10 bayani sa Pilipinas
1. LAPU-LAPU (c. 16th century) Ang mga magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Si Lapu-lapu ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Si Lapu-lapu ay talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay na rito ang pagtanggi niya sa mga magagandang alok ni Magellan. Ang pagbibigay ng magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu ang ilan lamang sa mga alok ni Magellan ngunit kapalit nito ay ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang masasakupan. Ngunit katulad ng aking nabanggit ito ay kanyang tinanggihan na siyang ikinagalit ni Magellan.Isa sa mga anak na lalaki ni Datu Zulu ay kaaway ni Lapulapu. Itong nakipagkasundo kay Magellan. Dito binuo nila ang paglusob sa bayan ng Mactan. Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magellan kasama ang kaniyang mga kapanalig na higit pa sa isang libo ay naglayag upang sakupin ang Mactan. Si Lapu-lapu ay nakahanda rin sa paglusob ni Magellan, kasama rin ang 1500 na mga mandirigma. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Natalo ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli ay pinatay ni Lapu-lapu si Magellan. Walang nakaaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito nagtatapos ang talambuhay ni Lapu-lapu.
2. Jose Rizal
Jose Rizal. Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
3. APOLINARIO MABINI Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan. Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang.
4. EMILIO AGUINALDO
Emilio F. Aguinaldo - (1869 - 1964) Siya ang Pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Isinilang siya noong March 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ay ika-pito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-aral ito sa mga pribadong paaralan sa kanilang lugar at pinagpatuloy sa Colegei de San Juan de Letran sa Maynila. Naging Gobernadorcillo ng Kawit,Cavite ang kanyang ama at ang kanyang mas nakakatandang kapatid na si Crispulo. Cabesa de Barangay ng Binakayan, Cavite naman siya sa loob ng walong taon at nagging Capitan Municipal din siya ng Kawit. 1896 ikinasal siya kay Niaria del Rosario may limang anak, tatlong babae at dalawang lalaki. Nang siya'y mabiyudo, napangasawa niya si Maria Agoncillo noong 1921. 1894 sumapi si Aguinaldo at si Santiago Alvarez sa Noveleta, Cavita kasama din ang pinsang si Baldomero Aguinaldo sa KKK, lihim silang nagpapalaganap ng kilusan sa Cavite. Nagtayo sila ng Chapter sa Cavite ito ay ang grupong Magdalo. August 31, 1896 nagrebolusyon ang grupo ni Aguinaldo sa kawit, Cavite pagkatapos ng "Unang Sigaw sa Pugadlawin". Rebolusyonaryong Gobyerno ang itinatag ng mga Pilipino noong March 22,1897 at si Aguinaldo ang Presidente. Nakasentro sa Cavite ang pamahalaan ni Aguinaldo ngunit napilitang ilipat ito sa Biak na Bato, Bulubundukin ng Bulacan dahil sa bakbakan ng puwersa ni Aguinaldo at ng mga sundalong kastila. December 14, 1897 nagkaron ng kasunduan sa Biak na Bato. Ang kasunduan na ito ng kastila at ng Pilipinas ay matigil na ang labanan(tigil-putukan), nangako ang mga dayuhan na magkaron ng pagbabago sa gobyerno, papaalisin ang mga prayle at mapang-abusong mga opisyales. Si Aguinaldo at ang ilang piling tauhan sa Hong Kong ang kapalit. Ngunit hindi nasunod ang kasunduang ito dahil sa paglabag ng magkabilang panig(hindi isinuko ng mga Pilipino ang lahat ng kanilang mga armas, sa halip ay ipinambili pa ang perang nakuha ng maraming armas. Hinuli naman ng mga kastila ang mga Pilipinong nagsuko ng kanilang mga baril.) Muling nagbalik si Aguinaldo sa Pilipinas kasama ang mga Amerikano, sila ang ang tumolong sa pag laban sa mga kastila. Hindi nagtagal muling nasakop ni Aguinaldo ang mga lalawigan maliban sa Maynila. Hunyo 12, 1898 itinatag ang unang Pamahalaan sa lalawigan ng Bacoor, Cavite. Dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at unang narinig ang Pambansang Awit ng Pilipinas. August 13,1898 sumuko ang Kastila sa mga Amerikano at inilipat ang pamahalaan sa Malolos, Bulakan at dito ipinahayag ang Republika ng Pilipinas, January 23, 1899 naging Pangulo si Emilio Aguinaldo. February 6,1964 namatay si Emilio Aguinaldo.
