TINIG
IKA-35 NA TAONG PAGKAKATATAG
Sa bawat establisyimentong naitatayo, kailangan ng matatag na pundasyon upang ito'y tumagal nang matayog at matagumpay. Ngunit ano nga ba ang tunay na pundasyon? Pundasyon na gawa sa semento't mga bato? o Pundasyong panghababangbuhay na magpapanatili sa pagkabuhay nito tulad ng mga tao? Noong ika-15 at ika-16 ng Hulyo, dumalo tayo sa ika-35 na pagdiriwang ng pagkatayo ng ating paaralan, Flos Carmeli Institution of Quezon City. Unang tumambad sa atin ang mga naglalakihang mga bulaklak na pinagtulungang ayusin ng mga mag-aaral. Karamihan doon ay mga banyagang bulaklak na malimit o kadalasa'y 'di nakikita sa ating bansa. Naipapakita sa bawat bulaklak na iyon kung gaano kasining ang mga mag-aaral ng nabanggit na paaralan. Matapos ang paradang nagbigay sa lahat ng estudyante ng pagkakataong makalabas sa paaralan nang sama-sama, nagkaroon ng misa sa loob ng ating eskwelahan na pinamunuan ni Fr. Daniel Allan Samonte. Higit na na-engganyo sa misa ang lahat nang siya'y nagbigay ng pangaral. Kanyang binigyang-diin ang ating pagiging maswerte dahil kung iku-
BUWAN NG WIKA
Ang wika ay tulay sa pagkakaunawaan ng bawat tao, kahit iba-iba man ang lengguwahe na ginagamit ng mga tao, iyon ay nagpapatunay lang ng pagkakaroon ng sari-sarili nilang kultura. “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal, Talagang Kailangan.” Iyan ang tema ng pinagdiwang natin noong ika-16, 17, 18 at 20 ng Agosto. Ibig nitong iparating na kung hindi natin mamahalin at pangangalagaan ang wika at kalikasan, wala na tayong magandang maibabahagi sa mga kabataan sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Nung Lunes (Ika-16 ng Agosto, 2010), natunghayan natin ang pagbabasa ng mga lumahok sa palatuntunan na masining na pagbasa. Bagamat pare-pareho sila ng piyesa na binasa sa harap ng mga hurado’t mga manonood, nakakitaan pa rin sila ng iba’t iba istilo’t kahusayan. Noong sumunod na araw, na-
Ang pambungad na pagsasalita ng punong-guro sa pagsisimula ng pagtatanghal ng mga mag-aaral kumpara sa mga kabataang naglalakad ng kilo-kilometro para lang makapasok sa paaralan; sa mga batang nais mag-aral ngunit walang pang-matrikula; sa mga hindi nakakapasok dahil hinang-hina't sakitin dahil sa kasalatan ng makakain; talagang kami'y lubos na namumuhay na sa ginhawa. Sa pag-aaral natin nang mabuti, nagagawa nating maibalik ang utang na loob natin sa mga sumosoporta sa atin lalo na sa ating mga magulang na nagsisikap para sa atin. Hindi pa doon nagtatapos ang
unang araw. Sinimulan ang panghapong programa sa pagpapakita ng kalistuhan at katalinuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang quiz bee na tungkol sa Our Lady of Mount Carmel. Sa bandang huli, matagumpay na naipanalo iyon ni Jovis Malasan na nasa ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Ilang sandali lamang, inumpisahan na rin ang patimpalak sa paghahanap ng "Talentadong Carmelian" na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa preparatorya hanggang sa secondarya. Sina G. Bernard (Papapatuloy sa p. 3)
pakinggan natin ang mga awiting may tatak Pilipino ngunit hindi lamang sa wikang Tagalog nabuo. Halimbawa na lang ang mga awiting Malinac Lay Labi(Pangasinan), Lawiswis Kawayan(Waray), Atin Cu Pung Singsing(Kapampangan), Manang Biday(Ilokano), Ohoy Alingbangbang(Ilonggo), Dandansoy(Bisaya), at Sarung Banggi(Bikol). Dahil sa husay ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa elementarya, sila ang nanalo sa patimpalak na ito. Hindi lang pag-awit ang inihanda ng mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng linggo ng wika. Nung ika-18 ng Agosto, nagkaroon ng pasayaw na interpretasyon na inihandog sa mga nanood para maipakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wika’t kalikasan sa atin. Mas binigyang kabuluhan pa ng palatuntunang ito ang tema ng selebrasyong ito dahil sa pinakitang emosyon ng ilan at debosyon sa pagtatanghal para sa mga magiliw na tagapanood. Bagamat nauntala ang pagdiriwang sa sumunod na araw dahil (Papapatuloy sa p. 4)
