Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - Gamit ng Wika sa Internet at Social Media BY ANA MARIE M. DELOS REYES
Layunin Pagkatapos ng araling ito, dapat na: •nabibigyang kahulugan mo ang internet at social media ; •natutukoy mo ang iba’t ibang paggamit ng wika sa internet at social media ; at
•nakikilala mo ang mga katangian ng wika ng internet at social media. •Ano ang internet at social media?
•Ano-ano ang gamit ng wika sa internet at social media? •Ano-ano ang pangunahing katangian ng wika ng Internet at social media? Alamin ang mga sagot sa araling ito!
Gamit ng Wika sa Internet at Social Media Kasabay nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng komunikasyon ay ang pagbabago ng ugnayang pantao. Kasama sa pag-usad na ito ay ang bagong usbong na gamit ng wika para sa internet at social media.
Ang Internet at Social Media
•Ang internet ay network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na dumadaloy sa mga computer sa buong mundo upang makapag-ugnayan sa isa’t isa ang mga tao at makapagpalitan ng mga impormasyon. •Ang social media ay mga website at application na kailangan ng internet at computer o anumang gadget gaya ng tablet, cellphone, at iba pa. • Ang social media ang nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at makipagpalitan sa mga virtual community ng impormasyon, ideya, at mga interes sa pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video. Halimbawa: Facebook, Twitter, Instagram, LinkedIn, at Youtube
Ang Wika sa Internet at Social Media Maraming maaaring gawin sa internet at social media na makapagpapaunlad ng wika. Nakapagdodokumento ng mga alaala •Paglalagay ng mga litrato sa Facebook na may maiikling caption at naka-tag sa mga taong nasa larawan Nagtuturo ng mga bagong bagay •Panonood ng cooking show sa Youtube upang matutong magluto ng bagong putahe Naipakikilala ang sarili •Paglalagay ng mga mga credentials sa LinkedIn upang makita ng mga naghahanap ng empleyado
Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan •Sa tulong ng Facebook, nalalaman kung sino ang mga “friends” ng iyong mga kaibigan na maaari mo ring maging kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot sa icon na add friend Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig •Pagsusulat sa Facebook at Twitter ng mga opinyon ukol sa kung sino ang pinakadapat na maging pangulo ng bansa •Pagsusulat sa Twitter ng mga kuwento at tula na may habang 140 characters Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag •Paggamit ng mga acronym tulad ng lol (laugh out loud) •Paggamit ng emojis gaya ng smiley upang magpahayag ng damdamin
Katangian ng Wika ng Internet at Social Media Impormal at personal •Pinapaboran ang kaswal na wika sa mga video sa Youtube upang mas makahikayat ng mga manonood. Mas maikli •Sa Twitter ay maaaring magsulat ng hanggang sa 140 na characters lamang. Dinamiko o pabago-bago •Maraming sumusulpot na emojis na mayroong iba’t ibang kulay ayon sa kulay ng lahi ng gagamit nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipagchat sa Facebook, Messenger, gayundin sa mga post ng Facebook, Twitter at Instagram.
Mga Paalala •Sikaping mapanatili pa rin ang paggamit ng pormal na antas ng wikang gamit sa pormal na mga pag-uusap. •Maging matalino sa paggamit ng Internet at social media. •Hindi lahat ng mga mababasa at mapapanood sa Internet at social media ay totoo kaya iwasang magbigay ng agarang komento.
Mahahalagang Kaalaman
•Gamit ang internet at social media, nagkakaroon ng mga panibagong paraan ng pagpapahayag ang tao. • Nagkakaroon ng ugnayan ang mga magkakalayo.
• Nababalik-balikan ang mga naging usapan. •Naipahahayag ang paga o pagsang-ayon sa isang pahayag sa social media hindi lamang sa paraang pasulat gayundin sa pagbigay ng “like”, “heart”, “smile”, at iba pa, o kaya naman ay sa pag-“share” nito.
Question 1 Ano ang social media? 1Ito ay makinarya para sa pakikipag-ugnayan ng tao 2Ito ay kasangkapang teknolohikal 3Ito ay mga website at application 4Ito ay koneksyong dumadaloy sa mga computer Ang social media ay mga website at application na nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at makipagpalitan sa mga virtual community ng impormasyon, ideya, at mga interes sa pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video.
Question 2 Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng gamit ng wika sa Internet at social media? 1Nagtuturo ng mga bagong bagay 2Nakapag-aabot ng utos 3Nakapagdodokumento ng mga alaala 4Naipakikilala ang sarili
Maaaring maglaman ng may bahid pag-uutos ang kahit na anong post gaya ng larawan o anumang sulatin ngunit tandaan na hindi ito ang pangunahing gamit ng wika sa Internet at social media.
Question 3 Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng mga katangian ng wika sa internet at social media? 1Pormal 2Pabago-bago 3Maikli 4Personal Ang wika sa Internet lalo sa social media ay tila nakikipag-usap lamang, maikli, tiyak, at impormal.