5. ANDRESS BONIFACIO
Andres Bonifacio - (1863 - 1897) Siya ang Ama ng Himagsikan at ng katipunan, Dakilang Maralitan. Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila. Siya ang panganay sa limang anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nag-aral siya sa Don Guillermo Osmena ngunit siya'y maagang nahinto ng pag-aaral dahil sa kahirapan, pero hindi hadlang ang kahirapan upang siya ay matutu, marunong siyang magsulat at bumasa, magaling din siya sa pagsasalita ng wikang kastila, dahilan na din sa sariling pagsisikap. Mahilig ito sa pagbabasa, ilan sa mga nabasa niyang libro ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Les Miserables ni Victor Hugo, at The Wandering Jew ni Eugene Sue. Naging inspirasyon niya ang mga nabasang libro upang itatag niya ang katipunan o KKK (Kataas-taasan, Kagalanggalangan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Ang layunin ng kapisanang ito ay mag-kaisa ang mga Pilipino at mag-alsa laban sa mga kastila upang makamit ang kalayaan, Si Emilio Jacinto ang naging katulong niya sa katipunan. Si Gregoria de Jesus ay kasapi ng KKK na napangasawa niya, ito ay taga-Caloocan. August 23, 1896 pinagunahan niya ang pag punit ng sedula at ang pagwagayway ng pulang bandila, hudyat sa pagsisimula ng himagsikan laban sa kastila. Dahil dito tinawag itong "Unang Sigaw sa Pugad-lawin". Ang katipunang itinatag ni Bonifacio ay nahati sa dalawang grupo, ito ay ang Magdalo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo at ang Magdiwang na pinamumunuan niya. Dumating ang araw na hindi naging maganda ang relasyon ng dalawang grupo, kaya Noong March 22, 1897 nag tatag sila ng Rebolusyonaryong Gobyerno(Revolutionary Government) at nagging Pangulo si Emilio Aguinaldo. May 10, 1897 pinatay si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio sa Bundok Buntis(nasasakupan ng lalawigan ng Cavite).
6. MELCHORA AQUINO
‘Ina Ng Katipunan’ ALING Sora ang tawag sa kanya nuong bata-bata pa, mula sa „Chora nuong siya ay musmos pa, at naging “Tandang Sora” nuong matanda na, nang siya ay naging isa sa mga dakilang bayani ng Pilipinas. Hindi nakapag-aral si Chora, mula nang isilang nuong Enero 6, 1812, karaniwan sa mga babae nuong panahon ng Español, subalit natuto siyang bumasa. Ang kanyang mga magulang ay mga mahirap na magsasaka, sina Juan at Valentina Aquino, sa Banilad, Caloocan (dating bahagi ng lalawigan ng Rizal, ngayon ay isa nang lungsod). Nabantog si Chora sa kanilang puok, sa husay sa pag-awit sa simbahan at mga pagdiriwang sa paligid. Naging kabiyak niya si Fulgencio Ramos na pumanaw nuong ang pinaka-bunso, at ika-7 nilang anak, ay 7 taon gulang pa lamang. Matanda na si Melchora Aquino nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Español noong 1896. Sa kanyang tindahang sari-sari nagpulong nang lihim ang mga kasapi sa Katipunan at, pagsabog ng himagsikan, duon niya itinago, ginamot at inalagaan ang mga katipunerong nasugatan laban sa mga Español. Dahil dito, tinatawag siya ngayong “Ina ng Katipunan.” Nang malaman ng mga Español ang gawain ni Tandang Sora, na siya ay tumutulong sa mga revolucionariong Pilipino, dinakip siya at, utos ni Governador General Camilo Polavieja, ipinatapon sa Marianas Islands (sa gitna ng Pacific Ocean, at daanan ng mga Español papuntang Pilipinas simula pa kay Ferdinand Magellan nuong 1521. Kilala ito sa Pilipinas bilang Guam, isa sa mga pulo duon na tahanan ngayon ng maraming Pilipino). Nang nasakop ng mga Amerkano ang Pilipinas nuong 1898, nakauwi si Tandang Sora at iba pang Pilipino na ipinatapon ng mga Español. Namatay si Tandang Sora nuong Marso 2, 1919, nang 107 taon gulang na. Inilibing siya sa bakuran ng kanyang sariling tahanan, na ngayon ay isa nang libingang pambayan, at tinatawag na Himlayang Filipino.