THE FLAVORS OF
1
CAREER
ORIENTATION
Ang oras ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may malaking porsiyento sa araw-araw na pamumuhay nila. Sa paaralan, nagkakaroon sila ng pagkakataong matuto, magabayan at madisiplina nang tama. Ang pag-aaral ng mga magaaral ay naapektuhan ng pagtuturo ng mga guro sa loob ng apat na sulok na silid sa paaralan kaya mahalaga na makapili nang maayos ang mga mag-aaral, kung saang unibersidad o kolehiyo ang inyong pag-aaralan sa hinaharap. Noong ika-21 ng Hulyo, nagkaroon ng taunang Career Orientation sa ating paaralan, kung saan pumunta ang mga representatib ng iba’t ibang eskuwelahan at mga unibersidad upang manghikayat at ipakilala ang kani-kanilang mga pasilidad at mga kurso na inihahandog ng kanilang paaralan para sa mga estudyante na magkokolehiyo na. Ang unang eskuwelahan na naglahad ng kanilang AVP, na nagpapakita kung anu-ano ang mga iniaalok nilang mga programa at kurso, ay ang iAcademy na isang ICT na paaralan. Ang sumunod na nagpakilala ay ang mga taga-Uni(Papapatuloy sa p. 4)
palatuntunang iyon na pinamagatang “The Flavors of Treston”, ay may layuning manghikayat ng mga posibleng mag-aaral na maaring Noong ika-16 ng Setyembre, mag-enroll sa kanilang paaralan. Dalawang sasakyan ang ipinagkaroon ng promosyonal na pronadala ng Treston Internationgrama ang Treston International College sa “Market! Market!”. Sa ka- al College para kami’y sunduin, tunayan, inanyayahan nila ang mga kasama ang dati naming Guidance mag-aaral sa ika-apat na antas na Counselor na si Gng. Lumanog. magtungo roon at makisali sa pala- Tumagal ng humigit kumulang na tuntunang kanilang inihanda. Ang tatlong oras ang biyahe namin papunta roon pero bakas pa rin sa amin ang kagalakan dahil kami lang ang tanging inimbitahan at sinundo ng Treston para dumalo roon. Nagsimula ang programa sa pagpapakilala ng kanilang paaralan sa mga manunuod. Ang Treston International College ay isa sa mga unang paaralan sa Pilipinas na buEntablado ng pinag-ganapan ng programa mibihasa sa Hospitality Management, Culinary, ng Treston International College Business Management and Computer Studies. (Papapatuloy sa p. 4)
TRESTON
2
BOOK WEEK
TINIG
BSP AT GSP SA FLOS CARMELI
Ayon kay Jeremy Collier, ang mga libro ay sumumosoporta sa atin sa ating pagiging mag-isa at tinutulungan tayo nito na hindi mabaon sa ating sariling mga problema. Wari’y nakikipag-usap ang mga aklat sa pamamagitan ng mga sulat sa bawat pahina nila. Maaaring ito’y maging mabisa sa mambabasa lamang, o sa takapakinig lamang o sa kahit kanino man dahil ang mga libro ay hindi namimili. Mahalaga rin ang mga libro dahil hindi lamang nila pinapaunlad ang imahinasyon ng mga kabataan, gayun din ang mga matatanda. Kaya ang Scholastic Inc., dala ang mga libro na kanilang pinagbibili ay nagpunta sa aming paaralan. Hangarin nilang mahikayat ang mga mag-aaral na linangin sila sa pagbabasa ng mga libro. Sa pagtatapos ng isang linggo nilang pamamalagi doon, mahigit 50 na libro ang napagbili at ang karamihan ay binili ng mga mag-aaral sa ikaw-5 na baitang sa elementarya. Nagpaalam ang Scholastic Inc. sa pamamagitan ng isang palatuntunan noong hapon ng ika-24 ng Setyembre.
