MGA PISTA SA PILIPINAS LUZON Panagbenga Ito ay ginaganap taun-taun sa Baguio na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Pebrero. Ito ay ipinagdiriwang dahil sa kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio.
Pahiyas Isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban,Quezon.Sapamamgitan ng pistang ito pinasasalamatan ang mga magsasaka sa dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Carabao Festival sa Bulacan
Pulilan,
Idinaraos ito tuwing ika-14 ng Mayo sa bawat taon. Dahil sa daming naitutulong ng kalabaw tinitiyak ng mga magsasaka na, araw-araw ay napapakain at nabibigyan ng hustong pag-aalaga ang mga ito kapalit ng kanilang paglilingkod. Ayon sa mga Pulileño, ang Carabao Festival ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa
simbahan.
Mango
Festival Sa masaganang aning mga bungang mangga na mas kinilalang “sweetest and most delicious mango world-wide” ay apat na araw ang ilulunsad na piyesta sa lalawigan ng Zambales na tinaguriang “Dinamulag 2015”.
Ati-atihan Festival Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggong Enero kada taon ang pistang Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmong tambol nawari ng nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahagi na ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa
maalamat na pagtatagpong mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsambasa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
VISAYAS Sandugo Ang Sandugo ay ang tradisyunal na kasunduan na pinatutunayan ng pag-iisang dugo. Ito ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-iisang dugong Kastilang si Miguel de Legazpi at Boholanong si DatuSikatuna noongMarso 16, 1565 sa Bohol upang selyuhan ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni López de Legazpi ang kasunduan upang tiyakin maayos na pakikitungo sa kanilang mgakatutubo. Ito ang sinasabing unang kasunduang internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi, ang Filipino at Kastila. Sinulog Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahenng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng
mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang ditto ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parade doonsa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid. Maskara Festival Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti. Pintados Festival
de
Pasi
Ang Pintados de Pasi Festival ay taunang pagdiriwang na dinaraos tuwing ikatlong linggo ng sa probinsiya ng Iloilo. Itinaon ang kapistahan sa kung kailan naging siyudad i, Marso 14, 1998.
Marso petsa ang
Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng i, Iloilo. Pangunahing bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga taong
napapalamutian ng tradisyunal na tattoo sa buong katawan. Sa saliw ng musikang lumalabas mula sa tambol, plastik at kawayan umiindayog ang mga mananayaw. Ang itaas na bahagi ng kanilang katawan animo’y alon na marahang hinahampas ng hangin. Mayroon ding talon, ikot, lukso at pagsipang paggalaw na parang isang mandirigma.
Salakayan Festival Ang Salakayan Festival ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Pebrero sa bayan ng Miag-ao sa lalawigan ng Iloilo. Isa itong selebrasyon ng kasaysayan na nagbibigay ng oportunidad para sa mga Miagawanon at mga dumarayong bisita na makapagsaya at magkasama sa isang makulay na kapistahan.
MINDANAO Kadayawan Festival
Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.
Kaamulan Festival Ipinagdiriwang ang Kaamulan sa lalawigan ng Bukidnon, partikular sa lungsod ng Malaybalay, simula sa ikatlong linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso. Bilang isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng Kaamulan ang mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing mga tribo ang nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw, kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan. Lanzones Festival
Ang mga lokal na mamamayan ng Mambajao, Camiguin at mga turista ay nagsasaya sa isang linggong selebrasyon na may iba’t ibang aktibidad na nagpapakita ng yaman ng kultura ng Camiguin. Kontribusyon na rin ito ng mga mamamayan upang makilala ang Mindanao bilang isang cultural tourism destination. Ilan sa mga ito ay ang sayawan sa kalsada, parada ng lanzones, agri-cottage industry products exhibits, at beauty pageant (Mutya ng Buahanan). Bukod dito, inaabangan din ang taunang barangay beautification contest, indigenous sports, at iba pang pagpapamalas ng lokal na kultura. Tuna Festival Ang Tuna Festival ay isang pagdiriwang na nagaganap sa loob ng isang linggo, simula huling linggo ng Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre. Ito ay nagaganap sa General Santos City, na siyang tinuturing na “Tuna Capital” ng Pilipinas. Ang okasyong ito ay nagsisilbing pagpapahalaga sa tuna bilang pangunahing pinagkukunan ng kita ng lugar. Ito rin ay dinadayo ng libu-libong mga turista, kung kaya’t ang Tuna Festival ay pinapahalagahan din bilang isa sa mga pinakasikat na “tourist attraction” sa bansa.
Hermosa Festival Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Zamboanga bilang pagbibigay-pugay sa milagrosong imahen ng Ating Babae ng Pilar sa Fort Pila. Naniniwala ang mga taga-Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar. Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang fiesta, kung saan isinasagawa ang novena, paputok, parada, kultural na pagtatanghal, regatta, at ang parada ng Miss Zamboanga.