Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan Kahulugan: matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan. Huwag mag-aral para lang sa pagsusulit, hindi nagtatagal ang ganitong kaalaman. Intindihin at damdamin ang binabasa para habangbuhay mo itong magamit. Mas delikado ang taong edukado Kahulugan: ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan ay pakinabang ng sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa masamang bagay, marami ang mapapahamak.
ang kahalagahan ng salawikain tungkol sa edukasyonSa mga kabataan Edukasyon ang gawing daan At maging inyong sangkalan Sa anumang uri ng laban Kahulugan: lahat ng bagay sa buhay mo ay pwedeng mawala o nakawin, ngunit ang edukasyon ay hindi.
Ang buhay ay mahirap Kung hindi ka maagap Mag-aral ka at magsumikap Para sa magandang hinaharap Kahulugan: kahit nagsimula ka sa wala, kapag ikaw ay meron pinag-aralan, malaki ang pagkakataon na makaangat sa kahirapan.
Ang batang busog sa pangaral Ay lalaking marangal Malayo sa pagiging hangal Dala ay mgandang asal
Kahulugan: kapag ang bata ay laging may gabay ng magulang habang lumalaki, tatanda itong mabuting tao.
Para sa magandang kinabukasan Kamangmangan ay wakasan Pag-aaral ay gawing sandata Lalo na kayong mga bata Kahulugan: seryosohin ang pag-aaral dahil ito ang magbibigay ng magandang kinabukasan
Ang ating abakada Ating natatanging sonata Para sa mga bata Pati na sa mga nakatatanda Kahulugan: natatangi ang mga pinoy. Huwag ikahiya ang sariling wika.
Walang bilang ng edad ang pag-aaral Ang edukasyon ay walang katapusang paglalakbay Para sa masagana at magandang kinabukasan Kahulugan: walang pinipiling edad ang edukasyon.
halimbawa ng salawikain tungkol sa edukasyonSa aking paaralan Aking natutunan Magbasa at sumulat Pati mata ay namulat Kahulugan: tungkulin ng mga paaralan na ihanda ang mga bata sa reyalidad ng mundo.
Walang mataas at malayo Sa mga taong mayroong prinsipiyo Kahulugan: kapag ang tao ay merong paniniwala, lahat ng bagay ay kaya niyang maabot.
Aral ay gawing tulay Tungo sa magandang buhay Kahulugan: ang mga batang nagaaral ng mabuti ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
Karagdagang halimbawa ng mga salawikain tungkol sa edukasyon.
Aanhin mo ang ganda ng mukha At katawan na kaakit-akit Pag ang utak ay wala Pati ang iyong bibig ay walang maibuga Kahulugan: Hello, kamusta ka? Ako nga pala ang gumawa ng website na ito, gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi lahat ng bagay nasusukat sa yaman at ganda, tandaa mo ito, hindi dahil maitim, pandak, pango o bakla ka ay pangit ka na at wala ka ng karapatan maging masaya, yun lang ang sinasabi nila sa TV, wag mo silang paniwalaan. May karapatan ka maging masaya at may lugar ka sa ating mundo. Lahat ng tao ay may karapatan maging masaya. Kailangan mo lang maging mabuting tao. At maging edukado. Tandaan mo, ang ganda ay lumilipas. Wag na wag mong hayaan na maliitin ka nila. Naniniwala ako sa’yo. Kahit hindi tayo magkakilala, naniniwala ako sa’yo, kahit na hindi naniniwala ang guro o magulang mo sa’yo, ako, naniniwala ako sa’yo. Naniniwala ako na magiging malaki ang kontribusyon mo sa Pilipinas. Wag mong sayangin ang kinabukasan mo, mag-aral ka ng mabuti. Lagi mong tatandaan, ang Leon ay hindi nagpapaapekto sa opinyon ng mga tupa.
Salawikain Tungkol sa Pag-ibig
Oh pag-ibig na makapangyarihan Pag pumasok sa puso ninuman Hahamakin ang lahat Masunod ka lamang Kahulugan: hindi mo kayang piliin kung sino ang mamahalin mo, kapag mahal mo, mahal mo. Huwag kang patatalo sa iyong panibugho Mundo mo ay guguho at magkakagulo-gulo Kahulugan: natural lang ang pagseselos sa isang relasyon, ngunit wag mong hayaan na ikasira ito ng inyong pagmamahalan.