Sa ilalim ng Philippine Commonwealth Act No. 111, naitatag ang Kapatirang Scout ng Pilipinas o Boy Scouts of the Philippines. Ito ay isang asosasyon ng mga batang lalaki sa Pilipinas na may misyong ipaalam sa kabataan at maging sa mga matatanda ang pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa Pilipino. Ngunit hindi lamang kalalakihan ang may pagkakataong sumapi sa kapatiran na tulad niyon. Maging
DULA: ANG GURO
LAKBAYARAL
Noong ika-15 ng Oktubre, humigit-kumulang na walumpung estudyante ang sumama sa panunuod ng isang pagtatanghal sa entablado ng mga aktres at mga aktor. Ang pagtatanghal na iyon ay isang dulang pinamagatang “Ang Guro” na isinulat ni Paul M. Ballado. Ayon kay G. Ballado, isinulat niya ang dulang iyon upang mabigyan ng pagkilala ang dakilang guro niya noong siya’y nasa unang baitang pa lamang, si Gng. Resontoc. Ibig rin niyang maging inspirasyon ang dulang iyon para sa mga guro, estudyante at mga magulang. Ang dulang iyon ay patungkol sa isang guro na nagngangalang Amelia, na taos-pusong binibigay ang lahat bilang isang guro. Sa kabila ng kanyang sariling karamdaman, namayani pa rin sa kanyang puso ang pagmamahal niya sa kanyang mga naging estudyante. Dahil rin sa kanyang pagiging mabuting guro, minahal siya ng lubusan ng kanyang mga naging estudyante. Makikita sa dulang iyon ang iba’t ibang uri ng guro. May guro na ginagawang tindahan ang loob ng silid; may guro na nais lamang magpaganda, may guro ring iba ang kasarian sa lalaki o babae, at mayroon ding guro na tanging kasungitan lamang ang pinapakita. Higit sa lahat, ang kanilang mga pinapakitang pag-uugali ay hindi isang magandang ehemplo sa kanilang mga estudyante. Lalo na sa mga mag-aaral na sina Yul, Faye, Clair, Klein, at Myra na may mga sari-sariling problemang kinahaharap.
ang kababaihan ay maaaring lumahok sa samahang naitatag sa ilalim ng Commonwealth Act No. 542, na kung tawagin ay Girl Scouts of the Philippines. Sa unang pagkakataon ngayong dekada, nanghikayat ang aming paaralan ng mga mag-aaral mula sa ika-apat na baitang sa elementarya hanggang sa ikalawang antas sa sekondarya ng mga potensyal na scouts. Ang bilang ng mga
scouts mula sa FCI na nairehistro ay ___. Sila ay sinasanay na maging handa sa mga bagay na maaring dumating sa kanilang buhay at hinuhubog din sila para maging isang ihemplo sa ibang estudyante. Sila ay dinidisiplina sa isip at gawa sa tulong ng mga scout leader na nagsisilbing huwaran sa mga estudyante. Noong ika-12 at ika-13 ng Nobyembre, nagkaroon ng overnight indoor camping ang mga scouts. Ang kanilang pamamalagi sa paaralan ng buong araw ay nagpatibay pang higit sa kanilang kooperasyon, disiplina, at pagkakawanggawa. Karanasan ang pinakaimportante sa kanilang Investiture. Ang karanasan nilang pagluluto sa katutubong paraan at paglalaro ng mga larong nagbubuklod pa lalo sa mga scouts, ang nagturo sa scouts ng mga leksyong hindi nila maiiwan kahit saan pa sila tumungo. Sabi nga sa isang salawikain, Ang karanasan ang pinakamagaling na guro. Sa pagsapi sa asosasyon ng mga scouts, sila ay nagiging mas mapanalig sa Diyos, mas masunurin at mas nahuhubog ang kanilang kagandahang asal na dala-dala nila kahit saan pa man sila magpunta.
paaralan sa paglalakbay na iyon. Sa katunayan, nagkaroon kami ng iba’t ibang pagkakataon sa paglalakbay na iyon, kung saan lahat kami ay may kagalakang sumali. Sa una naming destinasyon, nakita namin ang kagandahan ng tanawin sa tuktok ng mga bundok sa Tarlac. Kahit na naging matagal ang biyahe patungo roon, may magandang naibunga rin iyon dahil sa pagpunta namin doon, natunghayan at naranasan namin kung paano ginaganap ang misa sa Monasteryo de Tarlac. Bagamat malapit na magpaalam ang araw, nagpatuloy pa kami sa ikalawa naming destinasiyon: Ang Zoobic Safari. Napakaraming atraksyon ang aming nakita sa paglilibot namin sa lugar na iyon. Hindi lang iyon basta-bastang zoo kung saan puro hayop lamang ang aming nakikita.
Nakakita kami ng mga tigre nang malapitan, ng mga aeta na nagsasayaw sa sarili nilang tugtugin, ng mga artipiko’t mga buto ng mga yumaong mga hayop, at marami pang iba! Bago kami umuwi’y huminto muna kami sa Royal Duty Free upang mag-last-minute-shopping. Sa buong araw naming paglalakbay, mas nakita namin ang nakakamanghang mga atraksyon na matatagpuan sa ating bansa. Naging malaking tulong ang lakbayaral na iyon upang mas makilala pa namin ang heograpiya ng bansa at ang turismo ng bansa. Bilang konklusyon, ang lakbay-aral nitong taon ay naging matagumpay sa pagpupunla ng kaalaman at kaaliwan sa mga mag-aaral na magbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na magbahagi tungkol sa karanasan nila.
