Transcript of MGA PANGANGAILANGAN SA MASINING NA PAGSULAT MGA PANGANGAILANGAN SA MASINING NA PAGSULAT: design by Dóri Sirály for Prezi 1. Maingat na pagpaplano 2. Pag-aangkop ng sulatin sa mambabasa 3. Kaisahan, pagkakaugnay at pagbibigay diin BAHAGI NG ISANG SULATIN: 1. Simula 2. Nilalaman 3. Wakas ANG BALANGKAS: 1. Papaksa 2. Papangungusap 3. Patalata PAKSA O IDEYA 1. Nasa simula 2. Nasa gitna 3. Nasa hulihan URI NG PAGPAPAHAYAG 1. PAGLALAHAD - Gamit kapag ang layunin ay magpaliwanag tungkol sa isang bagay, pangyayari at iba pa. PARAAN NG PAGLALAHAD a. Pagbibigay ng katuturan b. Pagsusuri c. Sanhi at bunga d. Paghahambing at pagsasalungatan KAANYUAN NG PAGLALAHAD: a. Buod b. Halaw c. Hawig
d. Pagpulong tudling e. Panayam f. Suring basa 2. PAGSASALAYSAY - Naglalahad ng sunod-sunod na pangyayari AYON SA KAANYUAN AT NILALAMAN - Tauhan - Tagpuan - Pangyayari o banghay AYON SA HIMIG - Pag-ibig - Di-kapani-paniwalang pangyayari - Katatakutan - Katatawanan - Sikolohika KAANYUAN NG PAGSASALAYSAY KAANYUAN NG PAGSASALAYSAY a. Pangkasaysayan b. Pang-talambuhay c. Pakikipagsapalaran d. Paglalakbay e. Pampanitikan - Pabula - Parabola - Alamat - Maikling kuwento 3. PAGLALARAWAN - Inilalarawan ang hugis, anyo ng isang tao. URI NG PAGLALARAWAN a. Karaniwan b. Masining
KATANGIAN NG PAGLALARAWAN a. Maging payak at tiyak sa pananalita b. Maging maayos sa pag-uugnay ng mga salita c. Magiging mabisa kung may kawastuhan, kaangkupan at kagandahan. DAPAT ISAISIP SA PAGSUSULAT: a. Layon b. Abot ng tanaw c. Katangiang namumukod d. Anyo ng bagay sa kabuuan DAPAT TANDAAN SA MASINING NA PAGLALARAWAN a. Alaming mabuti ang paksang ilalarawan b. Sabihin ang likas na kakanyahan, kalikasan nito sa pamamagitan at paggamit ng mga angkop na salita. c. Bigyang pansin ang sistemang pagpapahayag, ang ranggo ng mga bagay na ilalarawan at mga salita. d. Maging tapat, payak, ngunit epektibo ang paglalarawan 4. PANGANGATWIRAN - Nagnanais na mapaniwala ang kausap, nakikinig o nagbabasa. URI NG PANGANGATWIRAN a. Pabuod b. Pasaklaw PAGGAMIT NG TAYUTAY: • • • • • • • • • •
SIMILI METAPORA HYPERBOLI PERSONIPIKASYON PAGTAWAG ONOMATOPIYA PALIT-TAWAG-METOMINI (nagpapalit ng katawagan) PALIT-SAKLAW-SINEKDOKI EUPEMISMO PAG-UYAM
Ang masining na pagsulat ay uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga salitang nakapagpapaganda ng akda. Maaaring ito ay gamitan ng mga tayutay o mga matatalinhagang salita. Ang Masining na Pagsulat Ang Masining na Pagsulat Romeo P. Gonzalvo Jr. Ang PAGSULAT ay ang pagsasatitik ng mga sagisag ng kaisipan. Ito rin ay paglilimbag ng mga sagisag ng lengguwahe… mga ideyang isinasalin sa papel o sa anumang maaaring pagkulungan ng mga karunungan gamit ang mga pinagsama – samang mga salita, simbulo at ilustrasyon na may layuning maihayag ang mga kaisipan at saloobin. Kahalagahan ng Pagsulat 1. Nagkakaroon ng palagiang tala na nagsisilbing batayan ng anumang karunungan sa hinaharap. 2. Nagiging posible ang malayuang pakikipagtalastasan. 