ANG KUWENTONGBAYAN
ANG KUWENTONG-BAYAN Ay bahagi ng ating katutubong panitikan Lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita.
Anyong tuluyan Naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung nagsimula at lumaganap.
ANG KUWENTONG-BAYAN Maraming pumapaksa sa hindi pangkaraniwang pangyayaring: - Ibong nangingitlog ng ginto - Nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mgadiyos, diyosa, sirena,engkantada at iba pa.
Masasalamin sa mga K-B ang kaugalian, pananampalataya, at suliraning panlipunan kung kailan ito naisulat.
ANG KUWENTONG-BAYAN May mga K-B na ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng aral.
May mga tampo o kilalangkwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.
MGA KUWENTONG-BAYANG TAGALOG
Si Maria Makiling Si Malakas at Maganda Mga Kuwento Ni JuanTamad
MGA KUWENTONG-BAYAN SA BISAYA
Ang bundok ng Kanlaon Ang batik ng Buwan
MGA KUWENTONG-BAYAN SA MINDANAO
Isang Aral Para sa Sultan Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy Ang Munting Ibon
GABAY NA GAWAIN • 1. Ano-ano ang mga katangian ng isang kwentong-bayan? • 2. Bakit sinasabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig ng kwentong bayan?
• 3. Kung ihahambing sa mga panoorin o babasahin sa kasalukuyang panahon, saan pinakamalapit ang paksa at ang mga katangian ng kwentong-bayan? Patunayan
PANGKATANG GAWAIN Isulat natin p. 19
Ano ang kahalagahan ng Kwentong-bayan sa atin?
Ang Punong Kawayan Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang santol, mayabong ang mangga, mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy. Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata. Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga. Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na. Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa. Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan. Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghilip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.