Linya ng mga Boy at Girl Scouts of the Philippines ng FCI sa loob ng paaralan
Ang edukasyon ay hindi lamang nakukuha sa loob ng apat na sulok na silid sa paaralan kun’di pati rin sa labas ng paaralan. Para mas maging malawak ang kaalaman ng mga mag-aaral, minsan sa isang taon, binibigyan nila ang mga mag-aaral ng pagkakatataong maglakbay sa iba’t ibang tanawin at lugar upang maging mas kaigaigaya ang kanilang pag-aaral. Noong ika-1 ng Oktubre, karamihan ng mga mag-aaral sa Flos Carmeli Institution of Quezon City ay sumama sa isang lakbayaral. Sama-samang naglibang at natuto ang mga mag-aaral, guro at iba pang mga tagapangasiwa ng
CHRISTMAS PARTY Noong ika-17 ng Disyembre, ating ipinagdiwang ang papalapit na kapaskuhan o kapanganakan ni Hesus. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng isang misa. Ilang minuto matapos ang misa, nagsimula na ang palatuntunang pinamunuan ni G. Gregorio Ebron Jr. Ang mga mag-aaral ng ating paaralan mula sa elementarya hanggang sa sekondarya ay nagpakita ng iba’t ibang presentasyon , kung saan ang bawat presentasyon ay kakikitaan ng pagpapahalaga sa pasko. Upang maging mas masaya ang pagdiriwang, ang mascot na si Jollibee ay nagtungo’t nagbigay
Pagbisita ni Jollibee sa paaralan upang magbigay-aliw sa kabataan
aliw sa mga mag-aaral, lalo na sa mga estudyante sa elementarya. Ang ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay ginanap sa kanya-kanyang silid ng mga mag-aaral. May sarisariling paraan ng pagdiriwang ang bawat klase. Hindi nawala ang paglalaro, kainan, katuwaan at
pagpapalitan ng mga regalo. Ang pagdiriwang na iyon ang nagmarka ng simula ng bakasyon upang maidiwang ng lahat ang kaarawan ni Hesus kasama ang kanilang mga pamilya’t mahal sa buhay.
TINIG
COMMUNITY SERVICE
Paglilinis ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas sa pamamagitan ng pagwawalis Sa kolehiyo, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng NSTP. Habang nasa hayskul pa lamang, pinaparanas na sa ilang estudyante ang ilan sa mga ginagawa sa NSTP, tulad ng paglilinis, pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan, pagkakawang-gawa at iba pa. Iyon ay nagsisilbing preparasyon para sa mga estudyante, lalo na sa mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng mataas na paaralan
dahil sila ay malapit na magkolehiyo. Ang preparasyon na iyon ay tinatawag na Community Service. Tuwing Sabado, nagtitipon ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng mataas na paaralan upang gampanan nila ang tungkulin nilang maglinis ng paaralan. Ang paglilinis na iyon ay sumusukat sa sipag ng mga estudyante, sa pagtitiis nila sa arawan, at sa pagiging makakalikasan nila.
INTRAMURALS 2011 ng mga piling representatibo mula sa bawat grupo ang kanilang mga bandila at bago opisyal na simulan ang mga larong lalahukan ng mga mag-aaral, pinakita muna ng ilang guro ang paglalaro ng volleyball at kickball sa pamamagitan ng Exhibition Game. N a g ing masaya ang unang mga araw, at noong ika28 ng Enero, ang huling araw ng Intramurals, nagpakitang gilas na ang mga magaaral sa Elementarya sa Paglalaro ng mga guro ng volleyball pamamagitan ng ballroom dancing. Ang mga mag-aaral namga mag-aaral ay ang paglalaro o man sa Sekondarya na nahahati sa paglilibang. Pagsapit ng Enero, kaapat na grupo ay may kanya-kanda-taon, inaabangan ng mga magaaral ang isang linggong pahinga yang pagtanghal rin ng cheerdance. Bago matapos ang araw, nawakasan sa pag-aaral at pagtutunggalian sa na ang paghihintay at nasuklian na larangan ng isports. ang pagpapagod ng bawat kupuAng linggong iyon, o ang Intranan. Naging mahigpit ang labanan murals, ay nilaan para makapaglangunit naging kasabik-sabik ang rero ang bawat mag-aaral habang nasulta. Masigabong palakpakan ang kikipagtunggali sa ibang mag-aaral pinakawalan ng lahat. Binigyan na mula sa ibang grupo. Ang layunin ng parangal ang mga nanalong inng Intramurals ay linangin ang dibidwal at inanunsyo na ang nanakahusayan ng bawat mag-aaral sa lo sa paramihan ng puntos. Ang iba’t ibang laro; ang pagtutulungan nanalo sa Elementarya ay ang Blue ng bawat miyembro sa isang grupo; Lycans, sa Sekondarya naman, ang ang patas na paglalaro ng isa’t isa; nanalo ay ang Blue Barracudas. at ang pagiging positibo sa likod ng Sa buong linggo, nabuo ang mga pagkatalo. mabuting samahan sa bawat miBilang takda ng pagsisimula yembro ng mga grupo. Bagamat ng Intramurals, lumahok ang mga may ilang araw kung saan ang mag-aaral, at mga guro sa parada. panaho’y naging sagabal, hindi iyon Dala-dala ang bandila ng bawat namagitan sa kagustuhang manalo grupo, sama-samang naglakad ng bawat kupunan. ang lahat. Pagtapos noon, itinaas Maraming tungkulin ang isang mag-aaral, maraming proyekto ang kailangang gawin, mga pagsusulit na dapat paghandaan ngunit hindi lamang sa pag-aaral umiikot ang mundo ng isang mag-aaral. Isa pa sa mga dapat bigyang-panahon ng
3
ARAW NG MGA GURO
Ang mga guro ay nagsisilbing pangalawang magulang nating mga estudyante. Sila ay masikap na nagtatrabaho ng mabuti upang tayo’y matuto, bumuti, at maging disiplinado, kaya ating ginugunita ang kanilang kahalagahan. Tuwing ika-5 ng Oktubre, pinagdiriwang natin ang pandaigdigang paggunita sa kadakilaan at propesyonalismo ng mga guro. Lumipas ang araw na iyon ng walang kahit anong programa sa ating paaralan kaya bumawi kaming mga estudyante at naghandog ng isang maliit na pagdaraos noong ika-8 ng Oktubre. Sa bawat baitang, may inihanda silang presentasyon para sa kanilang guro. Ang iba ay nag-alay ng, ang iba’y kumanta’t humimig na nagpaiyak sa ilang guro, at ang iba nama’y sumayaw. Naipapakita lang doon na malaki ang pagpapahalaga naming mga estudyante sa mga gurong gumagabay at humuhubog sa aming katauhan, hindi lang sa pamamagitan ng mga aklat at mga babasahin, kundi sa sarili nilang mga pamamaraan.
PAGMIMISA
Dinala ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Kasama ng impluwensya nilang relihiyon ang kaugaliang pagmimisa. Ito ay isang banal na ritwal kung saan binubuksan natin ang ating puso’t isipan sa Panginoon. Ito rin ay tinatawag na banal na Eukaristiya kung saan tinatanggap natin si Hesus sa kaanyuan ng banal na tinapay at alak. Bilang isang paaralan na katoliko, ang pagdiriwang ng misa ay isang kasanayan na at ito’y kadalasang idinaraos tuwing unang biyernes ng buwan. Ito’y ginaganap sa loob rin mismo ng paaralan at ang mga paring namumuno sa misa ay galing pa sa ibang parokya o simbahan. Ang mga awiting banal ay pinamumunuang kantahin ng mga magaaral sa ika-limang baitang. Ang mga kagamitan naman sa misa ay inihahanda’t inaayos ng mga guro. Bahagi rin ng misa ang pagbibigay ng alay-kapwa, kaya ang mga misang nagaganap sa paaralan ay nasisilbing daan sa pagkakawanggawa ng mga mag-aaral. Dahil sa karunungan at kabutihang-asal na natututunan sa misa, ito ay nagiging mahalagang bahagi ng buhay ng mga mag-aaral.
IKA-35... Flores, Gng. Annie Santiago, Gng. Lizarine Lumanog at si Bb. Cherry Go ang mga hurado na sumuri sa mga talento ng bawat mag-aaral; hindi lamang sa Talentadong Carmelian, pati na rin sa sabayang pagsasayaw. Sa unang bahagi ng patimpalak sa paghahanap ng Talentadong Carmelian, naglaban-laban ang mga kalahok sa elementarya at nanalo ang pambato ng ika-6 na baitang dahil sa kanilang kagiliw-giliw na pagsayaw. Bagamat lima lamang ang nagtunggali sa ikalawang bahagi na nilahukan ng mga mag-aaral sa hayskul, nakakitaan pa rin sila ng galing lalo na sa larangan ng musika. Ikinatuwa naman ng mga estudyante sa ika-apat na taon sa sekondarya ang pagka-
sihan natin ang iba't ibang sayaw na pinaghandaang mabuti ng mga estudyante sa bawat antas. Hindi pa nagtatapos sa pagtatanghal ng mga mag-aaral sa hayskul ang programa dahil hindi magpapatalo ang mga nasa mas mababang departamento. Sa pagtatapos ng selebrasyon ng pagkapundar ng ating paaralan, nakamit ng Grade 5 ang tropeyo na sumisimbolo sa pagkapanalo nila laban sa ibang baitang sa departamiyento ng elementarya. Samantala, nagwagi naman ang mga Fourth Year laban sa ibang taon sa sekondarya sa patimpalak na pagsasayaw, ang Mardi Gras. Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang selebrasyon ng Foundation Day ng
Pagtitipon-tipon ng mga mag-aaral sa quadrangle bago magsimula ang parada panalo ng kanilang mga kaklase at sa pagwawagi nila ng tropeyo dahil sa kanilang pagpapakitang-gilas sa pagtugtog ng sari-saring mga instrumento. Noong ikalawang araw, nasak-
Flos Carmeli Institution of Quezon City dahil hindi lamang nagtanghal ang mga mag-aaral dahil kailangan nila, ngunit nagtanghal sila para maipakita kung gaano katatag na ang institution na ito ngayon.
