ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA HILAGANG ASYA Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng Europe at Asya. Ang Bering Sea ang naguugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Dahil sa rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init hindi kayang tumubo sa kalakihang bahagi nito, ang anumang punungkahoy. Sa ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay may malawak na damuhan na may iba’t ibang anyo ( steppe, prairie at savanna) , at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous. Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyong ito.
KANLURANG ASYA Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito, maging ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya.
Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier na lupain ng kabundukan at talampas; ang Arabian Peninsula na isang malawak na lupain at ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi nito ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito, at ang Fertile crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupa; samantalang kabaligtaran naman nito ang Iranian Plateau sa silangang bahagi ng Nortern Tier na may lupaing tuyo.
TIMOG ASYA May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hangganang Indian Ocean sa Timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan at India, sa silangan ay Bangladesh , sa dakong hilaga ay ang mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa Timog. Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay makikita ang mga hanay ng mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram Range sa Pakistan at China at ang Himalayas sa Nepal. Sa Hindu Kush matatagpuan ang kilalang landas ng Khyber . Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo
Gangentic Plain na katatagpuan naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan Plateau sa bandang timog. Sa kanluran at silangan naman ng talampas nito ang kabundukan ng Ghats.
SILANGANG ASYA Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya particular na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga bansang Korea at Japan ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi desrt, Mongolian Tibetan Plateau at ang Himalayas. Nasa silangan naman nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan , mataba ang mga kapatagan ditto, malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagamat malawak ang Tsina, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi katulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga Ilog ng Huang Ho, Yangtze,, at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan. Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korea Strait , ang bansang Japan ay nahihiwalay sa mismong lupain ng silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla; ang
Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Nasa Maliit na bahagi lamang ng bansa ang malaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay kabundukan.
TIMOG SILANGANG ASYA Ang kahabaan ng Timog Silangang Asya ay makikita sa timog ng China at Japan. Ang India ang nasa hilagang Kanluran nito at Pacific Ocean naman sa silangang bahagi . Dahil sa kaaya-ayang klima ditto, magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga ng rehiyon samantalang mga lambak ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan dito habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig. Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog Silangang Asya: Ang pangkontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South china Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng Tsina. Ang mga kabundukan at talampas na ito ang siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng TSA sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawady, Salween,
Chao Phraya, Mekong at Red River. Ang Pangkapuluang TSA o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire.