ANG KABIHASNAN G GREEK
Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe. Mabundok ang Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga lungsod-estado o city state.
Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at barley. Liko-liko ang baybayingdagat ng Greece at marami itong magagandang daungan.
ANG PANAHONG HELLENIC (800-338 B.C.E)
Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece. Ang hudyat ng simula ng pamamayagpag ng kanilang kabihasnan ay ang unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus. Ang sinaunang Olympics ng mga Greek ang nagsilbing inspirasyon sa makabagong Olympic Games na nagsimula noong 1896.
ANG POLIS Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece
ay polis. Ang mga polis ay mga lungsod-estado o city state. Tinawag itong lungsod-estado dahil malaya at may sariling pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod. Mahigpit na ipinagtatanggol ng mga polis ang kanilang kalayaan sa isa’t isa. Madalas ay hindi nagtutulungan ang mga polis maliban na lamang kung may banta sa kanilang kaligtasan. Ang gitna ng lungsod ay isang bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao. Ang tawag dito ay agora.
ATHENS:ISANG DEMOKRATIKONG POLIS Hindi naglaon, dalawang malakas na
lungsod-estado ang naging tanyag – ang Athens at Sparta. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Samantalang, sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito. Pinuwersa nito ang mga nasakop na lupain na manilbihan bilang helot o trabahador sa bukid.
SPARTA: ISANG MANDIRIGMAN G POLIS Kaiba naman ang mga pangyayari sa Sparta. Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong militar. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo. Lahat ng mahihinang bata o yaong may kapansanan ay pinapatay. Tanging ang malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang
ANG BANTA NGPERSIA Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E, sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ito ni Darius I, ang nagmana sa trono ni Cyrus the Great, ang hangaring ito.
CYRU S THE GREA T
ANG DIGMAANG GRAECOPERSIA (499-479 B.C.E)
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay
naganap noong 490 B.C.E sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens.Tinalo ng 10, 000 pwersa ng Athens ang humigit kumulang 25, 000 puwersa ng Persia. Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Nahirapang iwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng
PANAHON NI PERICLES Pinuno ng Athens si Pericles mula 461 hanggang 429 B.C.E. Nangibabaw ang kanyang impluwensya sa buhay ng Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay tinawag na Panahon ni Pericles. Naniwala si Pericles na nararapat ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamahalaan. Namayagpag ang demokrasya sa Athens sa panahon ni Pericles. Pinaganda rin ni Pericles ang Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng
ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN (431-404 B.C.E) Sinikap ni Pericles ang pagbubuklod ng mga
lungsod-estado ss isang malawak na pederasyon na tinawag na Delian League. Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian League sa pagtatatag ng malakas nitong plota at pagpapatayo ng magagandang gusali. Sa pagiging imperyo ng Athens, nangamba ang ibang mga lungsod-estado. Nagsama-sama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus at itinatag angPeleponnesian League upang labanan ang Athens. Kasapi nito ang Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes at Chaeronea.
IMPERYONG MACEDONIAN (336-263 B.C.E) Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na
pag isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kanyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.
KABIHASNANG GREEK Umunlad ang kabihasnang Greek sa dalawang yugto. Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Greek. Ang ikalawang yugto ay ang Panahon ng Hellenistic . Ang paghahalo ng kulturang Silangan at Kanluran ay nagbunga sa bagong kultura na tinawag na Hellenistic.
PANANAMPALATAYA
MGA DIYOS AT DIYOSA
Aphrodite – diyosa ng pag-
Hestia – diyosa ng Hearth
Hephaestus – diyos ng apoy, bakal at pagpapanday
Poseidon – diyos ng karagatan
Apollo – diyos ng araw
Ares – diyos ng digmaan
Athena – diyosa ng karunungan, digmaan at tagumpay
Hera - diyosa ng pag-
ESKULTURA Hangad ng mga eskultor ng Greece na lumikha ng mga pigura na ganap at esksakto ang hubog, ang mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit o pagtawa, tanging katiwasayan lamang. Ang pinakatanyag ay si Phidias.
PAGPIPINTA Ipinakita ng mga Greek ang kanilang kahusayan sa pagpipinta sa magaganda nilang palayok. Ang karaniwang disenyo nito ay pang-araw-araw na gawain tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumentong pangmusika, pagligo at iba pa.
PILOSOPIYA
Ang tatlong pinakamagaling na pilosopo ng
kabihasnang Greek ay sina Socrates, Plato, at Aristotle. Ayon kay Socrates, “The unexamined life is not worth living.” Si Plato ang nagsulat ng akdang The Republic, dito inilarawan niya ang isang ideyal na estado. Sa paniniwala niya, tanging mga pilosopo lamang ang maaaring maging matalino at magaling na pinuno. Pinag aralan naman ni Aristotle ang mga hayop, halaman, astronomiya at pisika.
PAGSULAT NG KASAYSAYAN Ang salitang history ay unang ginamit ni Herodotus nang sinulat niya noong 440 B.C.E ang History of the Persian Wars bilang isang ulat ng mga kaganapan sa digmaan ng Greece at Persia.. Si Herodotus ay kinilala bilang “Ama ng Kasaysayan.”
matematika Magaling ang mga Greek sa matematika. Pinaunlad ni Pythagoras ang prinsipyo ng geometry na taglay ang kanyang pangalan, ang Pythagorean Theorem.
Tinantiya ni Archimedes ang paraan ng pagsukat ng circumference ng isang bilog. Natuklasan din niya ang
Si Euclid ang kinilalang “Ama ng Geometry.”
Si Aristarchus ang nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot ito sa sarili niyang axis.
Nakagawa si Eratosthenes ng halos tumpak na tantiya ng circumference ng daigdig.
MEDISINA Itinatag ni Hippocrates ang isang paaralan
para sa pag-aaral ng medisina. Gumamit siya ng siyentipikong pamamaraan sa pagkilala at paggamot ng sakit. Ayon kay Hippocrates, ang bawat sakit ay may likas na sanhi. Ang kaalaman tungkol sa katawan ay pinaunlad nina Herophilus, “Ama ng Anatomy” at Erasistratus, ang “Ama ng Physiology.”
Inihanda nina: Jovel Crizia Taasan R-Em Galon Rosanie Benitez Lourivi Sumido Angelica Endoma Shayne Minasalbas