4
TINIG
TINIG
5
TINIG
6
CAREER...
versity of the East. Sa unibersidad na nabanggit nagtapos sina Noli de Castro, Alfredo Lim, Carlos Romulo, Ferdinand Marcos, at marami pang iba. Maliban sa payak na panghihikayat nila sa amin, namigay din sila ng mga souvenir at mga tatak-UE na mga aksesorya. Ang ikatlo sa mga unibersidad/kolehiyo na nagpakilala ay ang FEU East Asia, na dating kilala bilang East Asia College of Information Technology. Ang CIIT o Cosmopoint International Institute of Technology, na pang-apat na nagpakilala sa amin, ay bagong tayo pa lamang sa Pilipinas kaya masugid kaming hinikayat na subukan ang pag-aaral doon. Sa pamamagitan ng isang PowerPoint Presentation, pinakilala naman ng representatib ng Informatics ang paaralan. Ang ika-anim ay ang Treston International College na matatagpuan sa Taguig City kung saan ang kanilang espesyalisasyon ay HRM o Hotel Restaurant Management, Culinary at Computer Studies. Ang ika-pito naman ay ang Our Lady of Fatima University o OLFU na mayroon ding tatlong kampus; isa sa Valenzuela, Quezon City at sa Antipolo. Kilala ang OLFU sa pagiging isa sa mga
paaralan na ang pokus ay sa medical na larangan, tulad ng Nursing, Physical Therapy, Occupational Therapy, Medicine at iba pa. Ang sumunod na nanghikayat ang representatibo ng Colegio de San Juan de Letran na isang priba-
Pagpapakilalang mga pasilidad, mga kurso at iba pa ng mga kolehiyong paaralan dong paaralang matatagpuan sa loob ng Intamuros, Maynila. Nagaalok ito ng mga kursong BA Political Science, BA Journalism, BS ancy, BS Biology at marami pang iba. Ang ika-siyam ay ang Lyceum of the Philippines University
THE FLAVORS...
Pinatunayan ito sa mga litratong pinakita sa amin, sa mga kasaysayan ng pagkatayo niyon at sa pagpapakilala ng mga tao na may malaking kaugnayan sa paaralan. Isa na roon si Chef Gerhard Baur. Nagpasigla sa palatuntunan ang pagsisimula ng isang patimpalak sa pagbibigay- sining sa isang sponge cake. Mula sa mga tagapanood, namili ng pitong kalahok at napabilang doon sina Jovis Malasan at Carmela Terrado na mula sa ating paaralan. Nagbigay karangalan sila dahil sa pagkapanalo nila sa patimpalak na iyon. Maliban sa mga palakpak at pagbati, binigyan din sila ng mga premyo. Nagpakitang-gilas ang mga chef sa palatuntunang iyon sa pamamagitan ng pagluluto pa ng iba’t ibang lutuin. Nagkaroon
din ng partisipasyon ang mga bata, kasama ang kanilang mga magulang. Sila’y pinagdisenyo ng mga cookie ayon sa kanilang gustong anyo. Sa gitna ng mga palatuntunan, nagbigay-aliw ang mga magaaral sa TIC sa paraang pagtugtog at pagkanta. Bagamat nagpatuloy pa ang palatuntunan, umalis na kami’t binisita ang mismong paaralan nila. Iyon ay may magandang estruktura at mga makabagong pasilidad. Nilibot kami sa loob ng mga silid-aralan, mga silid na wari’y isang kuwarto sa mga hotel, at kung saan-saan pa. Matapos ang aming paglilibot, in-oryent muli kami tungkol sa scholarship, tuition fee, at iba pa. Bago pa gumabi, inihatid na kami pabalik sa aming paaralan at umuwi na sa aming sari-sariling bahay.