3. Higit na nagkakaroon ng magandang unawaan ang mga mamamayan. Kapag maayos at pinaghandaang mabuti ang isang pagsulat na nakabatay sa isang paksa o damdamin, at, ito ay nakatatawag ng pansin o nakaaantig ng damdamin ng sinumang mambabasa, maituturing ang pagsusulat na ito bilang isang sining. Ayon kina Peck at Buckingham (1976), ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng mag-aaral sa kanilang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa. Ito’y isang paraan ng pagpapahayag ng isipan at damdamin ng tao sa paraang paglimbag. Ang pagsulat ay ang huling kasanayang pangwika. Lahat ng natutunan sa unang tatlong kasanayan ay nilalagom at nililimbag dito.Ayon kay Lou Labrant “anuman ang maging halaga o anuman ang
maging mahirap, ang mag-aaral ay nararapat na magsulat upang mabigyan ng kaganapan ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng pagsasatitik ng kanyang kaisipan.” Ang pagsusulat, batay sa nasasaksihan ng mga guro sa bawat mag-aaral ay hindi kasiya-siya para sa mga ito. Subalit kailangang maipahayag niya ang kanyang damdamin at karanasan ngunit isang malungkot na katotohanan na hanggang ngayon ay wala pa ring tiyak na pormula upang maituro ang paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Dalawang Uri ng Pagsulat 1. Pormal Yaong nangangailangan ng panahon at masusing paghahanda. Kalimitan, may mga tuntunin itong sinusunod. Halimbawa: Term Paper Research Paper Pagsulat ng isang Iskrip Nobela 2. Di – Pormal Yaong mga biglaang pagsulat dahil na rin sa biglaang pangangailangan o pagkakataon. Halimbawa: Pagsulat ng lihamPagsulat ng mga sanaysay Mga Dapat Tandaan sa Isang Masining na Pagsulat 1.Ang paksa o Ideya Mahalaga ang paksa sa pagsusulat sapagkat dito magmumula ang kaisipang lilinangin ng isang manunulat. Lahat ng problema sa ating paligid, malaki man o maliit ay maaaring sulatin. Kailangan lamang na maging kawili-wili ito sa manunulat upang mabigyan niya ito ng buhay. 2.Paggawa ng Balangkas Sa lahat ng gawain kailangang may plano. Sa pagsusulat ang balangkas ay
kailangan upang magkaroon ng direksyon ang sinusulat. Minsan, istorilayn ang ginagamit ng ibang manunulat kung magkagayunman, tinatanggap pa rin ito sapagkat ito ang pinakaplano ng susulatin. Ang bahagi ng balangkas ay nagsisimula sa isang maikling simula kung saan dito makikita ang tauhan, tagpuan at problema o paksa. Ang katawan nito ay naglalaman ng mga pangyayari at ang wakas ay tutukoy kung paano nalutas ang problema o paksa. 3.Paggawa ng Burador Kalansay ang tawag sa balangkas samantalang kalamanan naman sa burador. Ang burador ay ang pagsulat ng tuluy-tuloy na hindi inaalintana ang mga pagkakamali. 4.Pagtatama sa Burador Sa burador ginagawa ang pagdaragdag ng mga kakulangan, pagbabawas sa mga ideyang hindi angkop at pagtatama sa mga maling pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o maaari rin itong pagtatama sa ispeling ng mga salitang ginamit. Iwinawasto sa bahaging ito ang mga nakitang kamalian sa unang burador. 5.
Pagsulat ng Pinal na Anyo
Dito isinusulat nang maayos ang winastong sulatin. Binibigyang pansin din kalinisan, paglulugit sa mga talata at ang margin.