7. EMILIO JACINTO
Emilio Aguinaldo (Disyembre 15, 1875 - Abril 16, 1899), ay isang rebolusyonaryong Filipino na kilala bilang ang Utak ng Katipunan. Ipinanganak sa Trozo, Manila, Jacinto ay ang anak ni Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Ang kanyang ama ay namatay sa ilang sandali lamang matapos Jacinto ay ipinanganak, pilitin ang kanyang ina na magpadala sa kanya sa kanyang tiyuhin, Don Josà Dizon, upang siya ay magkaroon ng isang mas mahusay na pamantayan ng pamumuhay. Jacinto ay matatas sa parehong Kastila at Tagalog, ngunit ginustong na magsalita sa mga Espanyol. Siya pumasok San Juan de Letran College, at mamaya inilipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aaral ng batas. Hindi niya tapusin ang kolehiyo at, sa edad na 20, sumali sa mga lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan. Siya ang naging tagapayo sa piskal na usapin at sa sekretarya sa Andràs Bonifacio. Jacinto din wrote para sa Katipunan pahayagan na tinatawag na Kalayaan, na isasalin sa Freedom sa Filipino. Siya wrote sa pahayagan sa ilalim ng panulat pangalan Dimasilaw, at ginagamit ang alias Pingkian sa Katipunan. Emilio Jacinto ay ang mga may-akda ng Kartilya ng Katipunan rin. Pagkatapos Bonifacio's kamatayan, Jacinto patuloy labanan sa mga Kastila. Like General Mariano lvarez isang, siya tumanggi na sumali sa mga pwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ng malaria at namatay sa Majayjay, Laguna, sa edad na 23. Kanyang ay nananatiling ay mamaya ilipat sa Manila North Cemetery.
8. MARCELO H. DEL PILAR
NAKILALA si Marcelo H. del Pilar bilang Plaridel. Ipinanganak siya noong ika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Nanguna siyang propagandista para sa reporma ng Pilipinas at naging editor at publisher din ng La Solidaridad. Nagsimula siyang mag-aral sa Kolehiyo de Jose Flores at lumipat sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Nakatapos siya ng kursong abogasya noong 1880.
Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong magpiyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Pinakasalan ni Marcelo H. del Pilar ang kanyang pinsan na si Marciana del Pilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak. Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala ang pagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong Espanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sa pagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalab ng Puso ng Taong Bayan." Sa Espanya, kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng La Solidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ng kanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel ang humalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan.
9. Graciano Lopez-Jaena
Graciano Lopez Jaena - (1856 - 1896) Siya ang Dakilang Mananalumpati, Prince of Filipino Orators, Nagtatag ng La Solidaridad. Isinilang siya noong December 20, 1856 sa Jaro, Iloilo siya ay anak nina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Si Padre Francisco Jayme ang personal na nagturo kay Graciano nung anim na taon plang siya, nag-aral siya ng Teolohiya at Pilosopiya sa Seminaryo ng San Vicente. Nagtrabaho siya sa Hospital ng San Juan de Dios. Nag punta ng Espanya si Graciano upang umiwas sa pang-uusig ng mga kastila dahil sa mga sinulat niya, nag-aral siya sa Unibersidad ng Valencia ng medisina. Dahil marami ding Kastila na Lopez nag pasya itong idagdag ang Lopez sa kanyang pangalan, kayat naging Graciano Lopez Jaena ang buong pangalan niya. Kasapi din siya sa Propaganda isang samahan ng mga Pilipino sa Espanya. Itinatag niya ang La Solidaridad, kinilala ang kanyang kahusayan sa pag tatalumpati. Namatay si Graciano na pulubi sa Barcelona noong Enero 20, 1896.