OKTUBRE:
BUWAN NG ROSARYO Isang tradisyon na sa mga katoliko ang pagrorosaryo. Kadalasang nagrorosaryo ang mga Pilipino pagsapit ng alas-sais ng gabi. Tuwing Oktubre naman, buwan ng pagrorosaryo, ang lahat ng mga mag-aaral sa ating paaralan ay sama-samang nagdarasal tuwing umaga. Ang araw-araw na samasamang pagdarasal na iyon ay pinamumunuan kadalasan ng mga mag-aaral na nakatakdang mamuno ng dasal Ang pagdadasal ng rosaryo ay
na naitatag ng dating president na si Jose P. Laurel. Sila ay nag-aalok ng mga kursong BS Nursing, Engineering, BA Psychology, AB Philippine Studies, BS Information Technology at marami pang iba. Ang ika-sampung paaralang
binubuo ng iba’t ibang panalaging tulad ng Sumasampalataya Ako, Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at mga litanya. Karaniwang instrumentong ginagamit sa pagdadasal ay isang rosaryo na nahahati sa limang misteryo. Sinasabi na ang pagdarasal ng rosaryo ay magiging landas sa pagkaligtas, proteksyon sa panganib, pagiging banal, at iba pa. Ang pagrorosaryo sa paaralan ay isa sa mga paraan ng paaralan upang matuto ang bawat isa sa pagdarasal at mabuting asal.
dumating ay ang MAPUA na isang pribadong eskuwelahan, na mayroong tatlong campus na matatagpuan sa Intramuros, Maynila at sa Makati. Ilan sa mga kursong pinakilala nila ay Interior Design, Architecture, Engineering, BS Psychol-
VARSITY
ogy at iba pa. Ang sumunod ay ang tanyag na UST o Unibersidad ng Santo Tomas. Ito’y tinatawag din na The Pontifical and Royal University of Santo Tomas, at The Catholic University of the Philippines. Ito rin ang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na naitatag noong ika-28 ng Abril 1611. Marami silang inihahandog na mga kurso at programa tulad ng BS Biology, BS Pharmacy, BS Engineering, Fine Arts, Tourism, HRM, Commerce at marami pang iba. Ang pinakahuli naman ay ang C o kilala bilang Central Colleges of the Philippines na matatagpuan sa Quezon City. Sila’y nag-aalok ng mga kursong BS ancy, Architecture, Arts and Sciences, BS Education, Engineering at marami pang iba. Ang Edukasyon ang sandigan ng bawat tao upang unti-unting makamit ang kanyang mga pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Laking pasasalamat namin sa mga taong nakilahok sa taunang oryentasyon na ito dahil sa tulong nila, nagkaroon kami ng ideya at iba’t ibang pagpipilian para sa aming kinabukasan.
Ang isa pang varsity na pinangangasiwaan din sa FCI ay para sa mga manlalaro ng volleyball sa elementarya. Sila ay binubuo ng mga babaeng may potensyal sa paglalaro. Nakipaglaban na rin sila sa ibang paaralan, tulad ng Poveda, Sienna, SSA, St. Joseph, at JCSGO. Sa mga laro ng mga varsity, nabubuo ang kanilang teamwork, napapatibay ang kanilang kamaraderyo, nagiging mas kompetitibo ang bawat miyembro at natututo sila sa bawat pagkatalo.
Ang isang “Varsity” ay pangunahing koponan ng mga manlalaro na pambato o panlaban ng isang paaralan sa mga paligsahan. Ang mga kasapi sa varsity ay may pisikal na kakayahan at potensyal sa paglalaro. Sa ating paaralan, may dalawang koponan ang nabuo, ngunit sa magkaibang larangan. Mayroong varsity para sa mga manlalaro ng basketball sa departamento ng hayskul sa FCI. Sila ay binubuo ng labinlimang lalaking manlalaro. Lumahok ang kanilang koponan sa QCAA kung saan, nakalaban nila ang mga paaralang St. Joseph, The Seed Montessori, Sienna College, U, NCBA, JCSGO, at Jubilee Christian Academy. Madalas idaos ang kanilang mga laro sa Tivoli Royale, NCBA Kalagitnaaan ng laro ng FCI Basketball Varsity o Sienna College.
BUWAN... inanunsyo ito bilang isang holiday, pinagpatuloy pa rin ang pagdiriwang nung ika-20 ng Agosto. Ipinakilala at nagpakitang husay ang mga kalahok ng Lakan at Lakambini para sa taong ito. Habang isa-isang naglalakad para magpakilala ang mga kalahok, sila’y makakikitaan talaga ng kumpiyansa sa sarili, hinhin, ganda at ang kanilang sari-sariling tatak bilang pilipino. Matapos ang patimpalak, agad na ginawaran ang mga kalahok na nagwagi. Upang ipagpatuloy ang paggunita sa okasyon, naglaro ang
mga mag-aaral ng mga samu’t saring larong Pinoy tulad ng sipa, patintero, at iba pa. Nagtapos ang pagdiriwang nang payapa. Naging makabuluhan ang araw na iyon dahil ito’y naging isang daan upang mapaalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng wika at ang mga tungkulin natin upang mapanatili’t mapangalagaan ang wikang gamit natin mula pa noon.
