Ang pagkakaiba ng tanka at haiku ay ito: ang tanka ay may limang taludtod na may kabuuang 31 na pantig. Ang haiku naman ay may tatlong taludtod na may kabuuang 17 na pantig. Sa kabilang banda naman, ang pagkakatulad ng tanka at haiku ay pareho silang parte ng panitikan ng mga Hapon dahil ang mga ito ay mga uri ng tula sa Japan. Pagkakaiba ng Tanka at Haiku Narito ang pagkakaiba ng tanka at haiku: Ang tanka ay may limang taludtod na may kabuuang 31 na pantig. Ang karaniwang sukat ng mga tanka ay 57-5-7-7. Madalas, ang paksa ng mga tanka ay tungkol sa pag-ibig at masidhing damdamin. Sa kabilang banda, ang haiku naman ay may tatlong taludtod lamang na may kabuuang 17 na pantig. Ang karaniwang sukat ng mga tanka ay 5-7-5. Madalas, ang paksa ng mga tanka ay tungkol sa kalikasan. Pagkakatulad ng Tanka at Haiku Ang tanka at haiku ay parehong parte ng panitikan ng mga Hapon. Ang mga ito ay dalawang uri ng mga tula sa Japan. Ang tanka at haiku ay pareho ring nagsasaad ng paksa gamit ang mga pili at iilang salita lamang. Malaking bahagi ng panitikan ng Japan ang mga tanka at haiku. Ang pagkakatulad ng tanka at haiku ay parehong pinahahalagahan ang mga ito sa bansa ng mga Hapon (Japan). Ang tanka at haiku ay may pareho ring layunin na magsaad ng paksa o ideya gamit ang kakaunti at piling salita lamang. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa pagkakatulad ng tanka at haiku ay narito.
I. Ano ang Tanka? Ito ay nagsimula noong ika-walong siglo. Ito ay may 31 na pantig, 5 na taludtod at 5-7-5-7-7 na sukat. II. Ano ang Haiku? Ito ay nagsimula noong ika-15 siglo. Ito ay may 17 na pantig, 3 na taludtod at 5-7-5 na sukat. III. Ano ang pagkakatulad ng Tanka at Haiku? Ang Tanka at Haiku ay parehong nanggaling sa bansang Japan. Pareho ring pinahahalagahan ng mga Hapon ang mga ito dahil parte ito ng kanilang kultura at panitikan. Ang Tanka at Haiku ay parehong may layunin na magsaad ng paksa o ideya gamit ang kakaunti at piling salita lamang. Iyan ang pagkakatulad ng tanka at haiku. HAIKU 5 Halimbawa ng mga Tagalog Haiku ni: Avon Adarna HINDI BULAG Ang puso’t dibdib Malagkit kung tumitig Kung umiibig TAMEME Lipad sa ulap Na sa wari’y kaysarap, Kapag kaharap. MOVING ON Luhang natuyo Ng sinaktang pagsuyo, Kusang naglaho. HANGGANG Madaling-araw, Gising kang tinatanaw, Hanggang pumanaw. KAHIT GISING
Panaginip ka Kahit na sa umaga, Ika’y ligaya. PILIIN Ang payo ko lang Makipagkaibigan Sa maiinam. LAHAT NG ORAS Ang kaibigan, Iyong maaasahan Sa kagipitan. HUWAG BALASUBAS Dapat bayaran, Utang sa kaibigan, ‘Wag kalimutan. HUWAG ITAGO Maging tapat ka, Sabihin ang problema Huwag mangamba.
HAIKU Itinuring ko, Kaibigang totoo, Ang tulang haiku. BALATKAYO May kaibigan, Nasa tabi mo lamang, Kung kasayahan. TUNAY Tunay na diwa, Nitong pakikisama, Ay nasa digma. ILIGTAS Ililigtas ko, Mabihag man ng mundo, Aking katoto. PINAKA Pinakatunay, Na kaibigang taglay, Ang Poong Buhay!
Ngayon taglagas di maipigil pagtanda ibong lumipad. Kung maghahanap Iibiging kausap dapat ay tapat. Masabi ko lang Inyong pagmamahalan ay iparamdam . Ang kaibigan, iyong maaasahan sa kagipitan . TANKA Ang estilo ng tanka ay isang maiikling awitin o tula na pinasimuno ng Japan noon. Ito ay dapat binubuo ng 31 pantig na 5 taludtod. Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 1. 7-7-7-5-5 2. 5-7-5-7-7 Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka. Lilikha ng 3 taludtod ang isang tao at dudugtungan naman ng ibang tao ng 2 taludtod upang mabuo ang isang tanka. 1. Araw na mulat sa may gintong palayan ngayon taglagas di ko alam kung kelan puso ay titigil na. 2. Ito ang laging hiling , Ito ang laging sambit , lahat na'y nahumaling ,Ito naman ay dapat ibigay . 3. Tahimik at malayo , Sa ingay at huntahan magkakape ako at buntong hininga sarap mag-isa. 4. Magsimula sa sarili muna dahil dapat sa'yo ang umpisa ng gusto mo gusto mong pagbabago PAG-IBIG #1 ISA 7 - Ito ang laging hiling 7 - Indibidwal ang tawag 7 - Ito ang laging sambit 7 - Isa akong nilalang 7 - Lahat na'y nahumaling 7 - Ngunit 'di nila-lang lang 5 - Ito naman ay 5 - Natuto akong 5 - Dapat ibigay 5 - Makapag-isa PAG-IISA Pagbabago 7 - Tahimik at malayo 5 - Magsimula sa 7 - Sa ingay at huntahan 7 - Sarili muna dahil 7 - Magkakape ako at 5 - Buntong hininga 5 - Dapat sa'yo ang 5 - Sarap mag-isa 7 - Umpisa ng gusto mo 7 - Gusto mong pagbabago
2. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng TANKA at HAIKU?