10. GREGORIA DE JESUS
Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ay kabiyak ng dibdib ng supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Siya ay kilala sa bansag na "Ina ng Katipunan" at "Ina ng Himagsikan".[1] Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang Oriang"[2] ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Katipunan. Siya ang taga-ingat ng mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang minsang may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro siya na siyang naghahawak ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madali niyang naitago sa malayong lugar.[2][3] Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi na ito hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang patayin sina Bonifacio ay hindi ito ipinaalam sa kanya. At nang malaman niya ito ay hinanap niya ang bangkay ng kanyang asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Ginoong Julio Nakpil at sila ay nagkaroon ng limang na anak.[4] Nagkaroon siya ng isang anak kay Andres Bonifacio ngunit ito ay namatay nang sanggol pa lamang. Si Gregoria de Jesus ay namatay noong Marso 15, 1943 sa Maynila sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
5 ALAMAT ANG ALAMAT NG BUKO Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng anak. May dalawang taon nang nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit wala pa rin silang mga supling. Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak ay kanila ng sinubukan. Nagawa na nilang magsayaw sa kalye kasama ng iba pang mga mag-asawang hindi rin magkaanak; nasubukan na rin nilang uminom ng iba’t ibang dahon-dahon na ayon sa matatanda ay makapagbibigay ng kanilang ninanais at kung ano-ano pang mga seremonyas. Ngunit wala pa ring supling ang nabuo sa sinapupunan ng babae. Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay nabuntis din si Maria. Ngunit maselan siyang magbuntis. Halos buong maghapon ay nakahiga lamang ito sapagkat palagi siyang nahihilo at naduduwal. Hindi lamang iyon, marami din siyang hinihiling na kainin o di kaya’y pagmasdan. Dahil sa matagal nilang inantay ang magkaroon ng anak, ibinibigay ni Juan ang lahat ng pinaglilihian ng kanyang asawa maski pa mahirapan ito sa paghahanap. Lahat ng mga kakaibang prutas, iba’t ibang luto ng pagkain at kung ano-ano pang hinihiling ni Maria ay pinipilit na hanapin ni Juan upang hindi magdamdam ang asawa at hindi mapasama ang bata sa kanyang sinapupunan. Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Maria. Gusto raw niya ng prutas na bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig at may puting laman na parehong ubod ng sarap at nakakabusog. Naghanap si Juan ng prutas na sinasabi ng kanyang asawa ngunit wala siyang makita na may ganoong paglalarawan. Maging ang mga kapitbahay na kanyang pinagtanungan ay walang alam na prutas na may ganoon bunga. Umuwi si Juan na bigo sa paghahanap ng nasabing prutas. Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay dinamdam ito ni Maria. Ayaw niyang kumain ng kahit ano maliban sa pagkaing kanyang inilalarawan. Siya ay unti-unting nanghina at nagkasakit. Nagmakaawa si Juan na kumain ang asawa dahil sa buntis pa man din ito ngunit ayaw talagang kumain ni Maria hangga’t matikman niya ang hinahanap na prutas. Patuloy na nanghina si Maria at di kalaunan ay namatay. Dahil sa lungkot, inilibing ni Juan ang asawa sa kanilang bakuran. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang halamang umusbong sa pinaglibingan kay Maria. Inalagaan ito ni Juan dahil naaalala niya ang yumaong asawa sa halamang ito. Dumaan pa ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman na ngayon ay isa ng matayog na puno. Kumuha ng bunga si Juan at nang biyakin niya ito ay may laman itong parang tubig at puting laman. Tinikman ni Juan ang prutas at ito ay ubod sarap. Muli niyang naalala ang prutas na pinaglilihian ni Maria noon na ganoong-ganoon nga ang paglalarawan. Sa pagkakataong iyon, alam niya na ang puno ay ang kanyang namayapang asawa na si Maria
ANG ALAMAT NG SAGING Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging. Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
ALAMAT NG BULKANG MAYON Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog. Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga. Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian. Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga. Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga. Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito. Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan. Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.
ALAMAT NG LANSONES Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan. Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyanggutom at pumitas ng mga ito. May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno. Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain. Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain. Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga. Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito. Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones".
