violence against women and their children
ANG MEDIA ■ Sa tulong ng media, nalalaman natin ang mga impormasyon sa paparating na bagyo, kung kaya nakakagawa sila ng kaukulang paghahanda. Kapag may nanghihingi ng tulong, gustong ipanawagan sa marami, media rin ang solusyon. Karapatan mong alamin ang makabubuti sayo kaya tungkulin mo ring ipaalam sa iba ang ikabubuti naman nila. Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay maipapanatili mo ang ikabubuti ng iba. Sa pagkamit ng ikabubuti ng mga mamamayan, nakamit mo din ang ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon sa ikabubuti ng lahat ay napalutang sa sa tulong ng media. ■ Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaring maging batayan ng iba sa pagpapasiya ng ikikilos.
ANG MEDIA ■ Ang Media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikakabuti nino man ang kasinungalinang bunga ng pagbabawas o pagdadaragdag sa katotohanan. “Ang kapangyarihang ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha” (Papa Juan Pablo II, 1999).
ANG SIMBAHAN ■ Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makakaramdam ka pa rin ng kahungkagan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan. Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin.
■ Inoorginasa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa kabila ng kariwasaan. Iba't-iba tayo ng antas ng pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng buhay: may mas malalim, may mas mababaw. ■ Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakasasakop. Itinuturing nila ang kanilang sarili bilang kasabay natin sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. ■ Sa sama-sama nating paghahanap ay nagoorganisa natin ang ating sarili bilang isang pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan.
KATANGIAN NG IBA'T-IBANG ANYO NG LIPUNANG SIBIL: ■ 1.Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o naggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. ■ 2.Bukas na pagtatalastasan. Ang pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro at paglilinaw ng mga usapin, daan upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.
■ 3.Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi, lahat ay bininigyan ng pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig. ■ 4.Pagiging organisado. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan. ■ 5.May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat dahil ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang mapagtagumpayan ang anumang balakid.
■ Ayon kay Fr. Eduardo Hontiveros sa isang awit "Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang" sinasabi dito na ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsususlong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan, ngunit ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man nakapagpapalala, ng mga suliraning panlipunan.