Kapag ang pag-ibig ang namayani Ang lahat ay magbubunyi Kahulugan: importanteng magmahalan ang mga tao.
Ang totoong nagmamahal Harangan man ng sampung kawal Ay hinding-hindi mabubuwal Kahulugan: walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan.
Ang lalaking puro sablay Ay hindi magandang kasama habang buhay Kahulugan: hindi magandang karelasyon ang lalaking hindi mapagkakatiwalaan.
Huli man raw at hindi magaling Ay nakakahabol rin Kahulugan: kapag nagsikap ang tao, balang araw makakaraos din.
halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-ibigSa aking pag-idlip Mukha mo ang aking panaginip Sa tuwing ako ay nagigising Ikaw pa rin ang nasa isip Kahulugan: sa sobrang mahal mo ang isang tao, siya ang nagpapatulog sa’yo at siya din ang rason mo na gumsing.
Sa haba man ng tinahak na tadhana Ang hulihan pa rin ay dambana Kahulugan: ipaglaban ang taong minamahal hanggang sa dulo.
Ang lalaking mapagkunwari Ay lagging may atubili Kaya ikaw ay mamili Mag-isip ka ng mabuti Kahulugan: huwag magmahal ng taong hindi sigurado sa’yo.
Karagdagang halimbawa ng mga salawikain tungkol sa pag-ibig.
Ang pag-ibig ay bulag Dahil hindi mata ang basehan ng pag-ibig
Kahulugan: minsan mahirap bigyan ng rason ang pag-ibig, basta nalang itong dumadapo at hindi ka na nito tatantanan
Salawikain Tungkol sa Wika
Ang hindi magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa malansang isda Kahulugan: wag mong pilitin maging iba, malaking karangalan ang isang pagiging Pilipino. Wika ko mamahalin ko Pagyayamanin ko at ipagmamalaki ko Kahulugan: ikalat sa mundo ang pagiging isang Pilipino, huwag ito ikahihiya dahil sa bilyon-bilyon na tao sa mundo, ang mga Pilipino ay walang kapareho.
Saan ka man mapunta Wika ay gawing sandata Sa pananalita man at pakikipagkapwa Kahulugan: importante ang wika, kaya nito magsimula at magpatigil ng digmaan.
Aanhin ko pa ang wikang banyaga Kung ako ay may sarili ng wika Para sa akin ito ay sapat na
Kahulugan: importante ang wikang pilipino.
Wikang aking gamit Ang lagi ko ng sinasambit Hindi kita ipagpapalit O kahit man lang iwawaglit Kahulugan: kahit na mapunta pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi padin kakalimutan ang pagiging Pilipino.
Wikang pambansa Alay sa mga masa Lagi nating isapuso At huwag ipapalit sa salitang nauuso Kahulugan: huwag ikahiya ang sariling wika.
Ang wika ay dakilang regalo Mula sa ating mga ninuno Bigyang halaga ito Para ito ay hindi maglaho Kahulugan: daang-taon ang kasaysayan ng ating wika, mula sa mga sinaunang Pilipino noon, hanggang ngayon sinalin-salin na ito sa bawat henerasyon. Protektahan ito para maipamana pa sa mga susunod na henerasyon.
Ilang salinlahi man ang dumating Wika natin ay paigtingin Atin itong gamitin At pagkamahalin
Kahulugan: kahit na uso na ngayon ang paghaluin ang wika, wag padin kakalimutan ang wikang Pilipino.
Pairalin ang pagkabayani Sariling wika ay ating ipagbunyi Wika na ating kaagapay Sa ating pang araw-araw na buhay Kahulugan: gamitin palagi ang ating wika.
Namutawi mula sa labi Ang wika nating sarili Ating laging kandili Saan man tayo magawi
Salawikain Tungkol sa Pamilya
Ang pamilyang kumakakain at nagdarasal ng sabay-sabay Ay nagsasama at nabubuhay ng matiwasay Kahulugan: ang pamilya na dikit at rinerespeto ang isa’t-isa, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pagsasamahan. Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin
Na puwede pang iluwa kapag ito ay mainit Kahulugan: hindi biro ang kasal, kaya dapat magpakasal lamang sa taong iyong mahal at gustong makasama habang buhay.