Question 4 Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Pagkakaroon ng mga “meme” o mga litratong may caption na naglalarawan ng senaryo para sa taong nasa litrato. 1Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag 2Nagtuturo ng mga bagong bagay 3Nakapagdodokumento ng mga alaala 4Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan Ang mga katulad ng meme ay kasama sa mga pagbabagong dulot ng palitan ng impormasyon sa social media. Kung gayon, masasabing ang pagkakaroon ng mga meme ay paggamit ng wika upang makabuo ng mga bagong paraan ng pagpapahayag.
Question 5 Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Nagiging curator ang sinumang mahilig magpost ng mga litrato sa kanilang Instagram sa pamamagitan ng kanilang pagpili ng mga larawan para sa bawat temang nais nila at pagsulat ng mga angkop na caption. 1Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan 2Naipakikilala ang sarili 3Nagtuturo ng mga bagong bagay 4Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig Ang pagbabahagi ng mga kinuhang litrato ay paggamit ng wika ng Internet at social media upang makalikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa maging sa tagapakinig.
Question 6 Tukuyin kung anong gamit ng wika sa Internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Ginagamit ng mga internet s ang mga forums upang makakilala ng mga magkakatulad ng interes at doon ay makapag-usap. 1Nakapagdodokumento ng mga alaala 2Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan 3Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag 4Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig Ang pagsali sa mga forum ay daluyan ng paggamit ng wika upang makabuo at magpanatili ng mga ugnayan.
Question 7 Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Sa mga vines ay makahahanap ng mga video na nagbabahagi ng mga paraan kung paano magsagawa ng calligraphy.
1Nagtuturo ng mga bagong bagay 2Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan 3Naipakikilala ang sarili 4Nakapagdodokumento ng mga alaala Sa tulong ng social media, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na magpakita ng kanilang talento at ibahagi ito sa paraan ng pagtuturo kung kaya’t masasabing ito ay isang halimbawa ng paggamit ng wika ng social media upang matuto ng mga bagong bagay.
Question 8 Tukuyin kung alin ang pinakaakmang halimbawang senaryo para sa gamit ng wika sa internet at social media na nakapagdodokumento ng mga alaala. 1Nakikipag-usap ang iyong kapatid gamit ang messanger na pawang mga emoticons ang kaniyang ipinapadala sa kausap. 2Nanonood sa Youtube ang iyong ama ng kung paano linisin ang makina ng kotse. 3Hinahanap ng iyong ina sa facebook ang kaniyang kaklaseng matagal nang hindi nakakausap. 4Nais ipagmalaki ng iyong kapatid ang kaniyang pagkapasa sa bar exam. Ang pagpasa sa bar exam ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang umaasang maging abogado. Sa pagkakataong mangyari ito ay tiyak ang pagnanais na ipagmalaki ito gamit ang social mediaupang marami ang agad na makaalam. Ang sitwasyong ito ay paggamit ng social media sa pagdokumento ng alaala.
Question 9 Ang iyong kaibigan ay sumusubok ng isang uri ng anyo ng pagmensahe at ng iba’t ibang filter upang siya ay makapagpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pag-iibang-anyo ng kaniyang mukha. 1Dinamiko ang gamit ng wika sa Internet at social media 2May kinikilingan ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga mapang-api na paraan ng pagpapahayag 3Mahal ang paggamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga hindi makapagpahayag ng sariling saloobin 4Limitado ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga mapagpipilian lamang na mga paraan ng pagpapahayag Dahil ang wika sa Internet ay mula sa iba’t ibang antas ng karunungan, kultura, at teknolohiya, may mga katulad ng gayong pangyayari na nagpapayabong sa mga kalakaran ng social media. Patunay na ang wika ng Internet at social media ay dinamiko dahil sa mga nag-aambag ng karunungan.
Question 10 Nagpost ang iyong kaibigan sa kaniyang blog ng mga dahilan kung bakit ayaw niyang bumoto sa darating na eleksyon sa wikang Taglish. Nang hingan siya ng pagninilay-nilay na papel ng inyong guro tungkol sa kaniyang tindig sa isyu ng pagboto, ipinasa niya ang kaniyang sinulat sa kaniyang blog. Ibinalik ng inyong guro ang kaniyang papel at hiningi sa kaniyang isulat muli. Mula sa sitwasyon, ano ang maaaring dahilan kung bakit hindi tinanggap ang kaniyang blog post? 1Kung hinihingi ng guro na may mga panang datos ang mga pahayag ay hindi tatanggapin ang blog post 2Para sa isang sulatin ang hinihingi ng guro kaya hindi puwede ang blog post 3Ang wika sa Internet at social media ay nasa kaswal o kaya ay impormal na antas ng wikang gamit 4Hinihingi ng guro na may kaayusan ang pagkakasulat kaya kailangan ng muling pagsulatAng
Ang wika ng social media ay tuwirang impormal na tila kaswal lamang na pakikipag-usap ang nagaganap kapag iyong binabasa. Maaari namang maging pormal kung may kahilingang pormalidad.