ALAMAT NG SAMPAGUITA Ang Alamat ng Sampaguita
Bantog ang nayon ng Sto. Cristo dahil sa magaganda nitong tanawin. Ang magkabilang kalsada nito na patungong bayan ay may nakahilerang puno. Malalabay ang mga sanga nito kaya nag-aabot sa gitna ng kalsada. Nagbibigay iyon ng malamig na lilim kaya gustong-gusto itong daanan ng mga manlalakbay. Bukod sa malalim na kalsada ng Sto. Cristo at magagandang mga tanawin, isa pa sa mga ipinagmamalaki nito ay ang magaganda nitong dalaga. Namumukod sa mga dalagang ito si Elena. Tulad sa pangalan ay laging naiimbitahan bilang Maria Elena ang dalaga.Halos hindi na mabilang ang mga paanyayang tinatanggap ng dalaga upang maging tampok na kagandahan ng anumang pagtitipon. Ano pa at hindi rin mabilang ang mga. binatang naghahangad ng pagibig niya. Sa kabila ng lahat, tila sarado ang pihikang puso ni Elena. Wala isa man siyang magustuhan sa rami ng mga manliligaw.Ang ibang mga binata ay nagpatulong sa kanilang mga magulang ang niligawan ang mga ito ay ang ama at ina ni Elena gayundin ang mga kapatid ng babae. Subalit bigo parin sila. Kinausap ni Mang Anton at Aling Nina ang anak. "Hindi sa ako ay nakikialam," ani ni Mang Anton,"pero napansin kong hindi ka na bumabata.Wala ka pa rin bang napupusuan sa mga manliligaw mo?" "Hayaan mo na lamang ako, ama.Kapag dumating ang sadyang lalaki para sa akin ay hindi ko pakakawalan," pabirong sagot ni Elena. Waring sinadya ng pagkakataon isang mangangaso ang napadpad sa Sto. Cristo. Naligaw ito at kina Elena nakapagtanong. Ang mangangaso ay si Roberto, isang taga-lungsod. Niligawan ni Roberto si Elena. Tulad ng ipinangako sa ama, nang dumating ang lalaking iibigin ay hindi na nagpakipot si Elena. Sinagot agad niya si Roberto. Nang yayain siya ng kasal ng binata ay mabilis niyang tinanggap ang alok nito. Maligayang-maligaya si Elena. Hindi niya inakala na saglit lang pala ang ligayang iyon. Dahil bago sumapit ang pag-iisang dibdib nila ni Roberto ay dumating ang isang babae at sinabing may pananagutan rito ang binata.Hindi nakapagkaila si Roberto ng kumprontahin ni Elena. Kahit ng humingi ito ng tawad ay naging matigas ang loob ng dalaga "Isinusumpa kita!" ani Elena kay Roberto. Mula noon ay nawalan ng kulay ang buhay ni Elena. Napuno siya ng hinagpis. Namatay siya sa lungkot na tanging inuusal ay ang salitang…"sumpa kita…sumpa kita…" Kaya nang may tumubong halaman sa kanyang libingan ay namulaklak iyon ng ubod bango, hindi na rin nagdalawang isip ang ama't ina niya na sumpa kita ang bulaklak, ang mga huling salitang binigkas ng anak bago sumakabilang buhay. Lumipas ang panahon at ang mabangong bulaklak ay kinatuwaan ng marami. Ang salitang sumpa kita ay napalitan na rin at nang magtagal ay naging sampaguita. Dahil sa katangian nito at iwing kariktan, ang sampaguita ang naging pambansang bulaklak ng Pilipinas.
5 MAIKLING KWENTO SI KALABAW AT SI KABAYO Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
ANG PAGONG AT ANG KUNEHO
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.
DAYUHAN Buenaventura S. Medina, Jr.
Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito ang pinaguusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol.At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyangama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.
Kwento ng Isang Dayuhang Pinoy
Si Ryeowook Camorra ay isang guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan.Ang kanyang tinituro ay tungkol sa asignaturang Agham ukol sa Kimiko (Chemistry III).Sa kanyang pangalan ay isang Koreano pero lahing Pinoy.Ang ina niya ay isang Koreano habang ang kanyang ama ay isang Pilipino.Si Ryeowook ay matangkad,mabait at matalino pero siya ay isang maykaya lamang sa buhay.Nang mga ilang taon ay namatay ang kanyang Ina dahil sa sakit na kanser.Nagdesisyon ang kanyang ama na bumalik siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang isang doktor.si Ryeowook ay laging iuugnay sa kanyang kariktan ng buhay o kahit saan mang kagandahan sa isang tanawin, sa isang kaisipan o maging sa isang tunog.Nagsisikap siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya.Si Ryeowook ay pangkaraniwang lamang. May nakapansin sa sanya bakit guro ang kinuha niyang trabaho imbes na ang kanyang itsura ay pwedeng ipasok sa mga pang opisinang trabaho. Tinawag si Ryeowook na "G. Mabuti"dahil siya ay magaling magturo at mabait sa mga estudyante.Minsan siyay palabiro sa mga estudyante.Nang minsan papunta si Ryeowook sa isang gilid ng silid-aklatan upang doo'y umiyak. Naalala niya ang mga pangyayaring naganap sa kanyang mga magulang. Napansin niyang mayroon ding isang babaeng estudyante na kanyang kaeskwela na doo'y umiiyak. Tinanong niya ito ngunit ito'y di-nagsalita… Nagkasabay sa pag-uwi si Ryeowook at ang batang babae na si Anita. Nang mga oras na iyon,naalala ng bata ang itatanong niya kay Mabuti. Nag uusap sila bakit umiyak si Anita sa gilid ng silid