Ang pamilyang nagkakaisa Ay palaging masaya Habang ang pamilyang may gusot Ay lagi na lang malungkot Kahulugan: kailangan matuto ang bawat miyembro ng pamilya na pakinggan ang sinasabi ng bawat isa sa pamilya, ang mga bata, dapat matutong rumespeto at sumunod sa mga payo ng magulang. At ang mga magulang, dapat maunawaan nila na kahit na matanda na sila ay pwede padin silang magkamali. Kung gusto mong pakinggan ka ng iyong kausap, dapat matuto ka din makinig sakanya, bata man o matanda.
Sa mga magulang, maging mabuti sanang halimbawa Para sa mata ng mga bata Maging mabuting ehemplo At magsilbing mga modelo Kahulugan: sa mata ng mga bata, bayani ang kanilang mga magulang, natural lang na gagayahin nila ang mga kilos at salita ng kanilang mga magulang. Tungkulin ng mga magulang na maging mabuting tao para lumaki ang kanilang mga anak na mabubuting tao.
Gawing gabay sa buhay Ang aral ni nanay Kanyang payo at mga turo Nawa ay hindi maglalaho Kahulugan: kahit na ang bata ay balang-araw tumanda na, huwag kakalimutan ang mga payo ng magulang.
Ang batang masunurin At may mataas na mithiin Sana ang iyong hangarin Ay makamtan mo rin Kahulugan: lahat ng pangarap ay kayang matupad, kailangan lang ng magsikap.
Sa mga ama na masipag Masagana at puno lagi ang lapag Kahulugan: ang mga tatay na handang pagpawisan sa kakakayod ng pera, bibiyayaan din sila ng mabuting buhay.
Ang ate ko na maganda Sa biyaya ay sagana Bukod siyang pinagpapala Sa pagiging mapagparaya Sa pagkain man o sa pera Kahulugan: kung ano ang binibigay mo ay tatanggapin mo din ng ilang beses pa.
Walang kapantay ang saya ng buhay Sa pamilya na buo Ligaya ang tunay na taglay Kahulugan: ang pamilyang hindi naghihiwalay ay mas tumitibay.
Pangkalahatang Salawikain
Nang ako ay gumagawa ng tama Walang nakakaalala Ngunit ang minsan kong pagkakamali Ay hindi na nakalimutan Kahulugan: kadalasan, ang nakikita lang mga tao ay ang iyong pagkakamali. Ang bakal ay nasisira ng sarili nitong kalawang Kahulugan: kapag ang tao ay mahilig magkimkim ng galit, kapag tumagal, siya din lamang ang mapipinsala nito.
Ang batang masipag Pag tumanda pagod
Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo At sasabihin ko ang iyong pagkatao Kahulugan: nakikilala ang isang tao sa mga pinipili niyang mga kaibiganin
Linisin mo muna ang bakuran Bago mo pansinin ang dumi ng kapwa mo Kahulugan: huwag magsalita ng masama sa kapwa, dahil lahat ng tao ay hindi perpekto at lahat ay pwedeng magkamali.
Ang oras ay ginto.
Kahulugan: huwag magsayang ng oras dahil hindi na ito maibabalik pa.
Huwag mong gawin sa iba Ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo Kahulugan: kapag mabuti ka sa iyong kapwa, magiging mabuti din sila sa iyo.
Ang pagmamahal ay sinusuklian rin ng pagmamahal.
Sa mata ng Diyos tayo ay pantay pantay.
Namula sa alikabok, matatapos din sa pagiging alikabok Kahulugan: lahat ng tao ay pinapanganak at namamatay din.
Ang unggoy balutin man ng ginto Hayop at unggoy pa rin ang asal nito. Kahulugan: hindi nasusukat ng yaman ang pagiging mabuting tao.
Ang hindi makuha sa santong dasalan Ay daanin na lang sa santong paspasan
Araw-araw Na Salawikain
"Hindi kailangan sumigaw upang marinig."
Mansiyon man ang bahay mo Asal ka namang hunyango Mabuti pa ang bahay mo ay kawayan Kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan Kahulugan: hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanyang ugali. Mahirap man o mayaman, dapat matutong magpakumbaba.