TINIG
MENSAHE MULA SA EDITOR Ang pagpapahayag ay hindi lamang napaparating sa verbal na pag-uusap bagkus sa masining rin na pagsulat. sa pamamagitan nito, nailalabas ang mga saloobin, napauunlad ang pagbasa ng mga mambabasa at naipapahayag ang tinig ng mga manunulat. Ang dyaryong ito ay may layunin na ilahad ang tinig ukol sa mga pangyayari sa ating paaralan at iba’t iba pang mga okasyong idinulog sa ating paaralan tulad ng Foundation Day, Buwan ng Wika, United Nations Day, Teacher’s day, Book Week, at iba pa. Sa pagsulat kong ito, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga mambabasa lalo na ang aking mga kapwa mag-aaral. Sana maging mahalagang bahagi ng inyong mga buhay ang bawat pangyayari sa ating paaralan. Sa pagtapak namin sa kolehiyo, ang lahat ng iyon ay magiging isang
matamis na alaala na lamang na hindi na namin mababalikan. Kung kaya ngayon, pagyamanin niyo na ang bawat saglit niyo na magkakasama dahil may panahon pa kayo. Sa isang taon, o sa mga susunod na taon, hindi na sila at tanging sila ang mga taong makakahalubilo mo. Bilang ate ninyo na ngayo’y may buong pagmamalaking magtatapos na sa hayskul, nais kong mag-iwan ng mensahe para sa inyo: Kahit gaano kahirap ng mga problema niyo o ang pagaaral niyo sa FCI, may tatlo kayong sanggunian: ang Diyos, ang Pamilya ninyo, at ang mga kaibigan na nakilala at naging mahalaga sa’yo. - Jovis Malasan
BB. JESSILYN D. RANGES
Si Bb. Jessilyn Ranges ay nagtapos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City sa kursong BS Secondary Education Major in Filipino. Siya ay may limang taong karanasan sa pagtuturo. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Flos Carmeli Institution of Quezon City bilang isang guro sa Filipino sa mga hayskul (mula sa unang antas hanggang sa ika-apat na antas)at Sibika sa mga elementarya. Kasalukuyan rin naman niyang ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa National Teachers College kung saan siya ay kumukuha ng Masteral Degree: MA in Filipino.
7
DYARYO-IN-THEMAKING
Noong buwan ng Hulyo kung kailan naganap ang pagdiriwang ng Foundation Day, at ang Career Orientation para sa mga mag-aaral sa ika-apat na antas, nagsimula na kami sa pagsusulat ng mga artikulo para sa dyaryo na ito. Noong nakaraang taon, naatasan na rin kaming gumawa ng isang maliit na dyaryo kung saan napapaloob ang lahat ng nangyari sa aming lakbay-aral. Ngayong taon, mas pinalawak ang saklaw ng dyaryo na ito dahil napapaloob dito sa aming ginawa ang mga pangyayari sa aming paaralan at ang mga kasapian ng mga mag-aaral bilang manlalaro at scouts ng Pilipinas. Ang mga litratong ginamit rito ay mula sa ritratista ng FCI: si G. Boca. Ang bawat larawan ay magpapakita ng tagpuan o itsura ng inilalarawang okasyon o pangyayari. Mapapansin na
sa bawat larawan, naipapakita ang partisipasyon ng mga magaaral. Sa pagsulat ng dyaryong ito, naging layunin namin ang pagpapahayag ng mga pangunahing pangyayari sa ating paaralan. Naging mahirap ang pagbuo ng dyaryong ito dahil maraming problema ang pinagdaanan tulad ng kawalan ng Software kung saan ito gagawin, kawalan ng lugar na paglilimbagan, kawalan ng pondo na pampalimbag, kawalan ng oras sa paggawa at iba pang mga bagay na naging balakid sa paggawa ng dyaryong ito. Gayunpaman, naging matagumpay naman kami sa pagtapos ng dyaryong ito, sa tulong ng bawat isa, ng aming guro na si Bb. Ranges at a mula sa aming punong-guro na si Gng. Medina.
GNG. MA. BRENILDA S. MEDINA Si Bb. Ma. Brenilda Medina ay nagtapos sa UST sa kursong BSEd: Major in English; Minor in Social Science. Siya ay naging propesor sa UST College of Commerce noong taong 1963-1996. Siya rin ay may karanasan sa pagtuturo sa Colegio de San Juan de Letran sa Institute of Art and Sciences noong taong 1996-1998, siya’y nagturo sa Assumption College sa Makati. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa San Carlos Seminary Formation Department and Philosophy Department at bilang punong-guro ng Flos Carmeli Institution of Quezon City. Siya ay nagtuturo ng English grammar, speech, literature and values. Siya rin ay kumuha ng Masteral Degree (Master of Arts in Linguistics).
8
TINIG