aklatan.Sinagot niya na "Kasi po G.,naalala ko po ang aking nmga magulang.Iniwan nila ako sa aking lola,at hindi ko po alam kung buhay pa po ba sila sa ngayon?".Nadama ni Ryeowook ang lungkot at lumuha ang kanyang mga mata.Habang nag-uusap sila pa-uwi,ang sinabi ni Ryeowook,"Huwag kang umiyak,ipagdasal mo ang mga magulang mo kung silay nabubuhay pa ngayon."Pagkatapos ay may halong biruan si Ryeowook at humalakhak ng malakas si Anita. Sa tuwing nagtuturo ng asignaturang Kimiko III,si G. Mabuti ay walang siyang binigkas kundi ang kanyang buhay.Ikinuwento niya iot at ibinahagi sa kanyang mag-aaral.Makalipas ang pagkukuwento ng isang oras,umiyak at naawa ang mga mag-aaral.Alam nila kung gaano kahirap ang buhay ng gurong si Ryeowook. Mataas sana ang pangarap ni Ryeowook para sa kanyang magulang.Nang dumating ang kanilang kahirapan sa kanilang buhay,hindi na niya ito natuloy ang pag-aaral niya.Gusto niya sana itong magiging isang magaling na doktor tulad ng kanyang ama.Kapag naituloy niya ang pagiging isang magaling na doktor ay gagamutin niya ang kanyang Ina, pero wala na siyang pera pampaaral niya sa medisina dahil ang pera ay ibinili niya ng gamot sa kanyang Ina.May pag asa pa si Ryeowook na pumasok ulit at magaral ng medisina para mabago ang kanyang buhay sa pagiging mahirap,at gagamutin niya ang mga taong maysakit.Ipapakita niya ito sa mga mamamayan kung gaano ba ito kagaling si Ryeowook magturo sa paaralan at sa pagiging niyang doktor.
Walang panginoon - Deogracias Rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.
5 TULA
Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos Marahang-marahang manaog ka, irog, at kata'y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari'y kinuyom ng rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin… Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kita sa nangaroroong mga lamang-lati; doon ay may tahong, talaba't halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapithapon, kata'y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon: Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…
BITUIN AT PANGANORIN Jose Corazon de Jesus Ako’y nagsapanganorin upang ikaw’y makausap At sa pisngi niyong langit ang dilim ko’y inilatag; Ang nais ko’y matapakan ka ng sapot kong mga ulap At nang yaong pagsikat mo’y ako lang ang makamalas: Bituin kang sakdal gandang hatinggabi kung sumilang Na Buwan ang iyong ina at ang ama’y yaong Araw, Ang Araw na iyong ama nang malubog sa kanluran Ay nagsabi sa palad kong huwag kitang lalapitan. Ako nama’y sumang-ayon dapwat ako’y Panganorin Na talagang hatinggabi kung lumapit sa Bituin, Kaya ikaw, Bituin ko’y nasuyo ko’t naging akin. Liwanag mo at dilim ko’y magdamag ding naghalikan, Ngunit tayo’y inumaga! … Akong dilim ay naparam At natakot sa ama mong nandidilat sa silangan!
Sa Aking Mga Kababata ni José Rizal
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Dahong Lugas ng 'Florante at Laura' Sa loob at labas ng bayan cong saui caliluha,i, siang nangyayaring hari cagalinga,t, bait ay nalulugami ininis sa hucay ng dusa,t, pighati. Ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cutia,t, lingatong balang magagaling ay ibinabaón at ilinilibing ng walang cabaong. Nguni,t, ay ang lilo,t, masamang loob sa trono ng puri ay ilinulucloc at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang isinusuob. Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayo at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuco santong catouira,i, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo. At ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan. Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas oh! hangad sa puring hanging lumilipas icao ang dahilan ng casam-ang lahat niaring nasapit co na cahabaghabag. Ipinahahayag ng pananamit mo taga Albania ca at aco,i, Persiano icao ay caauay ng baya,t, secta co sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.
PAG-IBIG Ni Jose Corason De jesus Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog. Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang! Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit. Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila. Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak. Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat! “Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay. Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid. Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib, at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!
MGA BUGTONG 1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW) 2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt) 3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes) 4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant) 5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – kandila (candle) 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.